Forever is a long time
But I wouldn't mind spending it
by your side.- I wouldn't mind
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Third person
"What are you gonna do to save yourself?"Mabagal na nagproseso sa utak ni Lianna ang isasagot niya dahil sa sobrang kaba na kahit siya mismo ay hindi maipaliwanag kung bakit ito nangyayari sa kanya. Naririnig na siguro ni Kendric ang pagtibok ng puso niya kung posible mang mangyari yun.
"S-si...sisigaw ako." Mahina lang ang pagkakasabi ni Lianna kahit naipon na niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya. Ang masaklap, napiyok pa ito.
Just what the hell is happening to my damn heart?
"No~" Sagot ni Kendric kasabay ng pagbagsak ng kamay at mga balikat nito. "Hay."
Nagulat ang babae ng mawala ang mayabang at nakakakilabot na aura ni Kendric at mapalitan ito ng ngiti.
"W-what? What... W-what no?"
Umiling iling si Kendric. "A shout won't save your life. Diba nag aral ka dati ng taekwondo? Bakit hindi mo naisip gamitin laban sakin yun?"
Napakurap kurap si Lianna.
Oo nga noh.
Parang may nag echo bigla sa utak niya. Hala tanga!
Iniyugyog nalang nito ang kanyang kagagaling lang na ulo. Sumimangot siya at binalingan ng tingin si Kendric. "Aish. Bakit nga ba hindi ko naisip yun?"
Napangisi ang binata dahil siya mismo ay alam ang sagot sa tanong na yun. Paano? Una, may alam siya tungkol sa nararamdaman ni Lianna para sa kanya. At pangalawa, mahahalata naman ito ng kahit na sino dahil kahit kailan ay hindi pa nataranta si Lianna sa kahit na anong dahilan. Lalo na sa lalaki.
Ang sagot? Dahil natataranta ka. Bakit? Dahil mahal mo ako.
Hindi pinagkakatuwaan ni Kendric ang nalalaman niyang pagmamahal ni Lianna para sa kanya. He just found it really amusing for someone as a strong woman like her learns to fall in love. Sino ba ang mag aakalang ang isang matapang na babae at hindi nakikitaan ng kahinaan na tulad ni Lianna ay matagal na palang pinagmamasdan si Kendric sa kalayuan? Na sa kabila ng resting bitch face nito ay nasasaktan pala siya tuwing nagagalit ang binata sa kanya?
"Natakot ba kita? Sorry. Tinutulungan lang naman kitang maging alerto lalo na at nasa ibang bansa tayo."
Pakiramdam ni Lianna ay nabuhusan siya ng malamig na tubig ng maalalang nasa ibang bansa nga pala siya at wala silang ibang kakilala kundi ang isa't isa. Pwera nalang sa driver nilang si Flint.
"Maging alerto? Bakit naman? Marami bang magnanakaw dito?"
Nagpamulsa ang binata. "Ang sinasabi ko lang, hindi ka makakalayo sa disgrasya. Dapat maging maingat ka." Saka niya pinagmasdan ang dalaga at nang tumingin ito pabalik sa kanya, pabiro siyang umakto na kunwaring pilyo sa pamamagitan ng pagtitig nito mula sa ulo hanggang paa ni Lianna. Sinabayan pa niya ng ngisi. "Kung masama lang talaga ako... nacorner ka na. Maganda ka naman. Sexy."
Tuluyan nang namilog ang mata ng dalaga. Napahalakhak naman ang mokong dahil sa pangangamatis nung kasama niya. Pero nung narealize niya na si Lianna Xanders nga pala ang binabangga niya, sandali siyang nagpigil sa pagtawa at umalis sa harap nung babae papunta sa kusina. Doon niya ipinagpatuloy ang kabaliwan niya.
YOU ARE READING
Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇ
Genç KurguLianna Xanders, isang babae na tinitingala ng marami dahil sa ganda, yaman at talino na mayroon siya. Every guy likes her and every girl wants to be her. Kendric Milan, isang lalaki na tinitingala ng marami dahil sa gwapo, yaman at talino na mayroon...