Author's Note:
Lahat ng pangalan at lugar na mababanggit ay gawa-gawa ko lamang kung kaya't kung may kapareha ito ng alam niyo na tao o lugar ay hindi iyon ang tinutukoy ko. Pawang nagkataon lang ang lahat.
Sana makapagparamdam ako sa inyo kahit kaunting goosebump sa story na ito. Hehehe kasi ako, nagdalawang-isip talaga ako kung isusulat ko na ba ito. Time-check ng pagsulat ko, 1:15 am. Imagine-in niyo na lang kung paano ako nakatulog pagkatapos ko isulat 'to. Take note, puro salamin dito sa kwarto namin hahaha. At exactly 3am, nagsialulong ang mga aso ng kapitbahay namin kaya tapang-tapangan ang peg ko hahaha
Anyways...
Enjoy reading.
~im_Amystery
©All rights reserved 2014
['INSPIRED' by a true story]
.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.
DESCRIPTION:
Mula pa noong sinaunang panahon, pinaniniwalaangnakapagkukulong ng masasamang espiritu ang malalaking salamin. Pero paano kungang matagal nang nakakulong sa loob ng salamin na ito ay biglang makawala atmanghatak ng iba papasok sa kanyang mundo? May makakatakas pa ba mula saelementong hindi nahahawakan ng sinuman?
STORY:
"GRABE FRIEND, iba talaga ang trip mo sa buhay no?" sabi ni Kaila sa kaibigan niyang si Stephanie.
"Walang basagan ng trip, Kai. In naman 'yung hobby ko eh."
"Yeah right. Collecting antique items symbolizes fortune. Pero friend, buti sana kung dahil lang sa maganda kaya mo kinokolekta ang mga bagay-bagay. Ang kaso, hindi. You buy them not because of their look but because of their history. Hindi ka ba natatakot na baka mamaya multuhin ka ng may-ari ng mga binili mo?" parang nangingilabot na tanong ni Kaila.
Itinigil ni Stephanie ang pamimili ng bibilin niya at humarap sa kaibigan.
"What are you? A kid? Hello, Kai? Nasa modern age na tayo. Nagpapaniwala ka pa sa mga multo?"
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala sa multo?"
"Of course not! Ghosts don't exist. And besides, I'm a doctor. What do you expect?"
Tinawag na ni Stephanie ang nag-a-assist sa kanya at ipinabalot na ang napili niyang gamit.
"Ewan ko sa'yo, friend. Porque doktor ka, 'di ka na mumultuhin? Doktor din naman ako ha. But I believe in elements that human eyes don't usually see. I still believe na may ibang mga elemento na kasama natin sa mundo," paliwanag nito sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Heart-Pounding Scary Stories
TerrorA collection of short scary stories that include both FICTIONAL and REAL-LIFE stories of horror (the author and her friends'/acquaintances' true-to-life ghost stories).