Two-at-a-Time (Taglish)

721 6 6
                                    

Author's Note:

Hello guys!!! I'm back!!! (Only for the meantime XD LOL)

Dahil sa na-postpone ang aming Departmentals, naisipan kong isulat na ito. This is my story back when I was in high school. Pero may dagdag bawas na ito ha. Hehehehe siyempre para mas maganda.. pero yung ghosts sa story ay totoo and even the venue. I'll just use fictional names kasi 'di ko mapagpaalam sa mga kabarkada ko dati na ishe-share ko ito XD...

Oh well, let's start the story...

P.S.

Sana matakot naman kayo kahit kaunti XD hahahaha... I admit na hindi ako marunong manakot e XD hahahaha Narration lang yata ako magaling hahaha. O siya, pagtiyagan niyo na ang Horror-wannabe na story na ito XD hahaha (anubeyen, puro tawa (-__-) )

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

It's been more than eight years since I first encountered  two things that I don't want to see again in my entire life.

"Shana, punta tayo sa bahay nila Nice. Tatlong oras naman vacant natin e," aya sakin ni Roxy.

"Saan ba bahay nila?" tanong ko habang inaayos 'yung mga gamit ko. Kakatapos lang kasi ng isa naming subject then vacant na.

"Diyan lang papunta sa Ilaya. Sasama ang buong tropa," sagot niya.

Sabay-sabay kaming lumabas ng school. Open-gate policy kasi dito. Actually, isang oras lang dapat ang vacant namin plus isa pang oras mamaya. wala kasi 'yung isa naming teacher kaya magiging tatlong oras vacant namin. Bale ang schedule namin ay dalwang subject, vacant, isang subject, vacant, tapos limang subject nalang uwian na.

Sumakay kami ng jeep na papuntang Ilaya. Saglit lang naman ang naging biyahe namin since malapit lang naman ang school sa may Pritil. Nag-aaral nga pala kami sa Florentino Torres High School.

"Tuloy kayo," sabi ni Nice na papasok na ng bahay nila.

"Magandang hapon po," bati naming walong magbabarkada.

"Magandang hapon 'din," bati sa'min nung isang matandang nakaupo sa sofa sa sala at nanonood ng TV. Lola yata 'yun ni Nice.

Old-fashioned 'yung bahay nila. Hindi naman ito kalakihan pero bato siya sa labas at kahoy naman sa loob. Sapat lang ang laki ng bahay nila. May dalawang palapag ito at nasa ikalawang palapag ang kwarto ni Nice.

"'Yung iba sa lapag na lang umupo. 'Di kasi tayo kasyang lahat sa kama ko e," sabay tanggal ni Nice sa palda niya.

"Oy! Bakit ka naghuhubad?" sigaw ni Darwin. Actually, puro babae kami sa barkada. Sumama lang itong si Darwin sa'min ngayon kasi wala siyang matambayan. Ayaw niya kasing sumama sa tropa niya kasi magdodota lang sila.

"Sus! 'Wag ka ngang OA diyan. Nakashorts kaming lahat no!" sabi ni Gina habang tinatanggal 'din 'yung palda niya.

"Buti naman. Kala ko re-rape-in niyo ako e XD hahaha" sabi ni Darwin na nakapamaywang pa.

"Asa!" nakihubad na rin ako ng palda. Ang init kasi ng palda namin e. Bukod sa ang kapal-kapal na nga ng tela, ang haba-haba pa. Well, hindi naman required na super haba ng palda namin kaso ewan nga ba namin sa mga magulang namin kung bakit kehahaba ng mga pinagawang palda sa'min (-__-)

"Gusto niyo bang kumain na?" tanong ni Nice.

"Mamaya na lang 'pag isang oras na lang ang vacant," sagot ni Dina.

Heart-Pounding Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon