CHAPTER 26 - CLOSURE

3.3K 55 0
                                    


DIANE POV

Maaga akong nagising para mag jogging, actually hindi ako nakatulog ng maayos dahil magdamag akong gising at nag iisip. Iniisip ko ang mga nalaman ko.

Si Ynna at Christian magkasabwat?
Pinagtulungan nila ako! Plinano nila to!

"sigh"

napabuntong hininga ako. Hindi ko kasi matanggap na ang bestfriend ko, na magagawa sa akin to ng best friend ko. Alam nya ang pinagdaanan ko! Alam nya ang paghihirap ko! Tapos si Christian naman, alam nya na kinamumuhian ako ng mommy nila tapos pinagpipilitan nila kami ni Carlo!

"malalim ang iniisip ah"

nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko, may kasama na pala ako sa pag jogging hindi ko man lang napansin

napabuntong hininga ulet ako

"wala to" sabi ko at pinilit na ngumiti

"Diane" napatigil ako sa pag takbo ng hawakan nya ang kamay ko

"Pwede ba kitang makausap?"

tumango ako at sinabayan ko sya sa paglalakad dito sa park, marami ding mga bata, matanda, mga couples ang nandito ngayon sa park para mag exercise

"Gusto ko sanang klarohin ang nangyari noon"

humarap sa akin si Carlo at tiningnan ako sa mga mata

hinawakan nya pa ang kamay ko

"mahal kita Diane. mahal na mahal kita, ikaw ang babaeng mahal ko, ikaw lang ang minahal ko. Sorry sa ginawa sayo ni mommy. Sorry dahil wala akong nagawa noon. Sorry dahil nasaktan kita. Sorry dahil pinabayaan kita"

pinipigilan ko ang sarili kong umiyak at alam ko na ganun din sya dahil ramdam ko ang lalim ng paghinga nya

"may sakit sa puso si mommy at kailangan nyang operahan pero ayaw nya dahil pupuntahan na sana kita noon. Nakiusap sa akin si dad na sundin ko ang gusto ni mom and she wants me to leave you, to forget you"

tumulo na ang luhang pinipigilan ko

"Alam ng diyos kung gaano kita kamahal Diane at naiintindihan ko kung bakit mo tinago sa akin si JR"

napaatras ako pero agad syang lumapit sa akin, ng tatanggalin ko ang kamay ko na hawak hawak nya ay mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko

"Carlo!" tawag ko sa kanya

hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hinawakan nya ang mukha ko at pinatingin sa kanya

"Wala akong kwenta Diane! Ni hindi ko sinubukan kung kamusta ka na? Kung ano ng nangyayari sayo?"

umiiwas ako sa tingin nya

"I was too late"

may tumulong luha sa mata nya. Binitawan nya na ang kamay ko at lumayo ng konti

"Kung iniisip mo na ilalayo ko sayo si JR, ang anak natin nagkakamali ka Diane dahil kung desisyon mong hindi ako ipakilala sa kanya tatanggapin ko pero sana hayaan mo ako kahit na maging tito nalang nya"

malungkot ang pagkakasabi nya at ilang beses akong napapalunok ng sarili kong laway ni hindi ako makapagsalita

May tinype sya sa cellphone nya at nag beep ang cellphone ko pagkatapos

"This is my last gift to you and to our son. Diane please be happy"

lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo ng ilang minuto bago lumakad palayo

ilang minuto na ang lumipas at nagkalakas ako para tingnan ang cellphone ko

pero napahagulhol nalang ako at nanlambot at napaupo sa sahig ng mabasa ko na

Malaya na ako sa pagiging sexy girl.
Alam na nya lahat, alam nya lahat ng tinatago ko sa kanya.

Dapat ba akong matuwa dahil hindi ilalayo ni Carlo sa akin ang anak ko? Dapat ba akong matuwa dahil ang selfish ko? Sarili ko lang ang iniisip ko.

Paano naman ang anak ko? Paano naman si Carlo?

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon