"DR. RAMIREZ, have you seen Dra. Mendez?" tanong ni Stephanie sa nakasalubong na doktor.
"Ah, naka-'sick leave' siya. Tumawag siya nung Biyernes dahil parang magkakatrangkaso nga siya."
"Ah ganoon ba? Salamat," sabi niya rito at nagpaalam na sa kausap.
"Ano ba 'yan... Kung kailan sukatan ng gown, saka naman nagkasakit si Kai. Sana gumaling na siya agad," nasabi na lang niya sa sarili.
"GOOD MORNING, MRS. EMPERIAL. How are you feeling?" tanong ni Stephanie sa pasyente niya na nakahiga sa kama.
"Okay naman po, doktora. Thanks for saving my child," sabi nito na hinawakan pa ang kamay niya. Muntik na kasing makunan si Mrs. Emperial.
"It's my job, Ma'am. Just take good care of your health from now on since hindi ka na nag-iisa sa katawan mo. You should follow my prescriptions para maging healthy ka, pati na rin si baby," nakangiting sabi niya rito.
"Yes, doc. Thanks."
After some tests, ay lumabas na rin si Stephanie sa kwarto ni Mrs. Emperial. Napadaan siya sa nursery at napangiti nang makita niya ang mga cute babies.
"Ano kaya ang magiging itsura ng baby ko? Magiging kamukha niya kaya ako o mas magiging kamukha niya si Dave?" nasambit niya habang tinitingnan ang mga babies.
"But I'm sure na kahit sino pa ang maging kamukha niya ay mamahalin namin siya ni Dave nang sobra. I'm sure that Dave will be a great dad," napangiti siya sa naisip.
Naputol ang pagde-daydreaming niya nang makita niya ang kaibigan na naglalakad.
"Kai!" tawag niya rito pero mukhang hindi siya narinig dahil lumiko ito sa isang pasilyo.
Sinundan ni Stephanie si Kaila habang tinatawag ito.
Nagtatakang sinundan ni Stephanie ang kaibigan nang pumasok ito sa storage room na hindi naman usually pinupuntahan ng mga doctor na tulad nila.
"Kai, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba naka-'sick leave' ka? Magaling ka na ba?" hindi siya sinasagot ng kaibigan at nananatili lang itong nakayuko.
"Tumawag nga pala 'yung wedding organizer ko. Ang sabi niya, sukatin mo na raw 'yung gown mo para ma-adjust pa kung saka-sakali," pero tulad kanina ay 'di pa rin siya sinagot nito.
"Kai? Okay ka lang ba, girl?-..."
"Salamin... Mag-ingat ka sa salamin..." narinig niyang bulong ng kaibigan
"Huh?-..."
"Doktora? Ano pong ginagawa niyo rito?" napalingon siya sa nagsalita sa likuran niya.
"Ah kinakausap ko lang si-..." natigilan siya nang makitang wala na si Kaila.
Nagpapalingun-lingon siya at hinahanap ang kaibigan pero wala na siya sa loob ng kwarto.
"Sino po ang kinakausap niyo?" tanong ng nurse sa kanya.
"A-Ah w-wala... Wala pala. M-May t-tiningnan lang ako. S-Sige, labas na ako," nagmamadali siyang lumabas ng storage.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil sa nangyari; kaba para sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Heart-Pounding Scary Stories
TerrorA collection of short scary stories that include both FICTIONAL and REAL-LIFE stories of horror (the author and her friends'/acquaintances' true-to-life ghost stories).