Eleven: Enchanted

54 14 0
                                    

I'll spend forever wondering
if you knew I was
enchanted to meet you

- Enchanted

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

Tahimik lang kaming kumakain ng niluto ni Kendric na sinigang.

"So anong gagawin natin bukas?"

"Ewan. Lilibot?" Tanong ko pabalik habang humihigop ng sabaw. "Infairness ang sarap ng luto mo."

Ngumisi siya. "Siyempre. Kasing sara-"

"Shut up you freak."

Nagpout siya. Hala nakakaawa... pero siyempre hindi ko ulit ipapahalata. Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Anyway, thank you sa pag ayos ng kwarto ko." Napasinghap siya. "Kaso nga lang, bakit hinalukay mo pa yung bag ko ng picture frames?"

Alam kong kaya hindi siya sang-ayon sa pagaayos ng picture frames ay dahil may picture sila doon ni Celine. Pero okay lang naman ako eh, hindi ako masyadong naapektuhan. Sa tingin ko, I became matured since the day Kendric started talking to me.

"Oh, ano ngayon? Ang ganda nga ng mga nakita ko dun eh." Pagsasabi ko ng totoo but he doesn't look convinced. "Mabuti pala sinama mo sa mga dinala mo yung dinner date natin kasama ang family natin. Ayaw mo yun? Natulungan mo pa akong alalahanin na may parents pa pala ako."

He sighed. "Kahit naman malayo sa'yo ang parents mo, nandito parin naman sila mom at dad."

Sinundan ko ang sinabi niya. "At kahit naman malayo rin ang loob mo sa parents mo, nandito rin sila mom at dad para sa'yo."

Sabay kaming napahalakhak because of the bitter truth. Kasi naman, kung ituring ng parents ko si Kendric parang ito ang tunay nilang anak. Kahit siguro manghingi si Kendric ng ginto sa kanila, gagawa sila ng paraan para makahanap ng ganun. At kung alagaan naman ako ng parents ni Kendric, parang ako naman ang unica ija nila. Kahit ano kasing hilingin ko sa kanila, ginagawa nila. Tulad nalang ng bakasyong ito.

"Ang sarap sa feeling ng may kapatid ano?" Nakangiting sabi niya. Tumango ako. Kahit naman unggoy at cheetah ang tawagan namin ni kuya, mahal na mahal ko parin siya.

"Kuya thought me what it feels to have a family beside me."

"And ate thought me how to appreciate things around me." Tiningnan niya ako. "Example, ikaw."

Tumaas ang kilay ko. "Ako?"

"U-huh." Patango tango niyang sagot. Liningon niya ang bintana. "She told me that I should learn the meaning of every single thing or person around me, lalo na ang mga tao. Huwag na huwag ko raw kalilimutan na ang isang tao ay hindi dumadating ng walang dahilan."

"May point siya do'n." Liningon ko na rin ang malaking bintana sa gilid lang namin. Kitang kita ko ang pagbagsak ng snow mula sa labas. Gabi na, siguradong doble pa ang lamig ngayon sa labas ng bahay kumpara dito sa loob.

"Now tell me, what is your purpose in my life?"

Napaisip ako. Ano nga ba ang kwenta ko sa buhay ni Kendric? Kung totoo ngang ang pagdating ng isang tao ay may dahilan, ano naman kaya ang dahilan na yun? Ako, sino ako sa buhay niya? Bakit nangyari lahat ng ito at bakit nandito ako ngayon sa ibang bansa, kasama siya?

Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now