[[Flash Fiction = 300 Words]]
"STUPID feet!" bulalas ni Athena habang inis na isinusuot ang bagong biling sapatos. Lumaki at lumapad na naman kasi ang kanyang mga paa.
Pumunta siya sa kusina at kinuha ang pinakamatalim na kutsilyo. Walang pag-aalinlangang tinagpyas niya ang dulo ng kanyang hinlalaki at pinutol ang kanyang hinliliit. Binalot niya ng manipis na gasa ang sugat niya at isinuot agad ang pulang sapatos.
"OMG! You really went all out!"
Nakipag-beso-beso kay Athena ang kaibigan niyang si Nancy.
"Sigurado akong ikaw na ang mananalong Queen of the Night!"
"Dapat lang! Hindi biro ang preparasyon ko para dito, 'no!" sagot ni Athena.
"I know! Halos magpakamatay ka sa kakapunta sa gym mapanalunan lang ang koronang 'yon!"
Itinuro ni Nancy ang koronang pilak na nasa gilid ng stage. Nakapaloob sa isang glass case ang koronang napupuno ng mga puti't pulang bato.
Nakaramdam ng kirot sa paa si Athena. Sinilip niya ang sapatos ngunit wala naman siyang napansing kakaiba rito.
"NOW'S the time you've been waiting for!"
Makapigil-hiningang nag-abang ng anunsyo ang lahat.
"The King and Queen of the Night are-Clark Cristobal and Athena Miraflor!"
Napuno ng palakpakan ang buong lugar. Magkasabay na umakyat ng stage sila Clark at Athena. Nasa kanila ang atensyon ng lahat.
Labis-labis na saya ang naramdaman ng dalaga nang sa wakas ay nakaputong na sa kanyang ulo ang koronang inaasam.
Lumakad sa dulo ng stage si Athena para sa kanyang 'royal walk'. Subalit, biglang nadulas ang kanyang paa dahil sa isang malapot na likido at nahulog siya mula sa entablado.
Gumulong ang korona sa paanan ng stage. Napukaw dito ang atensyon ng emcee at nakita ang duguang bakas ng paa patungo sa huling tinapakan ng dalaga.
Tumapat ang spotlight sa nilaglagan ni Athena at napasigaw ang lahat nang makita ang dalaga-bali ang leeg at mulat ang mga mata.
~ The End ~
.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.
AUTHOR'S NOTE:
This is the first draft of JUST TO BE QUEEN as posted on WWO's group. Catch the edited and new version of this story soon!
Thanks for your support (^ ~,)b
Image used: From google = http://hdwallpaperbackgrounds.net/wp-content/uploads/2016/07/Crown-Wallpaper-3.jpg

BINABASA MO ANG
Heart-Pounding Scary Stories
TerrorA collection of short scary stories that include both FICTIONAL and REAL-LIFE stories of horror (the author and her friends'/acquaintances' true-to-life ghost stories).