I don't know why I'm drawn to you
Could you be the other one
So we'd equal two- You and I
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
Kasalukuyan akong nagluluto ngayon ng lugaw para kay Janine. We already came back home para mas maalagaan namin siya. Kanina kasing dinala namin siya sa forest at pinahiga sa tent, I touched her forehead para sana malaman ang temperature niya at sobrang init ng buo niyang katawan. She looked drunk and at the same time she looked very tired.
"What do you think was the reason why she fainted?" Kendric asked who is currently standing beside me. Umiling iling ako.
"I have no idea, Kendric."
He sighed and I saw him from my peripheral vision face me.
Tahimik akong nagpatuloy sa pagluluto. Pero napansin ko lang, wala yata siyang balak tumigil sa kakatitig sakin? Nagsisimula na akong maging hindi komportable ah.
I shot him a look. Saktong saktong paglingon ko sa kanya, lumapit bigla ang kanyang kamay and I wasn't able to move because of shock.
Inayos niya ang nakaharang na buhok sa mukha ko. And then, he gently tucked it behind my ear. Nakaramdam na naman ako ng kiliti sa bituka at halos mabitawan ko na rin ang hawak kong sandok.
"W-what are you..."
He beamed then chuckled. Natapos na siya sa ginagawa niya pero hindi niya pa rin binaba ang kamay niya. He kept on staring at me. And I can't help but to stare back.
Tumahimik bigla ang paligid, nababaliw na yata ako. Pakiramdam ko kasi wala na akong ibang bagay na nakikita sa mundo pwera lang sa kanya. No one else but him. What is happening here?
Sabay kaming napalayo sa isa't isa after hearing a door being closed.
I looked at the stairs. Maybe it's Janine, sigurado ako naliligaw na siya ngayon.
"I-I better check her." Sabi ko ng hindi manlang tinitingnan si Kendric. "Pakibantayan muna yan."
Dumiretso ako sa hagdan at umakyat pataas. I reached the second floor and there I saw Janine, tahimik na nakatayo sa harap ng guest room kung saan namin siya pinagpahinga. She glanced at me at napaatras ng makita ako.
"Who are you?"
"Get down and eat something." I said, ignoring her question.
Dahan dahan siyang naglakad palapit sakin. Nagsimula na ulit akong bumaba at sumunod rin naman siya agad.
"Is she awake?" Kendric asked as soon as we reached the kitchen.
"Yeah."
I told her to sit down habang ako ay dumiretso kay Kendric at sinilip ang lugaw na sinasalok na niya ngayon. Nang mapuno na ang mga mangkok ay kinuha ko agad ang tray at binuhat papunta sa mesa.
"Here you go." I handed them their own food then I sat down in front of Janine, katabi ko si Kendric. Napatigil ako sa pag galaw ng makitang titig na titig sakin si Janine. I raised an eyebrow at her.
She gulped. "T-teka... L-Lianna Xanders?" Inilipat niya ang tingin kay Kendric. "K-Kendric Milan?"
She looked around the room at nabasa ko sa mukha niya ang pagkagulo. She seemed really confused with what's around her right now, siguro kasi hindi niya alam kung paano siya nakarating dito.
YOU ARE READING
Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇ
Genç KurguLianna Xanders, isang babae na tinitingala ng marami dahil sa ganda, yaman at talino na mayroon siya. Every guy likes her and every girl wants to be her. Kendric Milan, isang lalaki na tinitingala ng marami dahil sa gwapo, yaman at talino na mayroon...