AUTHOR'S NOTE:
Ang akdang ito ay isinulat ko bilang entry sa contest ng Wani Publishing na may temang Valentine.
Isa itong one-shot na binubuo ng halos apat na libong salita at nasa thriller genre.
Paalala lamang po na ang akdang ito ay pawang gawa-gawa ko lamang. Ang lahat ng karakter na nabanggit sa kwentong ito ay bunga lamang ng malikot kong imahinasyon. Lahat ng lugar at pangyayaring nabanggit dito ay hindi nag-e-exist sa totoong buhay. Hindi ko ito inihango kahit saan. Naisip ko lang ang temang ito at ang plot ng My One and Only Barbie dahil nasa kalagitnaan ako ng pagsulat sa isa ko pang horror story na pinamagatang Reflection kung saan gory rin ang mga tagpo.
May mga maseselang tagpo rin rito na hindi angkop sa murang edad kung kaya't "READ ON YOUR OWN EXPENSE".
Maraming salamat po.
Enjoy reading (^-^)b
(My One and Only Barbie is already PUBLISHED under WANI PUBLISHING. Grab your copy of Valentine Diaries now! Iba po ang laman ng nasa libro kumpara sa na-post ko rito sa Wattpad. Ang Valentine Diaries ay kinapapalooban ng iba't ibang kwentong naganap sa Araw ng mga puso. Mayroon din itong mga tula at flash fictions na ukol sa pag-ibig. Salamat po!)
<<some parts are deleted to avoid spoilers for VD>>
.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.
DESCRIPTION:
First Valentine's Day sana ng CampusSweetheart na si Barbie Dela Cruz at Campus Heartthrob na si Ben Adamson na magkasama bilang magkasintahan. Pero ang masayang araw sanang ito'y biglang naging isang malaking bangungot para sa dalaga nang madatnan niyang may kahalikang ibang babae ang kanyang sinisinta. Mula rito, magsusunud-sunod na ang masasamang pangyayaring magbabago sa kanyang buhay... At baka ito na rin anghuling Valentine sa buhay niya.
STORY:
"HAVE YOU DONE IT YET?" mahinang tanong ng dalagang si Mitch sa kanyang kaharap.
"Of course not!"
"Kahit kalian, taklesa ka talagang babae ka. Hinay-hinay lang kasi sa pagtatanong. Ikinaila tuloy ni Barbie," mapanuksong biro naman ng bunso ng barkada.
"Isa ka pa, Joy. Magsitigil nga kayong dalawa! Pumunta tayo rito sa library para mag-aral at hindi para magtsismisan," suway ni Clarisse na best friend ni Barbie at ate ng grupo.
"Nakaka-curious lang kasi Clarisse. Kalat naman sa buong campus ang pagiging tirador ni Ben kaya nga nagulat tayo nang nagtapat na 'tong babaeng ito na sila na pala. Aba naghintay pa siya ng tatlong buwan bago niya sa'tin aminin," saad pa ni Mitch.
BINABASA MO ANG
Heart-Pounding Scary Stories
HorrorA collection of short scary stories that include both FICTIONAL and REAL-LIFE stories of horror (the author and her friends'/acquaintances' true-to-life ghost stories).