Huling hirit
di ko alam kung bakit
At pano mo napapawi
ang kalungkutan ko- Mahika
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
Dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong nangyari yung bugbugan ni Kendric at ng anim na lalaki. At ito pa rin kami hanggang ngayon, ayos naman... hindi siguro.
Bakit? Sobrang hyper niya at para siyang walang sakit sa katawan. Habang ako madalas napapasabunot nalang sa sarili ko dahil para akong nag aalaga ng isang pasaway na batang ayaw sumunod sa utos.
Sinabi ko na ngang huwag na siyang masyadong magulo at hindi pa magaling ang mga sugat niya pero ayun, nakakita ng bike. Noong una maayos ang pagkakasakay niya pero natumba siya nung magulungan niya yung isang bato. Edi nagalusan na naman siya. Ganito set up namin, kumbaga siya nagdadala ng sarili niyang kapahamakan, ako naman ang nurse niya. Pwera nalang doon sa nacorner ako nung anim na gangster. Aminado akong ako ang may kasalanan noon.
So ayun nga, nag bakasyon kami sa France para lang ma-master ko ang pagtreat ng sugat at paglagay ng band aid.
I decided to get up on my bed after a few minutes dahil sa biglaang pagkagutom. I walked out and as I shut the door of my room ay napansin ko ang kakaibang katahimikan. Nasaan si Kendric? Nasanay kasi akong pagkagising palang nasa tabi ko na agad siya. O kaya naman nanonood ng tv sa baba. Or nasa kwarto niya lang, naglalaro ng games.
I slowly walked towards his door and knocked. Walang sumagot. Kumatok ulit ako, wala pa rin. I opened the door at linibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Wala din siya dito. Maayos rin ang higaan niya. Nasaan siya?
Bumaba ako ng hagdan at linibot ang buong bahay. Napatigil ako saglit sa paglalakad habang nasa dining room. I tilted my head slightly because of a sudden thought.
"Iniwan na ba niya ako?" Curious kong tanong. But as if on cue biglang may dumaang lalaki sa labas ng malaking bintana.
Oh. He didn't leave.
Napangiti ako at dali-daling lumabas ng bahay. Actually, maganda ang panahon ngayon. Cause spring day already came. It started three days ago.
I walked around the garden. Ang ganda ng maluwang na pwestong ito ng bahay. Binuksan na namin ang fountain simula pa noong first day ng spring at malaya nang umaagos ang tubig. Rinig ko rin nga ang tunog nito. The gentle morning breeze touched my face every time I take a step.
I can even hear birds chirping. I always loved to see spring day. Yung katulad ng sa mga palabas na biglang bubuka yung mga bulaklak ng sabay sabay tapos iba't iba pa ang kulay nila?
May rose garden nga pala dito na nakapaligid sa buong gilid ng garden. Ang alam ko, red and pink ang mga kulay nila at excited na akong makita silang mag bloom. Hindi pa kasi namumunga eh. Pipitas ako ng konti tapos ilalagay ko sa loob ng kwarto, saktong sakto may magandang vase sa kwarto ko na walang laman.
Hindi ko na nasubaybayan ang paligid dahil busy akong mag isip isip. Kaya naman napatigil ako sa paglalakad ng makita ang seryosong lalaking tahimik na nakatayo sa harap ko. Nakapamulsa siya at diretso ang tingin sa akin. Parang tumatagos ang titig niya sa kaluluwa ko, hindi ko nga alam kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa tingin niya cause I shivered all of a sudden without a plain specific reason.
YOU ARE READING
Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇ
Teen FictionLianna Xanders, isang babae na tinitingala ng marami dahil sa ganda, yaman at talino na mayroon siya. Every guy likes her and every girl wants to be her. Kendric Milan, isang lalaki na tinitingala ng marami dahil sa gwapo, yaman at talino na mayroon...