Jessie's POV
Room 3-B
Kasalukuyang akong nakatingin sa isang mahabang salamin. Ang ganda-ganda at ang cute ko talaga!
Ako si Sailot Venus! Sabay bitaw ng pose sa salamin. Oo ako nga si Sailor Venus na nakasuot ng custome niya. Kung nagtataka kayo, let me explain.
Nagusap-usap kasi kami na ang gagawin namin sa school festival which mean ngayon ay custome cafe. Oo, tama nga ang pagkakarinig niyo custome cafe. At dahil fan na fan ako ng Sailor moon naisipan kong maging isa sa kanila. Mas cool kasi so sailor venus kesa kay sailor moon kahit siya yung bida.
"Jessie ang cute cute mo talaga sa suot mo"
Humarap naman ako sa kanya at nagbitaw uli ng pose.
"Parurusahan kita"
"Parusahan mo mukha mo! Bata!"
Parang nangpantig ang tenga ko sa narinig ko. Binaling ko ang tingin ko sa kaliwa king nasaan siya. "Manahimik ka nga Karl!"
"Nasaan na ang custome mo? Diba naka suot ka ng mascot na aso, bakit mo hinubad?"
"Hiniram yung custome ko"
"Hiniram? Sino naman ang gugustuhing hiramin ang custome mong kay panget at mabaho?"
"Anong ang panget at mabago? Kung hindi mo naitatanong mas mabango pa saiyo yon at mas cute pa 'yon sayo, kaya wala kang karapatan laitin ang pinakamamahal kong mascot, friendzone!"
Napaikot na lang ako ng mata. Anong pinaglalaban niya? Hays. Binaling ko na lang ang tingin ko sa salamin. Ang cute-cute ko talaga! Hindi na ko makapaghintay na ipakita kay Kevin ang suot ko ngayon.
"Jessie? Jessie may naghahanap sayo?"
Sino naman ang naghahanap sakin? Lumitaw sa isip ko ang mukha niya, dahil doon lumiwanag ang mukha ko sa antisipasyon at kasiyahan dahil makikita ko na kagad siya. Hinawi ko ang kurtina na naka ngiti. Lumabas ako at tinawag ang pangalan niya. Ngunit, ibang tao ang bimungad sa'kin.
"Kristine?"
"Pwede ba tayo magusap"
Tumangod ako. Umupo kami malapit sa pinto. Nung nakaupo na kami, ni isa sa'min ang nagsalita. Nabalot ng katahimikan at bumibigat ang tensyon sapagitan namin. Napainom ako ng tubig dahil sa nangyayari. Kahit wala pa naman talagang nangyayari, nakakaramdam na ako ng kaba at kirot sa puso ko.
"So ikaw pala si Jessie"
Sa pagbigkas ng pangalan ko ay may diin. Napagmasdan ko na tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang nililitis ako sa korte, na may ginawa akong kasalan sa kanya. Ewan ko kung bakit pero hindi ako mapakali sa mga binibitawan niyang titig sa'kin.

BINABASA MO ANG
Falling
عاطفية"I can accept everything you offer but FALLING in love is not one of them" ~Jean . . . . . . Continue to read the Prologue