Masakit mong pag-ibig
Tila parang balewala- Kahit Kunwari
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Kendric
[Kayo. Illian Hotels Company.]
No.
Definitely not. It can't be.
Wala akong sinabi o hiniling na kahit ano. Hindi yun gagawin ng company namin dahil sa pagkakaalam ko, klaro na ang usapan. Wala na kami ni Celine, so what kind of reason would they have to do that?
[Dric? Hello]
"Oh.." Tulala kong sagot. I suddenly heard a knock from the door, si Lianna. Tapos na siyang maligo?
"Kendric kain na!"
Hindi ako sumagot. I suddenly felt uneasy as soon as I heard her voice. Naiirita ako na ewan. Naiinis ako. Umiinit ang ulo ko ng wala sa oras.
Patuloy pa rin siya sa pagkatok. "Hey."
[Sige na, tawag ka na yata. Pag usapan niyo yan ha. Si Celine, pinagpipyestahan ngayon sa buong school.]
Yan ang huling sinabi ni Wayne bago putulin ang linya.
Pinagpipyestahan siya? Ano nang gagawin ko ngayon? Pinagtatawanan na naman siya ngayon at pinag uusapan. Yung shop na yun lang ang bumubuhay sa kanila eh. Hindi kakayanin ng sahod sa mga trabaho niya ang gastusin nila. Kahit pa ang dami niyang trabaho, hindi pa rin yun sapat.
Ang gulo. Dapat hindi ko na pinagtutuunan ng pansin yan eh.
Tahimik akong naglakad papalapit sa pinto. I opened the door widely and looked straight into her eyes. She smiled pero imbis na matuwa, nairita ako.
"Ikaw ba?"
"Hmm?" Nakangiti niya pa ring tugon.
"Ikaw ba ang nag utos na gawin yun?"
This time her smile already vanished, and confusion was now written all over her face.
"Ang alin?"
I sighed sharply and ran my fingers through my hair. Itinaas ko ang cellphone na hawak ko.
"Wayne called me, binili daw ang shop nila Celine. Lianna I know that you know how important that shop is to them. Ano na lang ang pangtustos nila ngayon?" Panimula ko. Hindi siya sumagot at naguguluhan lang akong tiningnan. "Don't lie to me because I know that you're the only one who had that kind of plan for Celine."
Kumurap siya na para bang hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ko. She looked away, then stared again.
"Pinagbibintangan mo ako?"
Napakunot ang noo ko. What? Pinagbibintangan? Ako pa ngayon?
She sighed which caught my attention.
Tahimik pero matapang niya akong pinagmasdan na para bang na dissapoint siya sa mga sinabi ko. She's now back to her normal personality. Hindi tulad ng kanina na punong-puno ng enerhiya, ngayon ay may tamlay na ang mga mata niya.
But there's another thing I sensed at her. Nakakita ako ng kakaibang galit mula sa kanya, and this look seemed familiar to me. As if she already shot me glances with that expression before.
"I don't know what the hell are you talking about but I'm sure I didn't do anything."
I stood frozen.
YOU ARE READING
Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇ
Novela JuvenilLianna Xanders, isang babae na tinitingala ng marami dahil sa ganda, yaman at talino na mayroon siya. Every guy likes her and every girl wants to be her. Kendric Milan, isang lalaki na tinitingala ng marami dahil sa gwapo, yaman at talino na mayroon...