CHAPTER 6: Tour and our teddy bear kingdom

46 3 0
                                    

BENJAMIN'S POV

Pagkatapos ko magbihis at tumawa sa mga kilos ni Channelle sa tent, hinila ko yung kamay niya at ipinasok siya sa kotse...

"Saan tayo pupunta?" tanong niya, napaupo siya sa passenger's seat kaya umikot ako sa kabila at naupo sa driver's seat...

"Sa ating palasyo..." hindi ko siya tinignan at inandar bigla yung kotse 

Nakatulog ng sandali si Channelle... ayos lang yun dahil mahaba haba naman ang biyahe namin eh... sa mga nagtatanong kung saan kami papunta...

Gaya ng sinabi ko, pupunta kami sa aming palasyo. HAHAHAHAHA!

Mga 5 hours or 6 ang byahe namin papunta dito sa Cité de Carcassonne...

Ang mukhang palasyo talaga dito sa France... nang una ko makita yan sabi ko sa sarili ko na dito ko dadalhin ang prinsesa ko...

Nag park lang ako at tinignan si Channelle...

Nilapitan ko siya at inyos yung buhok sa mukha niya... nilapit ko yung labi ko sa tainga niya...

"HOY! CHENNELLE MANUBAG GUMISING KA NA PARA KANG TULOG NA MANTIKA!" sigaw ko

"AY PIKACHU JIGGLY PUFF!" napatayo si Channelle at naumpog "ARAY KO!"

Natawa ako pero sinubukan ko pigilan...

"ANO TINATAWA TAWA MO DIYAN?!" dinambahan ako ni Channelle at piningot habang binabatukan "Natutulog ang maganda mong P.A ng mahimbing tapos sisigawan mo ano ka ba?! POKEMON KA BA?!"

"Aray ko naman Ganda Bear ano ba?!" tinulak ko ng tinulak yung mukha niya "Yung artistahin kong mukha nasasaktan aray, I FEEL VIOLATED!"

Napatigil siya "Teka lang, linya ko yun ah!" sinabunutan niya ako "Kahit kailan gaya gaya!"

WALA NA SIYANG AWA SA AKIN (_._)

"Teka nga lang Ganda Bear kumalma ka nga!" awat ko "Kaya kita ginising dahil nandito na tayo sa palasyo na'tin..."

"Huh?" napakamot siya sa ulo

Bumaba kami ng kotse at naglakad pa kaunti para makita ang best view ng buong Cité de Carcassonne... well, pwede siyang maging castle at city kasi may city talaga siya sa loob... pero yung labas niya mukha talagang castle ng isa sa mga movie ng disney!

O__o

"ASTIG!" sigaw niya

"Sabi ko naman sa'yo diba?" tinignan ko siya at inakbayan tapos tinignan ulit yung Cité de Carcassonne "Ito ang ating magiging kaharian! Ang tatawagin natin diyan ay TEDDY BEAR KINGDOM!"

Tinignan niya ako ng weirdo "TEDDY BEAR KINGDOM?!"

"Oo,TEDDY BEAR KINGDOM... ayaw mo ba nung pangalan? Tapos doon sa pinaka tuktok na tower doon ka magsasampay ng labahin, yung kwerto natin doon sa malaki tapos madilim... para laging fun night!" natawa kaming dalawa "Tapos yung ibang room naman diyan para yan lahat sa mga anak natin..."

"Eh mukhang madami yung room niyan eh!" tinuro niya din yung castle

"Problema ba yun, edi gagawa tayo ng madaming BABY BEAR!" natawa kami

"Sa tingin ko mas cute yan kapag color pink or purple lahat! Tapos gusto ko may glitters tiyaka kumikislap na ilaw para mas okay!" biro niya

"Eh wag mo na pinturahan para astig!" sigaw ko

"Paano naman natin ililipat sa Pilipinas yan eh ang laki laki!" tanong niya

"Mag-uutos ako ng mga... three hundred na malalaking dragons para buhatin yung TEDDY BEAR KINGDOM natin tapos ililipat sa Pilipinas!"

"BOYFRIEND FOR RENT book2"-Our Own Version [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon