[[Flash Fiction = 300 words]]
ITINAAS ni Vina ang kanyang cellphone at nag-'peace sign'. Agad niya itong in-upload sa My Story ng Messenger.
Maraming nag-like sa post niyang iyon kabilang ang boyfriend niyang si Robin.
"Hi, love. You look wonderful," chat ni Robin sa kanya.
"Thanks, love. Pauwi na rin ako. Nag-dinner ka na?" sagot niya habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada.
"Yup. Kamusta ang lakad niyo?"
Galing sa mall si Vina kasama ang mga kabarkada niya. Matagal na nang huli silang magkita-kita kaya naman sinulit nila ang buong maghapon sa pagkukwentuhan at pagsha-shopping.
"Okay naman. Ang dami naming kwento sa isa't isa. Wait. I'll send you the pictures."
Mabilis na binuksan ni Vina ang gallery niya at nag-send sa nobyo ng ilan sa mga pictures nilang magbabarkada.
Nagulat si Vina nang biglang may narinig siyang nabasag na bote. Lumingon siya subalit walang tao sa paligid. Wala ring mga sasakyang dumaraan sa kalsada.
Nagpatuloy siya sa paglakad at tiningnan muli ang chatbox.
"Glad to see your smile. By the way, boyfriend ba ni Mila 'yung kasama niyo sa pictures?"
Nagtaka ang dalaga dahil puro babae silang magbabarkada. Tiningnan niyang muli ang mga larawan. Binuksan niya rin ang iba pang kuha niya at mayroon ngang lalaking nakaitim na cap na kasama sa litrato.
"Love, I don't know that man but he's in every picture we took."
Nag-video call si Robin.
"Hey-..." Saglit na napahinto si Robin. "Walk faster, love. And don't look back."
Kinakabahang sinunod ni Vina ang utos ng boyfriend.
"W-What's wrong, love?"
"The guy in the pictures is following you right now."
Natigilan si Vina at lumingon sa likuran niya.
"No! Don't look back!"
Nahulog sa sahig ang cellphone ni Vina.
"No!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Robin mula sa telepono nang bumagsak sa harapan ng camera ang walang buhay na si Vina.
~ The End ~
.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.
AUTHOR'S NOTE:
This is the first draft of HUWAG KANG LILINGON as posted on WWO's group. Catch the edited and new version of this story soon!
Thanks for the support (^ ~,)b
image used: Photo by Kevin Laminto on Unsplash
BINABASA MO ANG
Heart-Pounding Scary Stories
TerrorA collection of short scary stories that include both FICTIONAL and REAL-LIFE stories of horror (the author and her friends'/acquaintances' true-to-life ghost stories).