Chapter 20: Friends?

19 0 0
                                        

Jean's POV

Sa mga oras nato nakatayo ako sa harapan niya. This stupid guy just kissed me! Hindi sa cheeks, sa lips pa talaga. Gusto ko siyang pagsasapakin sa mukha pero ayoko rin. Mapapagod lang ako, hindi naman kasi non mababago ang nang-yari. Pero nakakapuro na talaga sakin toh!

Kasalukuyan parin siyang nakapikit na parang hinihintay talaga ang sampalin ko siya. Kesa, patulan ko pinitik ko na lang ang noo niya.

"Anong ginagawa mo?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.

Akma naman siyang mumulat ng tinalikuran ko siya. "Kung gusto mong mag-sorry, ilibre mo na lang ako ng makakain." Ika ko sa kanya.

Pumunta nga kami dun sa maraming kainan. Pumwesto kami sa isang upuan. Tiningnan ko siya sa mata na para bang sinasabing ibili mo na ko. Aangal sana ang tukmol, pero sumunod na lang siya. Magiinarte pa susunod rin naman pala.

Habang nag-iintay ako sa pagkain may umupo sa may harapan ko.

"Hi" -siya.

Nginitian ko lang siya.

"Nagiisa ka lang?"

"Sa tingin mo?"

"Then, if you're alone, would you mind?"

Nagtanong pa, umupo na nga ng hindi nagsasabi, t*nga lang! "Sure."

Tumayo s'ya sa kinauupuan niya at umupo. sa tabi ko. Kapal ng mukha lang. Sa pag-upo niya, humarap naman siya sakin.

"So why does a lady like you doing here?"

"The same reason why you're here" sagot ko sa kanya.

"Oh babe, you won't say that if you know why I am here"

Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya. Binaling naman niya ang tingin niya sa relo niya bago bumalik ang tingin niya sakin.

"Looks like I have to go. Nice chatting with you, Jean"

Na wala ang ngiti ng mukha ko. Pano niya nalaman ang pangalan ko?

"One more thing, say this to the guy you're with, I will make him bleed like before."

Hindi na ko nakatanong pa sa kanya dahil tuluyan na siyang nakalayo. Kumunot na lang ang noo ko dahil sa nangyari. Eksakto namang dumating na si Gray dala-dala ang pagkain naman.

Nung umupo na siya agad ko naman kinuha yung sprite na drink ko bago tuluyang sabihin ang nangyari kanina.

"Yun lang ang pinapasabi niya" ika ko.

"May tattoo ba siya sa may leeg?" seryosong tanong niya sakin

"Meron" matipid kong sagot.

Nung narinig na niya yung sagot ko agaran naman niyang kinuha ang cellphone niya. Mukhang may tatawagan yata siya. Sinimulan ko na ang pagkain ko habang abala siya sa tawag niya.

"Silver, nandito si Dino"

"No, he was chatting with Jean earlier"

Hindi sa nakikinig ako sa usapan nila sadyang ang lapit lang niya at may tenga ako. At saka wala naman akong pake sa pinaguusapan nila. Habang nakain ako hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanya. Kung pagmamasadan mo nga naman may itsura naman pala tong si Hernandez, matangos ang ilong, maputo, maganda ang pangangatawan parang model, mapula ang labi na tipong inggit lahat babae, pero hindi ako d'on na distract kung'di sa mapupungaw niyang Hazel eyes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon