Eight: His Girl

89 16 1
                                    

So close your eyes
Escape this town for a little while

-Love story

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

"Lianna, okay na lahat. Everything is set." Nakangiting balita sakin ni uncle na sumilip sa kwarto ko. Tinanguan ko lamang siya at tumingin na ulit sa bintana habang nakaupo sa swivel chair.

What he meant to everything is about Celine, Kendric and I's flight, our resthouse in Paris at kung anu-ano pa. Hindi na rin namin kailangang ipagpaalam ang sarili namin sa school dahil excused na kami agad, ang may ari ba naman ay ang parents naming dalawa, so I see no problem to prioritize.

About Celine, hindi ko na pinatuloy ang pagbili sa shop nila na source of income ng buong pamilya niya. Ewan ko ba, maybe because of the overwhelming joy I felt na hanggang ngayon ay hindi pa ako makarecover, ay parang gusto ko biglang bumait kahit konti manlang. The funny part is when I tried to be a good girl in front of my karibal. As in, sakanya pa talaga. Pero ang mas hindi ko maintindihan ay yung wala talaga akong balak bawiin yung utos ko na huwag nang bilhin yung shop nila.

I'm starting to think if this is what happiness from love can do. Am I inlove?

Napairap ako. Ghad how could I ask that? Ang corny! Nakakadiri! Ew! Yuck! Ugh-

Haay.

Pero... bakit tuwing maaalala ko lahat ng nangyari sumasaya na ulit ako? Parang ibang Lianna Xanders yung nagpapakita, hindi ako ito. Hindi ako masayahing tao, hindi ako napapangiti ng basta basta, lahat ng ngiti ko ay may kakambal na kasamaan, para bang nasa dugo ko na ang pagiging negative. Like I was meant to frown for my whole life.

Sabi nila love can change a person. Is this what they mean?

Ang hirap ng walang karamay pagdating sa mga ganitong bagay. Siguro kay Kath ko nalang ulit ibubuhos gaya ng dati. She knows my weak point and I know hers, she knows what my sigh means and I can read her easily through her eyes. Siya ang pangalawang taong kilalang kilala ko pagkatapos ni kuya.

Kahapon ko pa pinaayos yung pagpapaatras sa pagbili ng shop nila Celine at sigurado akong natanggap na rin niya ang balitang iyon agad. Sigurado rin akong ininform na niya si Kendric tungkol doon.

Pero hindi ko yun ginawa para ipakitang okay na rin ako sakanya, di por que nagkakausap na kami ng maayos ni Kendric ay okay na rin kami ni Celine. There's still anger inside me kahit marinig ko lang ang pangalan niya, but at some reason parang ayoko munang palakihin ang galit na iyon sa ngayon. At some point I felt like I'm not in my usual mood who always cause a collision, who uses her time to bring problems to others.

Sa totoo lang, simula noong gabing iyon, sa pagtulog ko ang gaan ng pakiramdam ko, sa paggising ko nakangiti ako, at minsan napapailing pa ako dahil matatapat ako bigla sa salamin at makikitang nakangiti ako, I'm doing my best not to smile but I kept on failing. Sobrang saya ko. Ang alam ko lang, nakasama ko siya, nakaramdam ako ng concern, nakakuha ako ng atensyon mula sa isa sa mga taong matagal ko nang hinihingan nito. My mom and dad, hindi pa. I forgot the last time I laughed with them, the four of us. Kendric, he never did any gestures not until the accident, after that he completely changed.

Ang mga may pakielam lang sakin dati ay ang apat kong mga kaibigan at si kuya, but now may dumagdag na isa. At laking pasalamat kong si Kendric iyon, ang lalaking palihim kong minamahal.

Someone suddenly knocked on the door.

"Come in." I answered at narinig ko ang pagbukas ng pinto, nanatili lang akong nakaupo at nakaharap sa bintana.

Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now