Jean's POV
Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid. Kakatapos ko lang kasing magsaulo ng script. Hindi ko napigilan mapahampas sa pader na kinasasandalan ko ngayon. Bakit? Dahil sa nang-yari kanina.
Kung nagtataka kayo kung anong nang-yari. Well, naligo lang naman ako ng isang baldeng tubig kanina dito sa Auditorium. Hindi ko alam kung sinad'ya to, o isang aksidente lang.
Pero nung nang-yari sakin 'yon. Hindi man lang ako nakaramdam ng galit o inis. Ewan, siguro dahil wala rin naman saysay kung magagalit ako sa nang-yari, hindi naman kasi nito mababago ang nang-yari sakin. Siguro holy water nga yata ang laman ng balde na 'yon at bumait ako ng panandalian.
"President Jean, pumunta na daw kayo sa stage."
"Sige" sagot ko.
Oh well, tama na ang pakiki-pag-usap sa sarili.
Pumunta na nga ako sa stage gaya ng sabi nung isang estudyante. Sa paglapit ko sa stage, halos lahat ng mga mata nila ay nakatingin sakin. Hays, hindi ko rin naman sila masisisi dahil sa eksenang nang-yari kanina.
Nung nakapunta na ko sa stage. Una kong nakita si Maleficent na nakikipaglandian d'on sa kabilang side. Napaikot naman ako ng mata dahil d'on. Nilipat ko naman ang tingin ko sa likod. Gusto kong ma-schock pero sayang lang ang emosyon na ipapakita ko. Si Princess Aurora lang naman ang nakita ko. Alam kong ang role n'ya dito ay matulog pero hindi ko naman alam na isina-puso at isipan na n'ya ang role n'ya.
Nakakakulo ng dugo ang nakikita ko. Para kasing circus ang loob ng auditorium, exempted ako d'on. Binaling ko na lang ang tingin ko sa harapan. Akala ko matatapos na ang nakita kong kabaliwan. Yun pala nagsisimula pa lang 'to.
Alam n'yo yung tatlong fairy na sila Flora, Fauna at Merryweather. Ang alam ko kasi fairy sila pero bakit galto ang mga itsura? Mukhang mga enkanto!
Gusto ko talagang tumawa ng malakas pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Kaya kesa tumawa napangiwi na lang ako. Hindi ko alam kung paano natanggap ang mga to bilang fairies, sa laki ng mga katawan pasok na sila bilang wrestler o weight-lifter.
"Everyone, magsisimula na tayo"
Napabuntong hininga ako. At last magsisimula narin. Bumaba muna ako ng stage at umupo sa isa sa mga upuan. Mimiya-miya pa naman ako.
Now let's see kung ga'no kagaling ang mga napili. Hindi naman ako mang-huhusga, gusto ko lang naman malaman ang kapasidad nila sa pag-acting.
Ang pag-acting ay parang pagiging-isa sa karakter na gaganapan mo. Hindi 'to madali at basta-basta lang ginagawa. Isa sa mga point na dapat tandaan ay ang emosyon na gagamitin mo. Maling emosyon, sira na kagad ang karakter mo.
Bakit ang dami kong sinasabi? Well, acting is what I do. Buong buhay ko ina-acting ko lang lahat ng ginagawa ko, sa pag-ngiti ko, sa pakikipag-usap sa iba, pati narin ang ugaling pinapakita ko. I'am not a fake, it's just that, in life we need something of a disguise to avoid being fooled or hurt. Don't judge me fast, hindi lang naman ako ang gumagawa nito.
Tinuloy ko na ang panonood sa practice nila. Kung huhusgahan ko sila, their not half-baked after all. May ibubuga rin pala sila lalo na si Maleficent. To think na marunong palang um-acting ang lalakeng 'to. Kapuri-puri naman talaga ang acting n'ya.
"Okay, ang mga fairies pumunta na sa unahan!"
Nandito na pala ang mga enkanto este fairies. Sa mukha nila, halatang napilitan lang ang mga 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/127735367-288-k142630.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling
Romance"I can accept everything you offer but FALLING in love is not one of them" ~Jean . . . . . . Continue to read the Prologue