Chapter 30

1.9K 89 1
                                    

Chapter 30











Dianne's pov




?

Kinagabihan.




Andito ako ngayon sa kusina nagluluto malamang kaya nga kusina ee.




Nagluluto ako ng kare kare. One of my favorite.ang sarap kaya try mo din pag may time.




Habang nagluluto ako nakita ko si Andrei naglalakad pababa sa hagdan . Hindi ko siya pinansin. Magsosorry lang ayaw pa sabihin saken. Yong lang naman inaantay ko sa kanya .




Pero walang sorry..




Mapride masyado.




Ano sa tingin niya ako magsosorry hindi ko naman kasalanan? Dahhh




Umupo siya sa harap ko at tinitignan niya ako habang nagluluto. At nagheadset pa.



Bahala ka jan. hindi kita papansinin.




Ng biglang may nagdoorbell.



Bahala na kong sino man yong bisita . Sila nalang magbukas wala ako sa mood ngayon. Bitter ako ngayon.




"Hello everyone! Im nicole! How's everyone!" Masiglang sigaw niya pero hindi pa rin nabago expression ko sa mukha. Blanko pa rin.(-_-)




"Oh anong problema niyong dalawa at ganyan ang mga mukha niyo?? Ang papanget niyo!" Sabay irap sa amin. Di ko nalang pinansin at umupo din siya sa tabi ni Andrei.






Nag uusap ata pero hindi ko naman naririnig. Hindi naman ako tsismosa no. Minsan lang kapag tinutupak. Wala ako sa mood pansinin silang dalawa.









Nicole's pov





Pumunta ako sa bahay ni Andrei para kamustahin naman kong ano na nangyayari sa kanila. Kong buhay pa ba sila or ano na.




E kasi naman iba course ko kaya hindi kami masyadong nagkikita sa school. At itong si Nikko naman istorbo! Txt ng txt!!




Wala atang magawa sa buhay kaya tinetxt ako at tumatawag pa. Nakakainis siya!




Hindi niya alam na kinikilig ako. Hihi


Oo crush ko siya. Pero wag niyong sabihin. Hindi ko lang pinapahalata na gusto ko siya.




Magaling akong magtago ng nararamdaman ko no. Hindi ko pinapahalata sa kanila.





Napakamisteryosa ko. Walang nakakaalam kong ano nasa isip ko.




Btw hindi yan ang pinunta ko dito. Umupo ako at kinausap si Andrei. Parang hindi sila nagpapansinan.



Ano naman ang problema nilang dalawa??
Hindi pa nga sila may galit na sila sa isat isa



"Ano nangyari sa inyo??" Tanong ko pero walang responce.



Binatukan ko nga sila at wala pa ring responce....



Ang tino nilang kausap grabe. Nakakatulong...


Ano na nangyayari sa kanya? Parang semento na siya kasi sa sobrang manhid niya. Langya.




Kiniliti ko siya pero wala talaga. Kainis. Sayang na ang beauty ko dito. Na eexposed na sa pag isnob sa akin.



"Kapag ayaw mong magsalita pa jan sasabihin ko na may gusto ka sa kanya." Sabay turo kay Dianne.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon