Sixteen: Celebration (3)

76 8 15
                                    

Hold on I promise it gets brighter
When it rains, I'll hold you even tighter
I won't go another day without you

- Without You

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Kendric

6:00 p.m.

*Phone rings*

"Hmm.."

Walang magulo masarap tulog ko.

*Phone rings*

Puta naman.

*Phone rings*

Isa nalang talaga susunugin ko yang teleponong yan.

*Phone rings*

That's it!

I picked up the phone and answered without reading the caller's ID.

"Tangina ano ba??"

[Oh sige magmurahan tayo game ako.]

Napabalikwas ako kasabay ng pagkawala ng antok nang marinig ang boses ni Lianna.

"Ay hindi sorry po ma'am— este Lianna. Sorry..."

Kinusot kusot ko ang kaliwang mata ko habang binabasa ang oras sa bedside table. 6:01 pm.

[Tsk. Bakit ka ba nagsusungit?]

6:01 pm.

Uminit bigla ang ulo ko. Umupo ako sa gilid ng higaan at nakasimangot na sumagot. Hindi ko na nakontrol ang pagiiba ng boses.

"Gabi na ah? Nasaan ka?"

Hindi siya sumagot.

"Parang walang nangyaring gulo dati ano? Bakit hindi ka pa umuuwi? Ano ba, Lianna? Gusto mo bang mapahamak na naman?"

[Ano? Ano bang pinagsasabi mo?] 

Ginulo ko ang buhok ko dala ng frustration. Nakatulog nga ako pero pagkagising naman siya agad yung naalala ko. Hahanapin ko palang siya pero tumawag na nga agad siya sakin. Pero bakit ba late siyang umuwi? Nakakainis lang eh.

"Ano bang ginagawa mo? Umuwi ka na! Paano kung may mangyari na naman sayo?"

[Teka lang. Bakit ka ba nagagalit? Kanina ka pa ah? Tiyaka ano ba nasa safe na lugar ako. At kasama ko si Flint.] Pati siya naiirita na rin base sa boses niya.

"Umuwi ka na." Diniin ko ang bawat salitang sinabi ko. Huwag na kasi sabing makulit! Mas lalo lang akong nag aalala. At bakit ba mas takot pa ako para sa kanya? Yung katapangan niya talaga lagpas hanggang kalawakan. Nakakainis!

She laughed sarcastically. [ Oh my god. Can't you just wait? Ito na oh paparating na kami diyan. Hindi mo kasi ako pinagsasalita eh!]

Nawala ang pagkunot ng noo ko.

"Pauwi ka na?"

Bumuntong hininga muna siya bago ituloy ang sinasabi niya, sa pagkakataong ito ay nawala na ang inis niyang boses.

[Kaya kita tinawagan kasi gusto kong tanungin kung nagbihis ka na ba? Kaso hindi ko na itatanong dahil malakas ang pakiramdam kong you are not yet ready.] I bit my lip. [Tama ba?]

I sighed in defeat at aminado na rin sa naging kasalanan ko. "Oo na. Sorry. Nakatulog kasi ako."

[Magready ka na may pupuntahan tayo. Kakain tayo sa labas.]

Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now