Jessie's POV
Kasalukuyan akong naka-upo sa swing sa may parteng elementary. Kakatapos lang kasi ng school festival. Gusto ko lang muna makalayo sa mga nangyari kanina. Para akong pinapatay kanina, it was frightening but at the same time sampal sa mukha ko.
Totoo naman ang sinabi n'ya, may gusto, hindi gustong gusto ko talaga si Kevin simula bata pa kami. I love him since I could even remember. Totoo rin naman na wala akong karapatan dahil kaibigan lang ako at ex siya.
Hays. Napabuntong hininga na lang ako sa mga pinagsasabi ko.
"Bakit ba kasi kita nagustuhan?!" Pahiyaw na sabi ko.
"Jessie!"
Napalaki ang mata ko dahil sa pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ko si Kevin. Teka, bakit siya nandito? Hindi ko pa kayang makita ang mukha niya! Kaya naisipan kong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo. Dahil sa taranta nadapa ako, una pa ang mukha. Kung mamalasin ka nga naman talaga.
Dahan-dahan akong tumayo, pero sa pagtayo ko ay nakabungad na sa'kin qng kamay niya. Bakit ba lagi ka na lang dumadating sa maling oras?
Kinuha ko na lang ang kamay niya at tuluyan ng tumayo. Dumeretsyo kami sa isang bench at umupoHindi ko alam kung anong sasabihin ko ang tanging lumabas na lang sa bibig ko ay, "Sorry"
"No, I should be the one who should be sorry"
Napatingin ako sa mukha niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Dahil ba to sa naawa siya sakin?
"Kasalanan ko kung bakit ka nasaktan kanina, kasalanan ko talaga to Jessie. I did't come fast, so you got hurt because of me."
Kadalasan ang sinasabi ko, oo, mag-sorry ka talaga! Ikaw kaya tapunan ng juice sa mukha! At hindi lang yon, ipahiya ka pa sa maraming tao! That's the normal Jess. would say, pero hindi e. Ewan ko kung bakit pero parang may mali talaga. Na para bang may second meaning sa mga sinasabi niya.
"Jessie, I'm sorry. Alam ko hindi sapat yon para mawala lahat, kaya nga naiisip ko na lang tapusin ang pagkakaibigan natin."
What?! Did he just said tapusin na lahat? As in fo na kami? Teka, bakit?! Pero wala man lang lumabas sa bibig ko ni isang salita. Maybe because of shocked of what he just said. Para ba naman kasing bombang binato sa mukha ko. Hindi pa kayang ma-process ng utak ko ang kaganapan na nang yayaring ngayon.
"Pero, that would be unfair for your side. So, rather than ending our friendship, I vow to protect you always." Nakangiting sabi niya.
Kanina, para akong aatakihin dahil fo na kami tapos papatayin naman niya ko sa kilig. Bwesit! Hindi ko mapigilan mapangiti at mapaiyak.
"Oy! Bakit ka naiyak? May sinabi ba kong hindi maganda? May nagawa ba ko? Bakit ka ba naiyak?"
"Bwesit ka kasi! Akala ko fo na tayo. Tapos ngayon hindi pala!"
"Hindi na nga! Tumigil ka na nga sa kaiiyak!"
"Ka-kasalanan mo to! Hi-hindi ko kayang pigilan. At saka te-tears of joy naman toh!"
Hindi ko na talaga napigilan mapahagulgol sa iyak. Hindi dahil sa lungkot o sa sakit kung hindi dahil sa saya. Bigla niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit.
"Oh siya tama na, huwag ka ng umiyak lalo kang puma-panget"
Mabu-bwesit na sana ako sa sinabi niya ng hinalikan niya amg noo ko. Ramdam na ramdam ko ang matagal na paglapat ng labi niya. Ewan, ko kung uunahin ko muna ang pag-iyak ko o ang kilig na nararamdaman ko. Bwesit!
"Oh, binigyan na kita ng healing kiss ko. Kaya tumigil ka na sa pag-iyak"
Napayakap na alang ako sa kanya at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, hindi para punasan ang luha sa mukha ko, kung hindi para itago ang pamumula ng pisngi ko.
"Oh, bakit na naman? Hays. Kung hindi lang kita mahal babatukan na kita"
Mas mahal kita, bwesit ka!
BINABASA MO ANG
Falling
Romance"I can accept everything you offer but FALLING in love is not one of them" ~Jean . . . . . . Continue to read the Prologue