Dianne's povNagising ako sa paggising ni Aling Pamela sa akin. Nakatulog pala ako sa sala. Nakakahiya naman kaya nagpaumanhin nalang ako sa kanya baka kong ano pang sabihin niya sa akin.
Na feel at home lang ako. Yong mga ganon.
Nagluto na ako ng agahan namin. Longganisa, hotdog, ham at fried rice nalang yong niluto ko kasi tinatamad ako ngayon. Bitter e.
Naalala ko na naman kagabi. Ang mga kababuyan nila. Nakakasakit naman. Bakit ganon? Hindi kayo pero nasasaktan ka? Na kinikirot yong puso mo? Ano ba ibig sabihin non?
Gusto ko na ba siya?
Or
Mahal ko na?
Hindi ko naman kasi alam. First mainlab ng ganto ee kaya paturo naman? Ano na ba tong nararamdaman ko?
Pag ibig na ba ito?
Wag ko muna ngang isipan mga yan bata pa ako. Pag aaral ko muna ang isipin ko. Naghain na ako sa lamesa. Inaantay nalang si Andrei para kumain.
Pero anong oras na kaya? Tinignan ko muna yong wall clock at laking gulat ko ng 8:30 na pala? For real? E gising na yon pag 8 bakit hindi pa siya nagigising?
Punta kaya ako sa kwarto niya at sabihin na kakain na? Ahy mali nahihiya pala ako.
Alam kong nasaktan ko siya pero masisisi niyo ba ako? Try niyo kayang mainlab sa ano niyo tapos katulong ka lang? Ano sa tingin mo ang gagawin mo?
Sige nga.
5 mins
10 mins
15 mins
Wala pa rin siya.
Kaya nakapagdesisyonan ko nalang na pumunta sa kwarto niya para kumain na at handa na yong almusal.
Andito na ako sa labas ng pintuan niya. Kinakabahan.
Ang weird pero bakit naman ako kinakabahan? Ng dahil sa ginawa ko kahapon? Ng dahil sinaktan ko siya? Pero hindi e iba yong feeling ko ngayon.
Katok ako ng katok pero wala pa ring nagbubukas. Nakakabanas naman. Sabihin niya kong ayaw niyang kumain or ano. Nag aalala na yong tao!
Baka naman nagpakamatay na sia?
O kaya naglaslas na?
O kaya nagpalunod na swimming pool?
O kaya nagbigti?
Natapik ko nalang yong noo ko. Kong ano ano na sinasabi ko. Ansama ko namang tao. Naimpluwensya na kay Andrei. Saka ang oa ko na mag isip.
Bakit nga ba ako nag aalala sa kanya?
Dahil gusto ko siya? Or dahil mahal ko na siya?
Hindi ko alam.
Kapag talaga ayaw pang buksan to bubuksan ko na talaga. Kumatok ulit ako at sa awa ng panginoon wala pa rin.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomanceMinamaltrato ka nila na parang hayop ng iyong mga magulang at narealized mo na time na para magpakalayo.