Cause there we are again
When I loved you so
Back before you lost
That one real thing you've ever known- All Too Well
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Kendric
I woke up to my phone ringing continuously. Napatikhim ako bago tignan ang orasan sa bedside table.
It's already midnight for god's sake.
"What?" Di ko mapigilang mairita sa pagsagot not until the person from the other line spoke.
[Babe!] Sigaw niya kasunod ng mga paghagikgik. Mabilis pa sa alas kwatro akong napaupo at dahil dito ay medyo nahilo ako.
Celine??
"H-huh? Why are you-"
[Babeeee! Hehe you know what?]
Tuluyan nang nanlaki ang mata ko ng marealize kung bakit siya ganyan magsalita. "You're drunk."
[Not totally drunk. Don't worry.] She assured me followed by giggles. I just sighed and nodded silently kahit alam kong 'di naman niya makikita yun. Nanatili lang akong tahimik at ganun din siya which made me think na naputol ang linya pero pagtingin ko sa screen ay on going pa rin naman ito. I decided to stand up and stay at the small balcony of my room.
Drunk calling me? Anong nangyari? May problema ba siya?
[Kendric...] she finally spoke.
"Hm?"
[I miss you.]
Hindi ako nakasagot. Natulala ako sa buhay na buhay na paligid sa tabing dagat kung saan patuloy na nagsasaya ang mga tao. Hindi rinig ang ingay nila mula dito kaya tahimik lang, pero parang nabingi pa rin ako sa sinabi niya.
"You're drunk, Celine."
[Kendric...]
I stayed silent. Hindi ko na alam kung tama pa ba 'to.
[Let us both say this one last time. Kahit ngayon lang... gusto ko lang marinig ulit. Please...]
"What is it?" I calmly asked kahit sa loob loob ko ay medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko sa susunod na mangyayari.
I heard her sigh deeply.
[Tell me you love me.]
I knew it.
Napakapit ako sa railings sabay lunok. What the hell came into your mind to drink alcohol, Celine?
Napaawang ang mga labi ko. I'm about to say it anytime. Pero hindi ko alam kung tama bang pagbigyan ko siya, kung okay lang ba na pumayag ako, kung ayos lang bang gawin ko 'to kasi ngayon lang naman.
"Celi-"
[I love you.] She cut me off. [Babe, I love you. I love you I love you I love you I... I still... I still d-do.]
Mula sa cheerful niyang boses kanina ay unti-unti na siyang humikbi. I can clearly hear how her voice cracked and I will be lying if I say it didn't break my heart.
Hindi maayos ang naging hiwalayan namin. Oo nagusap kami bago ako umalis pero biglaan ang lahat. I understand if she's gonna act this way, normal lang 'to para sa isang taong may problemang hindi napaghandaan. But is that an enough reason for me to do this? Lianna owns my heart. I'm pretty sure of that... for now.
YOU ARE READING
Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇ
Teen FictionLianna Xanders, isang babae na tinitingala ng marami dahil sa ganda, yaman at talino na mayroon siya. Every guy likes her and every girl wants to be her. Kendric Milan, isang lalaki na tinitingala ng marami dahil sa gwapo, yaman at talino na mayroon...