WARNING!!!
May mga tagpo rito na hindi angkop sa murang kaisipan. (semi-rape scene)
~im_Amystery
©All rights reserved 2014
.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.
"WELCOME HOME, ATE," bati ni Teresa sa amo sabay kuha ng mga bitbit nito.
"Salamat. May pasalubong ako sa inyo diyan. Nasaan si Kat?"
"Naku, Ate. Nung Sabado pa po siya wala. Mukhang lumuwas po yata ng probinsya," sagot nito.
"Huh? Wala naman siyang nasabi sa'king luluwas siya," nagtatakang sabi ni Stephanie.
"Nung Miyerkules po kasi narinig ko pong kausap niya 'yung kamag-anak niya sa cellphone. Mukhang malala po 'yung lola ni Kat kaya napauwi siya nang wala sa oras. Wala rin po kasi 'yung mga gamit niya eh."
"Ah, ganun ba? Si Jaime nga pala? Susunduin niya pa kamo si Dave sa airport."
"Hindi ko pa po siya nakikita mula nung hinatid niya si Kuya sa airport nung Sabado. Akala ko po'y isinama siya ni Kuya."
"Huh? Eh nakita ko pa 'yung sasakyan diyan ah."
Nagkibit-balikat lang si Teresa. Napahilot sa noo at napabuntong-hininga na lang si Stephanie.
"Sige na. Kumain ka na. Papasundo ko na lang ang Kuya mo sa driver namin sa mansyon."
"Sige po, Ate," at dumiretso na ito sa kusina.
"HI, BABY!" masiglang bati ni Dave sa katipan.
Sinalubong naman ito ni Stephanie at hinalikan sa labi.
"Welcome home, baby," nakangiting sabi nito.
"Thanks, baby. Nga pala, bakit hindi si Jaime ang nagsundo sa'kin?" tanong ni Dave habang paakyat sila ng hagdan.
"Naku! Mukhang nagtanan sila ni Kat. Nung Sabado pa raw kasi sila nawawala. Pati mga gamit nila, nawawala," nakakunot-noong sagot ni Stephanie.
"Hahaha! Tama pala 'yung hinala nating may HD 'yung dalawa sa isa't isa," natatawang sabi ng binata.
"Yeah at kailangan na rin nating makakuha ng mga kapalit nila."
"I'll call an agency this time para maiwasan na rin natin ang pagtatanan ng mga kasambahay natin," natatawang sabi ni Dave.
"Mabuti pa nga."
"SO, HINDI NA TALAGA BUMALIK 'yung mga kasambahay niyo?" tanong ni Kaila.
Biyernes na ngayon at nag-aayos na sila ni Stephanie ng gamit dahil tapos na ang shift nila.
"Ganoon na nga. Buti nga nakakuha kami agad ng mga kapalit nila. Sige, Kai. Una na ako. Hinihintay na ako ni Dave eh."
Pupunta kasi sila Stephanie at Dave sa wedding organizer nila.
"Sige, ingat kayo. Bye!"
"Bye!" at nagmamadali na ngang umalis si Stephanie.

BINABASA MO ANG
Heart-Pounding Scary Stories
HorrorA collection of short scary stories that include both FICTIONAL and REAL-LIFE stories of horror (the author and her friends'/acquaintances' true-to-life ghost stories).