Chapter 32
Aeryk's pov
Andito na kami... Dito sa manila.
Medyo malapit kami sa De Guzman Family kasi kakilala pala nina mama yon.
Kapartner nila sa business. Mabuti na kasi may kilala sila dito. Hindi na namin alam kong wala.
At about sa investigation wala pa rin. Pero gagawa ako ng paraan. Lukso ng dugo. Mararamdaman ko din yon.
Ano na ang gagawin ko sa ngayon? Gusto ko ako mauna ang makahanap sa kanya.... Sa kapatid ko.
4th year college na pala ako kaya inaasikaso na nila yong mga papers ko para kahit na nag aaral ako, may time pa rin ako na hanapin siya.
Andito ako sa bahay gabi na pala. Matagal din pala akong nag iisip kong ano yong mga gagawin ko. Hawak hawak ko an isang mejas. Mejas kong saan naiwan sa hospital 17 years ago.
Sana meron sana yong isa. Sana meron sa kanya para hindi na kami mahirapan.
Andito na ako sa sala at nag uusap ang aking mga magulang.
"Anak tapos na yong mga papers you may go to school tomorrow and here your schedule" sabay lahad ng schedule ko.
Malamng business ang course ko. Hindi dahil yon ang gusto nila pero yon talaga ang gusto ko. Kaya nagpasalamat nalang ako.
Sana kahit sa school sana makita ko siya. Na maramdaman ko yong lukso ng dugo.
Hindi ako nawawalan ng pag asa . Alam kong buhay siya at hindi ko lang alam kong nasaan siya. Hindi ko lang alam kong saan siyang lupalop napunta.
Nakakainis rin yong mga mag asawang kumuha sa kanya. Sobrang inis ko! Sana makita na namin sila. Para hindi kaming mahirapan.
"Dad nakita kona sila kong nasaan ang mga mag asawang nagnakaw ng anak natin." Sabi ni mama kay papa. At ako naman laking gulat ko at pumunta sa kanila.
"Ma asan sila? Ako na pupunta?! Susugurin ko sila! Kukunin ko ang kapatid ko!!!" Gigil kong sabi sa kanila. Hindi ako galit sa kanila. Galit ako sa taong kumuha!
"Anak calm down. Bukas na bukas punta tayo after your school para makita na natin kapatid mo...ang anak namin" sabay tingin kay papa.
Nabuhayan ako ng loob.
Nabuhay ang katawanglupa ko. Tuwang tuwa ako kasi may good news na rin para sa amin. Sana andon siya sana.
-----
Kinabukasan.Pagkatapos ng klase ko pumunta na kami sa bahay ng mag asawang yon.
Isang maliit lang na bahay. Na puro plywood lang na dikit dikit .. Good for 3 lang.
Tinignan ko yong pictures at nakita ko yong babae sa kalayuan.
Nagsusugal.
Kaya naglakad ako ng mabilis at kinuha ang kamay niya."Nasaan ang kapatid ko!! Ibigay mona sa amin kong ayawmong makulong!" Gigil kong sabi sa kanya.
Nagulat pa nga siya. Dapat lang siyang magulat.
Ng bigla siyang nagsalita.
Maria's pov
Habang nagsusugal ako may lumapit na bata sa akin at kinuha yong kamay ko at hinahanap daw ang kanyang kapatid.
Naalala ko na...
Siya yong kapatid ni Dianne. Oo ampon lang si Dianne. Hindi ko na sinabi baka kong ano pa gawin niya sa amin at tinago namin sa kanya.
Nagulat ako kasi pamilyar na pamilyar yong mukha niya at pagtingin ko sa likod nakita ko ang....
Mga magulang ni Dianne..
Kong saan kinuha ko ito. Ninakaw namin ito ng dahil lang sa may nagbanta na kong hindi daw namin nanakawin yong bata papatayin kami.
Hindi ko alam kong sino yon kaya hindi kaming nagdalawang isip na ninakaw nalang.
Napaluha nalang ako sa nagawa namin ng asawa ko.
Alam kong mali pero mahal din namin ang buhay namin.
Kaya pinahirapan namin siya kagaya ng sinabi ng nagbanta sa amin..
Papahirapan daw namin ang bata...
Maya maya.
Andito na kami sa bahay. Mabuti nga at gising pa ang asawa ko. Mabuti nga rin at hindi siya lasing ngayon.
Nagkwento na rin ako.
"Si Dianne. Siya yong anak niyo. Yong ninakaw namin sa hospital. Hindi naman namin gGawin yong kong walang dahilan" sabay tingin sa asawa ko na kinakabahan at napapaiyak na." May nagbanta sa amin na kapag hindi namin nilayo tong bata sa inyo papatayin daw kami ng asawa ko kaya hindi na kaming nagdalawang isip na kunin siya sa inyo." Sabay pahid na luha ko ng bumubuhos na sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Tinignan ko sila nag aalala din sila na parang may tuwa sa kanilang puso. Nanay din ako ramdam ko din yon kong gaano kasakit mawalan ng anak.hindi din nawala ang mga iyak na lumalabas sa kanilang mata.
Namatay nga ang anak namin . Sobrang sakit na parang gusto mo ng mamatay para hindi mo na maramdaman ang sakit.
Pinagpatuloy ko ang pagkwekwento ko.
"Kinuha namin siya. Pinahirapan namin siya." Pagkita ko sa anak niya susugod na sana siya kasi pinigilan siya ng kanyang tatay.
Oo alam kong masakit . Pinahirapan namin yong anak nila. Alam kong napakasakit pero ginagawa lang namin yong pinapagawa nila. Dahil gusto pa namin mabuhay sa mundong ito.
"Pinahirapan namin siya kasi yon din ang utos. Hindi ko alam kong bakit ganon nalang ang galit niya sa inyo at kailangan daw pahirapan siya. Nong bata pa siya minahal namin siya.*sabay ngiti ko ng mapait* minahal namin na parang anak namin. Parang tunay na anak namin. Nag aral siya hanggang high school lang siya . Hindi na namin siya pinatapos. Gustuhin man nami kasi may nagbabanta talaga sa amin."
"Nong grade 6 siya andon na yong pinapahirapan siya. Minumura, tintadyak, hindi pinapansin, at kong ano ano pa. Hindi namin ginusto mga yon kaso utos nga nila. Natutuwa ako kasi nagbebenta siya ng suman sa school dito. Tapos pag kauwi niya ubos na ubos na. Natutuwa ako kasi ambait ng anak niyo." Sabay pahid ng luha ko. Pinapatahan na ako ng aking asawa ko .
Masakit..... Napakasakit...
"Natutuwa ako ng palihim habang nakikita ko siya na nakangiti. Nakangiti ng mapait. Dahil sa pinanggagawa namin sa kanya."
"Ang swerte niyo kasi may anak kayong napakabait kahit na anong gawinmo sa kanya. Kahit minumura mona siya. Masakit para sa min na ituring siyang ganon pero wala kaming magagawa."
"Isang araw... Lumayas na siya. Isang beses niya kaming sinumbatan, sinigawan, at umiyak sa harapan mismo ng hapagkainin. Siguro yong paghihirap niya noon sinabi na niya lahat. Minura din niya kami. Oo deserve namin yon. Mas baboy pa kami noon. Umalis siya kasi hirap na hirap na daw siya sa buhay..
---
May part 2 po. Part 1 to hehe..
Pa vote...
Salamat.
---ericcuade
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomantizmMinamaltrato ka nila na parang hayop ng iyong mga magulang at narealized mo na time na para magpakalayo.