Jessie's POV
"Ang totoo Kevin, Mahal kita!"
"Jess. Ang totoo may aaminin rin ako, Jess, I ---"
At dun na nga natapos ang pagpa - fantasies ko ng gising. Oo na, tanga na kung tanga. Kasalan ko bang mag-ka-gusto sa isang maginoong, gwapo at maraming talentong lalake. Hindi naman ah.
"Tama na yang pag'pantasya mo sa litrato ni Tan! Nagmumukha kang obsess stalker!"
*strike*
Para akong tinamaan ng isang bato sa ulo. May point naman siya pero sa lahat ng pang-ga-galingan dun pa sa bunganga ng Karl na yun!
"Ano? Bwesit ka na... Friendzone girl?"
Tae na tinawag ba niya kung friendzone girl?! Kumakapal na talaga ang mukha nito ah! Lumayas lang sa student council may na lalaman ng galto!
Tinaasan ko siya ng kilay, "Makasabi ka akala mo siya ang ganda ng lovelife ha! Kung tutuusin nga mas malala ka pa sakin, busted boy!"
"Hah, at least ako umaamin kesa yung isa d'yan nag-mumukhang tanga sa kakatago ng feelings!"
"At least ako hindi naman na busted not once, not twice, not tries but six times!"
Nginisian ko siya at napapalakpak, "Tinalo mo pa ang basketball team sa dami ng championship na pinuntahan mo. Hindi lang yun, 6 times MVP ka pa! And I salute you for that."
Nag-unat siya saglot bago ako tingnan ng mga nakakainis niyang titig, "Tapos ka na?"
"Kung ako MVP sa ka-bustedan ikaw MVP sa taguan. Alam mo kung bakit? Sa sobrang galing mong mag-tago pati feelings mo sa kanya hindi makita!"
Ha? Aba gusto talaga ng gera ng lalakeng to ah. P'wes hindi ko siya uurungan!
"Hah, at least ako---"
Biglang bumikas ang pinto kaya napatigil ako sa sasabihin ko.
Ano bayan kung kailan maganda na ang laban saka pa may istorbo.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas ng kusa.
Napalaki ang mata sa gulat. Si Jean lang naman ang pumasok sa loob ng kwarto. Hindi lang yun basang-basa pa s'ya. Hindi ko alam kung anong ng yari pero isa lang ang sigurado, beastmode na naman 'to.
"Jess, may extra t-shirt ka?"
Kalmado n'yang tanong sakin. Bakit gan'on? Nag-expect pa naman ako ng nakakarinding sermon sa kanya pero isang kalmadong Jean ang nakikita ko ngayon. Naligo yata sa holy water 'to kaya parang mabait.
"Wa-wala eh."
"Ako meron!" Sabat ni Karl
"No choice, nasaan?"
"Sa locker ko"
"Ituro mo na sakin"
"Mmmmm"
"Karl?"
Okay, hinalimutan ako. Gan'on na pala talaga ang buhay pagnakuha na nila ang gusto saka ka nila itatapon. Huhuhu.
"Pero bago y'on, bakit ka muna naligo sa isang baldeng holy water?"
Napalaki na naman ang mata ko sa sinabi ni Karl. Bwesit talaga to. Hindi ko na nga tinanong tapos itatanong niya. Kung gusto mong magpakamatay magsarili ka! Hindi yung idadamay mo pa ko!
BINABASA MO ANG
Falling
Romance"I can accept everything you offer but FALLING in love is not one of them" ~Jean . . . . . . Continue to read the Prologue