Am I asleep am I awake
or some where in between?
I can't believe that you are here
and lying next to me.- Truly, madly, deeply
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
Nagising ako ng maalimpungatan dahil sa pagbukas ng pintuan. May pumasok palang nurse at may dalang pagkain at gamot.
"Ow..." Nanghihina kong tugon sabay napahawak sa ulo habang umuupo. Linapitan naman ako ng nurse at pinagmasdan.
"Ms. Lianna? Five pm na po ng gabi. Mabuti pang kumain na po kayo."
Five pm? Ganoon ako katagal nakatulog? Malakas pala talaga ang epekto nung gamot na pangpatulog para sakin.
"Sige, just put it here." Turo ko sa higaan ko. "Um, kailan ako makakalabas dito?"
Nginitian ulit ako ng nurse habang hawak parin ang tray ng pagkain. Ayaw niya yatang ilapag sa bed. "You'll stay here for one week because we need to be extra sure na wala ka nang nararamdaman bago lumabas dito." What? No way. It's super boring here.
Biglang bumukas ang pinto na nagpalingon sa amin doon. Ilinuwa nito si Kendric.
Why the hell is he here? Parang sasakit lang lalo ang ulo ko dahil sakanya eh. Nginitian niya ako na dahilan sa pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Can't I just go home? Then I'll rest there?" Muli kong tanong sa nurse at dinedma si Kendric.
"Oh. Actually po sinabi na yan sa akin ni doc kanina. Na if gusto niyo pong magstay na lang sa bahay niyo puwede naman. Ngayon na po ba kayo uuwi?"
"Yes." I answered, looking around the room. Malaki, malinis, puro puti pero ang lungkot. Pati higaan ko puti!
"Okay lang naman po pero... Umalis na po yung kuya niyo. Wala na rin po yung mga kaibigan niyo kanina pa. Lahat po sila bumisita dito kanina habang tulog kayo pero nagpaalam rin po na aalis na."
Wow. Iniwan nila ako? Kahit yung unggoy na Zian na yon?
"Wala na pong maghahatid sa inyo ngayon. But if you can wait, tawagan nalang po namin ang kuya or driver niy-"
"Ako na."
Napalingon ulit kaming dalawa sa nagsalita. Now with questions on our faces.
"Ako na ang maghahatid sayo sa bahay."
Nakatitig lang siya sakin habang palapit ng palapit sa higaan ko. Then he stood at the foot of my bed.
"What?" Walang gana kong tanong at inirapan siya. Di ko maiwasang magtaray.
"Ako na nga." Ulit niya at humarap sa nurse. "I'll take her home. Kailangan na ba niyang kainin yan o puwede namang sa bahay nalang siya kumain?"
"Puwede naman po. Kasi wala namang kailangan ipagbawal tungkol sa kakainin niya except very cold drinks."
Kasama ba sa iiwasan ang brain freeze? Bakit natatawa ako sa idea na yun?
YOU ARE READING
Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇ
Fiksi RemajaLianna Xanders, isang babae na tinitingala ng marami dahil sa ganda, yaman at talino na mayroon siya. Every guy likes her and every girl wants to be her. Kendric Milan, isang lalaki na tinitingala ng marami dahil sa gwapo, yaman at talino na mayroon...