CHAPTER 15 - THE NAME OF THE GAME

4.1K 55 2
                                    

DIANE POV

Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob ng opisina ni Christian

"hey anong ginagawa mo dito?" ngumiti si Christian ng makita akong papasok

ngumiti lang din ako
"Bawal ko bang bisitahin ang boyfriend ko?" tanong ko sa kanya

umiling naman sya at natawa

"haha hindi naman, halika upo ka" lumapit sa akin si Christian at napatingin sa hawak hawak ko

"p-pinagluto pala kita" nahihiya kong sabi sa kanya

First time ko kasing gawin ito, ang ganitong trabaho-ang magpanggap bilang girlfriend.
atsaka tulad ng sinabi nya, be yourself.
At naisip ko na bakit hindi ko subukan?

"Aw sweet naman ng girlfriend ko, thank you" nakangiti parin si Christian

Hindi ko alam pero bigla akong natameme.
Kinabahan din ako dahil sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Nakangiti lang naman sya eh. at isa pa, customer ko sya at isa pa kapatid sya ng ex mo na ngayon ay boyfriend ko na pero isang pagpapanggap lang.

Pumunta kami sa living room at doon kumain, kumuha naman si Christian ng pinggan sa kusina at bumalik din agad

"halika sabayan mo ako" sabi nya sa akin pero umiling lang ako

"wag na, nakakain narin ako kanina eh" sabi ko habang binubuksan ko ang dala ko

umiling naman sya "susubuan kita" pagpipilit nya pa at sumandok ng pagkain at itinapat sa akin ang kutsara

"Christian" tawag ko sa kanya pero isinubo na nga nya sa akin ang kutsarang may laman na pagkain

natawa naman sya sa reaksyon ko kaya kumuha din ako ng kutsara at sinubuan ko din sya

"hhmmmm sarap" ngingiting ngiting sabi nya habang ngumunguya

ilang minuto din kaming nagsusubuan ng bumukas ang pintuan

"Christian!" tila ba na estatwa ako sa kinauupuan ko at hindi rin makagalaw

Hindi ko naman kasing inaasahan na pupunta dito sila Carlo, Carol at Colbie.

"Anong ginagawa nyo dito?" takang takang tanong agad ni Christian

umupo naman agad sila sa couch na nasa harap namin habang nasa isang upuan naman umupo si Colbie, may dala dala naman si Carol at sinimulan na nya itong nilabas

"makikisabay makipag lunch sa inyo, para naman makapag bonding tayo" sabi agad naman ni Carlo at napatingin sa akin

tahimik lang naman si Colbie na nakikikain din sa niluto ko

"Congrats ulet sa inyong dalawa at sana tumagal kayo, sana hindi pa huli ang pagbati ko" dugtong nya pa

"Oh my god! kayo? kailan pa?" gulat naman na tanong ni Carol at napatingin sa aming dalawa ni Christian at kay Carlo naman pagkatapos

para bang hindi nya inaasahan ang nangyari.

Napatingin naman ako kay Christian ng magsalita ito

"4 days ago"

napalaki ang mata ko sa sinabi nya at na realize kong, apat na araw palang simula nung araw na binago namin ang kontrata at apat na araw palang nga ng maging kami ni Christian legally.

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon