Twenty-Five: Project

34 5 12
                                    

Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong
Makapiling sa buong buhay ko

- Walang Iba

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

Napasampal nalang ako sa noo sabay buntong hininga. Kahapon walang ibang nangyari sa bahay na 'to kundi puro away at gulo. Tapos ngayon naman malalaman naming binigyan kami ng project ng mga magulang namin? Mag arrange ng ball para sa mga business partners namin dito sa France? Seryoso ba sila?

"It is due next week." Ani Vino.

"Paano natin sisimulan 'to?" Tanong ni Jodie. Walang sumagot at tumunganga lang kaming lahat sa kawalan. Nakaupo kami ngayon sa garden, wala kaming choice kundi magsama sama sa iisang table dahil sa natanggap na balita ni Kendric.

They are serious about this. About taking us away from that place para makalimutan namin ang mga tao doon. Ang pagkakaibigan na meron sila kay Celine, gustong gusto itong mawala ng mga magulang nila- ng mga magulang namin. To the point na dito na nila kami binigyan ng projects para ma-train. Alam ko naman na bibigyan talaga kami ng ganito dito, pero I never thought na pagtutulungan namin itong lahat magkakaibigan. Akala ko kami lang ni Kendric.

"We should start planning now." Kendric broke the silence.

"What theme? Sinong tatawagan natin para sa pag design? And where will we hold the event?" Panimula ni Mia. Hindi ko na alam kung ano ba ang gusto nilang gawin namin. Wala namang staff dito na gagawa ng lahat ng trabaho, we are left alone in France. Which means kami ang gagawa at mag aarrange ng lahat. Then sasabihin nila na due na ito next week? Ugh!

"Halata naman na walang ibang tutulong sa atin dito ngayon kundi tayong sampu lang-"

"Eleven." Pagputol ko sa sinasabi ni Kath. "Janine is here to be our assistant. Yun talaga ang trabaho niya dito."

"I thought she's your maid."

"No and don't call her that." Saway ni Kendric kay Zack. He just nodded and laid back on his seat. Tinawag ko ang pangalan ni Janine at agad naman siyang dumating, I asked her to sit with us na agad naman niyang ginawa kahit naguguluhan siya.

"We have a business matter here, and we need your help." Pagpapaliwanag ko. "Naalala mo yung sinabi ko na I will hire you as my assistant dahil nga sooner or later bibigyan kami ng project dito? This is what I'm talking about."

"Ano pong dapat kong gawin?"

Liningon ko silang lahat. "Tulad nga ng sinabi ni Mia, unahin muna natin ang mismong venue. Janine, may alam ka bang magandang venue dito para ganapin ang ball?"

"Madami po. Icocollect ko muna ang listahan ng pinakasikat na party venues na alam ko saka ko ipepresent sa inyo."

"Great. Now, sino ang maghahanap ng mag iinterior sa venue?"

"Ako." Sabay na sagot ni Kath at Hyen. Nagtinginan sila ng masama.

"Ako." Ulit ni Kath.

Kendric Milan |•| ʀᴏʏᴀʟᴛʏ sᴇʀɪᴇs ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇWhere stories live. Discover now