Twenty-Three: Briz

35 4 8
                                    

Gumaganda ang paligid
Kung bawat tao ay puno ng pag-ibig
Napapawi ang pighati
Masilayan lang ang iyong ngiti

- Pag-ibig

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Celine

"HOY MISS! NASISIRAAN KA NA BA?! HUWAG KANG TATALON!"






Napaawang ang bibig ko sabay kunot noo. Ako ba ang kausap no'n?






Liningon ko ang kaliwa ko kung saan nanggagaling ang boses ng isang lalaki. Tumatakbo siya habang kumakaway sa akin at bago pa ako makapagsalita ay nakalapit at nahila na niya ang kamay ko. Napatili ako dahil sa pagkabigla pero buti nalang, nasalo niya ako.






"Tatalon ka? Nababaliw ka na ba?!" Pasigaw niyang tanong.






Ilang segundo akong natulala.






Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na buhat niya pala ako. Kumalas ako sa pagkakahawak niya at tinulak siya palayo. Ano bang problema niya? At tiyaka ano daw? Ako? nababaliw?






"Sinong nagsabing tatalon ako?"






"Nakatayo ka sa gilid ng tulay. Kung hindi ka tatalon edi ano? Nagpapahangin?"






Itinikom ko nalang ang bibig ko at ibinaling ang tingin ko sa harap.






"Nagpapahangin." Ulit ko para sabihing tama ang sinabi niya. Hindi pumasok sa isip ko ang pagpapakamatay ngayong araw na ito. Dati, oo. Pero hindi ngayon kasi kailangan ako ng pamilya ko.






Kaya kong maging matatag para sa mga nangangailangan sakin. Kahit pa ako mismo ay iniwan na ng taong pinanghuhugutan ko ng lakas. Kaya hindi ako magpapakamatay. Wala pa akong balak sumuko.






Kamusta kaya siya doon? Masaya kaya siya?






Kahit minsan lang, naaalala niya pa kaya ako?






May lugar pa ba ako sa puso niya?






"Kaysa nagmumukmok ka diyan, gusto mo kumain nalang muna tayo? My treat."






"Ayos lang. Hindi pa ako–"






Naputol ang sinasabi ko dahil sa malakas na pagtunog ng tiyan ko. Grabe, ang gandang timing naman!






"...Tara?" Natatawa niyang tanong ulit. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya ng maigi. Bakit naman ako sasama? Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan niya eh. Tiyaka, paano kung kidnapin ako nito?






"I'm Briz. Nice to meet you. At huwag kang mag alala, hindi ako masamang tao."






O...kay? Paano niya nasagot ang nasa isip ko?






"So, tara?" Aya niya ulit. And this time, tumango nalang ako. Hindi pa rin ako ganun kakampante sa kanya pero bahala na. Hindi naman siya mukhang killer.






Sabay kaming naglakad papunta sa direction ng mga kainan at nang makahanap na kami ng napili namin ay halos maglaway ako. Ang swerte ko naman, makakakain pa pala ako ng maayos ngayon.






Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now