Reflection [Part Three] (Taglish)

284 8 0
                                    

Reflection [Part Three] (Taglish)

>>INSPIRED by a true-to-life story<<

©All rights reserved 2014


.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.


"STEPHANIE, HIJA!!!" sinalubong siya ng isang magandang babae na may edad na.

"Hi, Mamita."

Nakipagbeso-beso siya rito at sa matandang lalaking kasama nitong sumalubong sa kanya na kakikitaan pa rin ng kagwapuhan at kakisigan.

"Pumasok ka muna nang makapagpahinga ka," sabi ng matandang lalaki.


"So, kamusta naman ang magiging official na apo ko na?" tanong ng kanyang Mamita.

"Eto po, excited ng maging Mrs. Smith. Hehehe."

Nasa garden sila ngayon at kumakain ng pananghalian.

"Hindi ka ba pinahihirapan ni Dave sa bahay?" tanong naman ng matandang lalaki na tinatawag nilang Papi ni Dave.

"Naku! Hindi po, Papi! In fact, napakamaalaga po ni Dave," proud na sabi ni Stephanie.

"Buti naman kung ganoon. Hahaha"

"Pasensya na nga po pala kayo, Mamita, Papi, kung hindi po nakasama ngayon si Dave. Biglaan lang po kasi 'yung naging business trip niya," paumanhin ng dalaga.

"Okay lang sa'min, hija. Sanay na rin naman kami at kailangan din ni Dave 'yun lalo na't magsasama na kayo," sagot ni Mamita.

Napangiti naman si Stephanie sa pagiging maunawain ng mga ito.

"So, kailan niyo kami bibigyan ng apo sa tuhod?"

Nabilaukan si Stephanie sa tanong na iyon ni Papi.

"Ahem! Ahem! Sorry po, nagulat lang ako sa tanong. Uhmmm... Hindi pa po namin iyan napag-uusapan ni Dave. Hehehe."

"Aba! Matanda na kami, hija! Gusto na rin namin makita ang magiging apo namin sa only grandson namin!" sabi ni Papi.

"Sige po. Hehehe darating din kami riyan, Papi," nakangiting sagot ni Stephanie.

"Hija, pwedeng pakisabi sa apo namin na pakibilisan ang paggawa? Ang hina niya sabihin mo sa kanya!" pabirong turan ng Mamita nila.

Nagkatawanan lang sila at nagkwentuhan pa.



SAMANTALA...

Sa bahay nila Stephanie...


"Hon, okay na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Katerina sa nobyo.

"Oo. Nakahanda na rin 'yung kotse. May mga kinuha na rin akong mga antigong gamit sa bahay na pwede nating ibenta," sagot ni Jaime.

"Good. Hintayin mo na lang ako sa likod-bahay. Kukunin ko lang 'yung mga alahas at pera sa kwarto nila Stephanie."

"Sige. Bilisan mo ha. Baka bumalik na si Tere eh."

Namalengke kasi si Teresa para may makain ang mga amo nila bukas pagkauwi.

"Okay. I love you."

"I love you, too," sabay halik sa dalaga.

Heart-Pounding Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon