Jean's POV
*Theater club*
*slam*
Napahampas ako sa pinto sa inis. Kapag naaalala ko yung ng yari kahapon kumukulo ang dugo ko. Ggrr.
*Flashback*
*Open door*
Napatigil silang lahat sa ginagawa nila at napatingin sa pinto.
"Teka, bakit sila nandito?"
"Madam Principal, SC President, at ang F.A Leader!"
"Nananaginip bako at nakikita ko na magkasama silang dalawa"
"Isa itong dilubyo!"
"Ahem, can I have everyone's attention" sabi ni Principal Argus.
Nagsilapitan naman ang lahat.
"Alam ko nagtataka kayo kung bakit sila nadito. Well, sila nga pala ang gaganap na bida sa play na gagawin ng school" masayang sabi ni Principal Argus.
Pero kesa maging masaya ang lahat nabalutan ito ng takot, ni hindi nila masabayan ang ngiting binibigay ni Principal Argus. Pano sa tindig at titig palang nila alam na nila na isang delubyo ang haharapin nila.
"Kate nasan ka?"
"Nandito po!"
Lumapit si Kate kay Principal Argus at tinanong ito, "Ma'am bakit po?"
"Can you hold this for me?" Nakangiting sabi ni Principal Argus habang ipinapatong ang isang cellphone sa palad ni Kate.
"Pa-para saan po to?" Tanong niya.
"Alam mo na, in case of emergency"
"Emergency?"
Tiningnan saglit ni Principal Argus sila Jean bago binalik ang tingin kay Kate, "You know what I mean"
Hindi na nakasalita si Kate dahil naglakad na ito papunta kila Jean.
"If you two value our agreement, behave." Bulong nito sa tenga nila Jean at Gray.
"Magsisimula sila bukas" sabi niya bago tuliyan ng umalis sa loob ng kwarto.
*End of Flashback*
Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Bumungad naman sakin si Kate if I'm correct.
"Ms. Gomez?"
Okay, game face on! Binigyan ko siya ng ngiti, "Stop with the formality, pwede mo naman akong tawagin Jean na lang."
"Ah, si-sige" sagot niya.
"Then, I'll call you Kate if that's alright."
"Oo naman, mas okay nga to para mabawasan ang awkwardness."
"Tama ka dun" sagot ko sa kanya habang nakangiti.
"Fake smile"
Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan dahil sa pamilyar na boses. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya. Of course, nakangiti parin ako. Papatalo ba ko sa bwesit nato?
"Never learn?"
Jean, kalma lang. Sayang lang ang laway at lakas mo kung papatulan mo pa siya. Ngumiti at makisama. "Learn what?"
Pero tiningnan lang niya ko at hindi sumagot. Ano titigan na lang tayo dito? Pero nga, wag patulan kaya binaling ko na lang ang tingin ko kay kate.

BINABASA MO ANG
Falling
Romance"I can accept everything you offer but FALLING in love is not one of them" ~Jean . . . . . . Continue to read the Prologue