Nine: Welcome To Paris

65 15 0
                                    

When the waves are flooding
the shore and I can't
Find my way home anymore
that's when I, I... I look at you

-When I look at you

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

"Hoy cheetah!"

"Ano nanaman?? Panira ng mood 'to eh!"

"Ang pasaway! Wala manlang akong kaalam alam dito!"

"Ah talaga wala? So di mo alam ginagawa mo ngayon dito?"

"Huwag mo nga kong pilosopohin!"

"Realtalk tawag dun! Unggoy na 'to."

"Sa gwapo kong 'to? Pero sumagot ka nga ng maayos! Bakit wala akong alam dito?"

"Gusto mong malaman kung bakit? Nung nasa bahay ako at nagpapagaling nasaan ka??"

"Uh... Naki overnight stay?"

"Yun ang dahilan kung bakit ganyan ka ngayon. Ako pa magr-reach out? Ako pa mag a-adjust? Kasalanan ko pa?? Don't me nga."

Sasagot na sana si kuya pero pinandilatan ko siya ng mata. "Eh kung isumbat ko kaya sayo na wala ka noong nagkasakit ako? Tapos saka mo sabihing kuya kita!" Sa sobrang bwisit ko itinaas ko ang dalawang kamay ko sa harap mismo ng mukha ni kuya at gigil na pinabilog ang mga ito sabay "Aaargghh!!!!"

Inirapan ko siya at tumalikod saka humalukipkip. Bwisit na 'to! Ang ganda ganda ng gising ko dahil excited na ako sa flight namin ngayon tapos eepal epal itong kuto na ito.

Sino ba kasi nagsabing maki-overnight siya sa ibang bahay? Wala siyang karapatang isumbat sakin na wala siyang alam na aalis ako ng tatlong buwan dahil siya yung unang lumayas! May pasabi sabi pa ng sorry daw at kailangan umalis ulit tapos mangangapit bahay na pala. Aba! Bakit daw hindi ako nagpapaalam sakanya eh siya daw yung kuya ko at babae pa ko. Bugbugan nalang kami kung gusto niya.

Hmp!

Nandito na kami sa airport at naghihintay nalang na matawag kami at makasakay na. Nandito si kuya, yung apat kong kaibigan at yung mga kaibigan ni Kendric. Unfortunately, nandito rin si Celine. Hindi nalang namin siya pinapansin. Basta ang tamang magagawa ko lang ay ang iwasan siya para kay Kendric. So that wala nang mangyaring gulo bago kami umalis dito.

"Calling all passengers going to Paris France flight 2125, please now proceed to the plane. Again, calling all passengers going to Paris France flight 2125, please now proceed to the plane. Thank you."

Hinarap kami ni Kendric.

"Paalis na tayo. Magaaway parin ba kayong dalawa diyan?"

Nagkatinginan naman kami ni kuya.

"HMP!" Sabay naming tugon at nag iwas. Napatawa si Kendric.

"Three months kayong magkakahiwalay, imbis na maayos kayong magpaalam sa isa't isa nagkakagulo pa kayo."

Napalingon naman ako kay Kendric sa sinabi niyang iyon at may nakita akong ikinalungkot ko. I saw defeat in his eyes, nakangiti siya pero nakikita kong iba ang sinasabi ng mata niya.

Natahimik ako.

--

"Nandito ka na naman?" Tanong ko pero hindi manlang siya sumagot. Nakayuko lang siya at nakatayo sa harap ng pinto sa kuwarto ko.

Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now