Chapter 36

1.9K 89 3
                                    





Dianne's pov





Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Andrei. Wala naman akong nagawang masama sa kanya ee. May away ata sila ni Josh pero bakit nasali ata ako sa galit niya?




Ano kaya yon. Andito ako sa garden ngayon gumagawa ng assignment ko. Ayaw ko naman sa kwarto kasi ang init. Kaya napagdesisyonan ko na dito sa garden nalang.



Kumuha na din pala ako ng meryenda ko.



Habang sinasagotan ko yong mga tanong hindi mawala sa isip ko si Andrei. Ano ba kasi pinag usapan nila? Pati si Josh hindi na ako pinapansin.



Ano ba naman sila. Bakit sila ganon? Nakakainis naman sila. Nakakasakit na kaya sila ng damdamin. Sana sabihin naman nila kong ano nagawa kong kasalanan sa kanila. Nagmumukha na kong tanga dito.





Alangan naman na magsorry ako sa kanila na hindi ko alam kong ano yong dahilan bakit hindi nila ako pinapansin.



Alangan naman din na ako unang lumapit sa kanila e.

Nakakabwisit naman!


Ano ba yan! Iba na tuloy nasagutan ko! Pangalan na nila yong nasulat ko! Beisit naman kasing accounting to ee.


Pinapadugo ang utak ko! Dugong dugo na nga pinapadugo pa lalo. Gusto ko magpalit ng course kaso pinapaaral lang pala ako ni Andrei.



Nakakahiya naman kong ganon. Saka kakayanin ko rin to sipag at tiyaga nalang siguro.



Pano ba kasi mag adjust ? Hindi ko talaga alam kong paano mag adjust. Ilang beses ko ng binasa tong accounting na libro na ito pero sadyang wala talaga.



Kelangan kong maintindihan to! Arrrggg!



Naiinis na talaga ako!




Ang hirap naman kasing balansahin! Yong isa 546,890 yong isa naman 276,678 .

Grabe! Ang daming difference! Nakakapagod! Bahala na mangongopya na lang ako bukas.


Niligpit ko nalang yong mga gamit ko at saka pumunta sa kusina lunch na rin kasi baka nagugutom na si Andrei.



Syempre hindi ko pa rin nakakalimutan yong personal maid niya kahit na pinapaaral niya ako sa sarili niyang school no. Mabait kaya to.



Paksiw nalang siguro. Bitter ba? Hindi naman sadyang maasim lang haha.




Pagkatapos ko nagluto naghain na rin ako. Dinalhan ko nalang siya sa kwarto niya kasi hindi naman na lumalabas. Parang paniki lang e.



Kumatok ako pero walang sumasagot.


Katok ako ng katok pero wala talaga. Haysssss.



Binuksan ko nalang yong pinto at nadatnan ko siyang nakahilata lang sa kama niya at wait...


...naninigarilyo?



Bakit naman niya ginagawa ito? Parang tanga lang niya. Ang astig nga niyang tignan ee pero bawal pa rin yon sa kanya lalo na yong sa health niya no.



Lumapit ako sa kanya at kinuha yong sigarilyo sabay patay na rin .




"Wadapak!!!" Singhla niya sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin. Nilapag ko lang yong ulam niya sa mini kitchen na at lumabas.



The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon