Jean's POV
Time: 11:25 am
"Aray! Dahan-dahan lang ang hirap kayang tanggalin to!"
"Wag ka ng maginarte at hubarin mo na lahat yan. Para naman may itatago ka pa sakin"
"Manyak ka talaga!"
"Gusto mong magkaroon ng black eye?"
"Ito na nga, maghuhubad na. Ito hindi na mabiro"
Hep hep hep! Hindi kami nagawa ng porn dito. Oo inaamin ko nasa isa kaming kwarto sa loob ng school kung saan kami lang ang tao. Inaamin ko rin na inuutusan ko siyang maghubad pero hindi maghubad ng damit kung hindi maghubad ng costume niya.
"Ano Karl ang tagal mo!"
"Ikaw na nga lang pinapahiram ikaw pa ang galit!"
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at naghintay na lang. Lumipas ang kalahating oras at nasuot ko na ang costume niya. Grabe ang init naman nito sa katawan.
"Jean, tingin ka nga dito"
Humarap ako sa kanya. Sa pagharap ko sa kanya ay tumangbad sa'kin ang flash ng cellphone niya.
"Dapat nag pose ka. Hays. Send ko lang to sa gc natin"
"Bahala ka, basta walang makakaalam kung sino ang nakasuot ng mascot na ito, naiintindihan mo ba?"
"Opo ma'am"
Time: 12:30 pm
Kasalukuyan akong naglilibot ngayon, sabihin na nating nagpa-patrol ako ngayon. Pag nagpapatrol ba kaylangan naka costume? Para sakin oo para hindi maagaw ng atensyon. Pag nakita kasi nila ako agad silang tumatakbo mas magandang mahuhuli ko sila ng hindi nila napapansin mas hindi hassle kasi yon.
Nakita ko ang classroom nila Jessie. Kung hindi ako nagkakamali 3-B sila. Naisip kong sumilip lang saglit para tingnan kung maayos sila pero sa paglapit ko ay nakarinig ako ng ingay sa loob kaya binilisan ko ang lakad ko para makita ang mga kaganapang ng yayari sa loob.
Napahinto ako sa may pinto hindi dahil hindi ako makadaan kung hindi nakita kong sinabuyan si Jessie sa mukha ng Juice.
Nakakapanginit ng dugo ang nakita ko. Isang malanding hariparot na katulad niya ay hindi dapat binubuhay!
"Waiter, can I get another glass of juice?"
BINABASA MO ANG
Falling
Romance"I can accept everything you offer but FALLING in love is not one of them" ~Jean . . . . . . Continue to read the Prologue