Jessie's POV
*At the Gym*
"At last I'm not with Jean."- mahina kong sabi habang naguunat. Ako nga pala si Jessie Yumi Kakero, ang sexytary este secretary ng student council. Isang half-half, Kalahating Dyosa kalahating impakta charot. The truth is i'm half filipino half japanese.
As you can see na sa gym ako, isa lang naman ang dahilan ko kung bakit ako nandito. And that is because of my beloved bes. soon to be boyfriend wuahahaha.
Habang naguunat ako may narinig akong sumigaw.
"Kevin! Pass."- sabi nung lalakeng nasa court.
Humarap ako sa likod at nakita ko si Kevin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangiti dahil nakita ko uli siya, -"Kevin!"- sabi ko.
Dahil sa pananaginip ko ng gising hindi ko na namalayan na may patama na pala saking bola.
May biglang sumigaw ng pangalan ko, "Jessie!, Umilag ka!"- Pero bago ko pa marinig yun ay may tumama na bola sa mukha ko.
"Bogsh!!"
Pagkatapos tumama sakin ng bola ay napahiga na ako sasahig. Napahawak ako saglit sa ulo ko dahil sa sakit, -"Aaarrraaayyy!"
Habang nakahiga pa ko ay may biglang lumapit sakin na naka-jersey na nakalagay ay number 07. Hindi ko masyadong Makita ang mukha niya dahil nakaharang ang kamay ko sa mata ko.
"Okay ka lang?"- sabi nung lalake.
Tinanggal ko ang kamay ko na nakaharang sa mata ko. Unti-unti kung minulat ang mga mata ko hanggang may nakita akong black ang buhok, browm ang kulay ng mata. Sa pagtingin ko pa lalo may nakita akong-- "Anghel!"
Bigla naman siyang napatawa at nagsalita --"Napalakas yata ang pagtama ng bola sayo?"- sabi niya habang nakangiti.
Saka ko na lang narealize nung luminaw-linaw na ang paningin ko na ang nasa harap ko pala ay si- "Kevin?!"
*laugh* "Hindi ka parin nagbabago. Halika na nga at tumayo ka na dyan."- sabi niya habang nakangiti. Kinuha niya ang kamay ko at dahan dahan akong tinayo.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito, Jessie?"- Siya nga pala si Kevin Andre Tan ang Ace player ng Froford high. At ang longtime childhood bestfriend / crush ko.
"Ah-eh, napadaan lang ako."- Kahit ang totoo sinadya ko talagang pumunta dito para makita ka.
Napatingin muna siya sakin na parang nag sususpetsiya, "Okay, wag ka munang umalis intayin mo ko. Magbibihis lang ako at kukunin ko ang gamit ko ha?!"- Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo habang nakangiti siya.
Bigla kong inalis ang kamay niya sa ulo ko sabay sabi --"Kevin! Wag any buhok ko, At saka may practice ka pa?"
Nilapit niya ang mukha niya sakin hanggang sa maramdaman ko na ang paghinga niya sa tenga ko sabay bumulong --"Takas ako at ikaw ang gagawin kung palusot."- Inalis na niya ang mukha niya sa tenga ko at sabay umalis papuntang locker room.
"Basta intayin mo ko."- sabi niya habang nakangiti.
Hindi na ko nakapagreact, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko --"Ito kananaman, aasa" Dumiretsyo na lang ako sa may upuan at inintay si Kevin bumalik.
Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na siya mula sa locker room.
Napatitig ako sa kanya habang papunta siya sa akin. Halatang naligo pa siya dahil basa pa ang buhok niya. Dala-dala pa niya ang malaking bag niya na nakasabit sa kanan balikat niya. "Oy sarado mo bunganga mo baka may pumasok na langaw."- sabi niya sabay tawa.
Napalaki ang mata ko at ska sinara ang bibig ko- "Ba-bahala ka nga diyan, may pupuntahan pa ko."
"Ito hindi na mabiro, Osya alis na nga tayo."- sabay higit sakin at dumiretsyo papaalis.
"Ke-kevin na-nasasakal a-ako."
"Mag ano ba ang dalawa na yun?"- patanong nung isang lalakeng may hawak ng bola.
"Maybe a couple?"- sabi naman nung isang lalakeng may hawak ng bote ng tubig.
"Hindi mag childhood bestfriend yung dalawa na yun. At saka alam kong may dinedate ngayon si Kevin."- sabi naman nung Captain nila.
"Captain, bat ang dami mo yatang alam?"- tanong uli nung lalakeng may hawak ng bola.
"Ganun talaga, teka nga mag practice nga kayo!"- sabi nung Captain
"Yes! Cap."- sabi ng lahat.
Sa kabila naman, habang naglalakad sila Kevin ay hindi naman mapakali si Jessie. Dahil nakaakbay sa kanya si Kevin.
"Pano ba to? Hindi man lang ako makagalaw."- sabi ko sasarili ko
Biglang napatigil si Kevin at tiningnan si Jessie at sinabi-"Okay ka lang ba? Namumula ka"
Napalaki ang mata ni Jessie at sinabi --"Ha?! Hi-hindi kaya."
"Sigurado ka ha?! Osya dahil ginamit kitang palusot kanina, Ililibre na lang kita."-- sabay ngiti.
"O-okay."-- hindi parin ako makapag salita ng tuwid.
May biglang may tumunog, "You have a message X3"
Hinanap nila kung anong tumutunog, hanggang sa marealize nila na cellphone pala ni Kevin yun.- "Sorry Jess. Sakin pala yun."- sabay tingin sa cellphone niya para malaman kung sino ang nagtext.
From: Babe
Babe, at the same place. I still remember your promise. I'm waiting.
I love you<3
----<End>----
"Si Kristine yan noh?"- patanong na sabi ni Jessie kay Kevin.
"Ah, well--"-sya.
Hindi na pinatapos ni Jes. Si Kevin magsalita at inunahan na niya ito. --"You should go."- sabi niya habang pilit na ngumiti.
"bu-but Jes. Okay lang?" patanong nasabi ni Kevin.
"O-oo naman. Sige na at umalis ka na, nag hihintay na sayo si Kristine."- sabi niya habang nakahawak siya ng mahigpit sa palda niya.
"Sorry talaga Jes. Babawi na lang ako next time. Sorry talaga."- Kevin.
"Ok lang, sige na."- sabay tulak ni Jes kay Kevin.
"Itetext na lang kita mimiya, Sorry talaga."- sabi ni Kevin at kumaripas na siya nang takbo papalayo.
"Mas okay na yung galto, kesa masaktan ko pa ang sarili ko o ang iba. Hugot Ko eh."- sabi ni Jessie sasarili at ngumiti.
"Okay, back to reality na uli tayo."- sabi ni Jessie ng mahina.
Hindi na lang niya pinansin ang nanyari at bumalik na lang sa SC room.

BINABASA MO ANG
Falling
Romance"I can accept everything you offer but FALLING in love is not one of them" ~Jean . . . . . . Continue to read the Prologue