Thirty-Three: Gone

27 3 3
                                    

And I cry, and you cry
'Cause we don't like
The way things change

-The way things change

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Kendric

"Just tell me where the hell she is right now!"

"Hindi namin alam! Paulit ulit Milan? Putangina!"

"Kinginang sigaw yan oh wala tayo sa bahay!"

"Edi turuan mo yang kaibigan mo na kontrolin sarili niya!"

"I can't contact her, Hyen any updates?"

"None. Sorry."


Umupo ako sa couch at napahilamos ng mukha. Nagkakagulo na kaming lahat dito dahil sa biglaang pag alis ni Lili. Tinawagan ko agad si Flint para tingnan kung nasa bahay siya at ang sabi niya wala daw sumasagot.

Binuksan ko ang phone at muling tiningnan ang call log. Halos ihagis ko na ito sa sobrang inis.

Ano bang pinag usapan nilang dalawa?

"Bakit umabot sa ganito?"

Liningon ko si ate Dristine. Hindi maipinta yung mukha niya habang nakatitig sakin na para bang alam na niyang may mali akong nagawa. Pero paano ko masasagot yung tanong niya kung ako mismo naguguluhan?

"Sorry ate ha." Paumanhin ni Mia bago ako ituro. "Pero eto kasing kapatid mo, may kinausap na hindi naman niya dapat kausapin. May sinabihan ng I love you kahit hindi naman dapat sinasabihan."


Natahimik ang lahat. In just a split second everybody's eyes was on me. Waiting for an explanation.

I-I love you? Paano... paano nila nalaman? Paano nalaman ni Lianna?

Yun ba ang sinabi ni Celine sa kanya? Sinabi niya yung pinag usapan namin nung madaling araw na yon??

"...ano?" Di makapaniwalang tanong ni Kath. "Ano?!"

"Wait no it wasn't like that—"


"Eh kasalanan mo naman palang gago ka! I love you? Sino ba?"

Marahang kinuha ni ate Dristine mula sakin ang phone at tiningnan ito.


Ramdam ko yung tension na pumapalibot sa aming lahat. Wala akong kakampi. Alam ko yon. Kahit nandito yung mga kaibigan ko ngayon, ramdam kong hindi sila natuwa sa nalaman nila. At sigurado akong iisa lang ang taong pinagsususpetsyahan nila ngayon.

"Celine?" Bumalik sa direction ko ang titig ni ate. "It seems like you talk a lot lately based on your phone's recent calls."

Iba't ibang reaction man ang nakuha ko mula sakanila, pare-parehas naman itong negative. My friends sighed in disbelief. Napaupo nalang si Jodie at yung tatlo halos patayin na ko ng mga titig nila.

Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now