Chapter 33
Part 2
Maria's pov
"Iyak ako ng iyak nong lumayas siya. Nakakamiss yong maamo niyang mukha, yong ngiti niyang mapait kahit sinasaktan na namin siya."
Tinignan ko sila at ayon umiiyak... Pinupunasan mga luha nila. Ang swerte nila.
Nakakainggit. Gusto ko din magkaanak kaso nawala pa. Nawala pa ang kaisa isa naming anak.
Ipinanganak na abnormal ang anak ko. Hindi ko matanggap yon. Tapos nong lumabas siya sa sinapupunan ko hindi siya umiyak at ayon namatay kaagad.
Bakit siya pa? Nag iisang anak ko pero nawala pa..
"Kaya nong nawala siya sobra kaming nagsisi ng asawa ko. Parang ginusto pa namin na sana namatay nalang kami kesa sa pinapahirapan namin siya. Para na kaming demonyo aa mga pinanggagawa namin."
Tinignan ko ang asawa ko at ayon hindi rin mapigilang umiyak. Mas lalo nalang ako napahagulgol.
"Hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik dito sa bahay. Pagkaalis niya kasi ang sabi niya hindi na siya babalik pa. Hindi na daw siya babalik pa kahit kailan." Napahagulhol ulit ako sa sinabi ko.
Ang sakit.
Nagsisisi na kami.
"Wala ang anak niyo dito. Lumayas. Matagal na siyang wala dito. Pasensya talaga." Sabay luhod sa kanila.
Blaine's pov
Lumuhod siya sa harapan namin. "No okey lang. Hindi mo naman kasalanan at naipit ka lang sa isang sitwasyon na hindi mo ginusto. Hindi mo naman ginusto yon ee" sabay hawak ng kamay niya at pinatayo.
Walang puso ang may gawa nito sa amin. Bakit niya ginawa sa amin to? Ano bang kasalanan namin sa kanya? Bakit ba ang laki ng galit niya sa amin ng aking pamilya??
May nagawa ba kaming hindi maganda sa kanila at ginaganito niya kami.
"Pasensya na talaga pero hahanapin namin siya ng asawa ko. Gagawin ko ang lahat para makita ulit siya" sabi niya at yumakap sa akin.
Oo masakit. Mismong anak mo ang nawala at ninakaw pa sa loob ng hospital. Hindi makatarungan yon. Napakawalang hiya nong taong may gawa nito!!
Pagsisisihan niya to!
Galit na galit ako sa kanya!
Kumalas na ako sa pagyayakapan namin at hinarap siya." Wala ka dapat ipagsorry jan. hindi mo kasalanan. Kasalanan ito ng taong nagbanta sayo. Wala kang kasalana. Sumunod ka nga pero hindi mo naman ginusto.hahanapin natin siya." Sabay ngiti. Isang totoong ngiti .
Para gumaan naman yong pakiramdam niya. Para pasayahin ko man yong mood niya.
Tinignan ko ang asawa ko at anak ko ayon depressed. Hindi namin inaasahan na wala dito. Akala namin andito siya pero wala pala.
Akala lang pala....
Ang dami mga namang namamatay sa maling akala at isa na kami don.
At may pag asa na makikita pa namin siya. Makikita ko pa ang anak ko. Sana nandon lang siya aa mabuting kalagayan.
Sana kumakain lang siya ng tama doon. Inaalagaan niya sarili niya. Sana nagdadasal din siya.
"Alam ba niya ang lahat?" Tanong ko sa kanya at umiling nalang siya. I know.. Magagalit nanaman yon. Sa amin.. Pero gagawa kaming paraan. Mag eexplain kami sa kanya.
Niyakap ko nalang ang asawa ko at doon na ako umiyak ng umiyak. Yong anak ko rin niyakap ko na rin.
Iyak kami ng iyak .
Pero nahimasmasan din kami pagkatapos ng ilang minuto at hinarap ulit namin sila.
"Sige salamat nalang . Babalik nalang kami kapag nakita na namin siya. Maraming salamat sa impormasyon na binigay niyo sa amin. Basta kapag nakita namin siya ibabalita namin kaagad. Ito yong number ko" sabay bigay sa kanya at umalis na rin.
Nagpaalam na rin ang asawa ko at anak ko..
Masakit. Napakasakit..
---
Nakauwi kami ng sobrang tahimik. Walang nagsasalita. Walang nag iimik.
Siguro nagpapakiramdaman lang kami.
Pero binasag ko na ang katahimikan.
"Oh wag naman ganyan ang itsura niyong dalawa. Para naman namatayan tayo jan. Buhay pa ang anak natin. Hindi pa nga lang natin nakikita" sabay ngiti ko sa kanila. Pero wala..
(._.)asawa ko
(",_')anak ko.
Puro ganyan naman ang itsura nila.
Ano ba yan. Imbes na magpakatatag kami ganto naman nangyayari..
"Ganto nalang ba tayo? Walang pansinan? Nag iimikan nalang ba? Magpakatatag nalang tayo." Sabay ngiti sa kanila.. ^_^
Pero wala pa rin.
Malungkot pa rin sila.
"Paano naman natin siya makikita wala nga siyang picture sa atin" sabi ng asawa ko.
Oo nga pala.
Antanga naman natin.
Pupuntahan konalang mamaya .
Magpapahinga muna kami.
Pumunta na ako sa itaas para makaidlip man lang kahit konti..
---
Pa vote. Comment na rin.
Pabasa na rin yong mga works ko PLEASE..
Salamat..
--ericcuade
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomanceMinamaltrato ka nila na parang hayop ng iyong mga magulang at narealized mo na time na para magpakalayo.