Thirty-Four: Ivan Xanders

35 3 4
                                    

Our love has gone cold
and it doesn't feel like home
when I hold you close

- Ebony Day version

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

"You're here." I looked at my parents sitting on the sofa. Nagsi-lapitan ang mga katulong namin para kunin ang bags ko.

"Kaya ko na 'to." Sabi ko sa isa sa kanila bago kunin ang hawak kong maleta. For a moment they seemed a bit surprised, pero hinayaan nalang ako.

Tumayo si mom at lumapit. "You came back earlier than expected."

"Kuya's outside."

Matapos tanggalin ang sapatos ay nagsimula na akong maglakad paakyat ng kwarto. Ramdam ko ang katahimikan sa paligid na para bang nasesense na nilang may nangyari. Pero kahit pa ganun ay hindi sila nangungulit. Yeah well, I badly need some rest for now. Yun lang talaga ang nasa isip ko.

Sinungaling. Madami kang iniisip ngayon at gusto mo lang ikulong ang sarili mo kaya ka nagmamadaling umakyat.

Bumuntong hininga ako at binuhat ang bags pati na rin ang paghila sa maleta.

Aray, mabigat aray ko. Sayang sweldo ng mga katulong namin kung—

No. No no. I have to be independent.

Paano ko pa matutuloy ang plano ko kung sa ganito palang pagod na agad ako?

Sa bandang gitna palang ng hagdan ay napahawak na agad ako sa gilid para habulin ang aking hininga.

Why the hell is this motherfucking mansion so big?

Liningon ko si mom na kasalukuyang naka pamewang habang pinapanood akong pahirapan ang sarili ko.

"You guys. There's a lot of things we wanna tell you later."

Ibinaba ni dad ang newspaper na binabasa niya. "Hmm sure. Worth it ba ang perang inilaan namin para sa bakasyon niyong yan?"

Sa isang mundong dumedepende sa yaman, lahat ng gastos ay inaasahang may magandang kita. I know that was a vacation but I'm sure they took this pretty seriously.

They had an agenda from the very start that's why they agreed on my plan. Kaso ito nga, pinag iisipan ko na kung paano sasabihing nagkamali kami. Hindi ko alam kung maiintindihan nila ang side ko. Pero kung isasantabi ang tungkol sa amin ni Kendric, I hope everything we reveal about kuya and ate Dristine will go smoothly.

"Fifty-fifty." I shortly answered and continued walking up the stairs.

Mom, dad... buhay si ate Dristine. Your son is already a father.

Tita and tito, sana po maintindihan niyo ang kuya ko at ang nakatatanda niyong anak.

Mom, dad. Kuya has something to say to you...

May apo na kayo. His name is—

Damn. Paano namin sasabihin 'to sa kanila?

Papasok na sana ako ng kwarto ng marinig ko ang mga hakbang ni kuya. Tumakbo ako papunta sa kanya. Wala pa akong binibitawang salita ay nginitian na niya agad ako.

Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now