CHAPTER 19: magnanakaw

34 3 0
                                    

CHANNELLE'S POV

Hindi ako makapag focus sa ginagawa namin dito sa office kakaisip kay Joven...

"Uy! Okay ka lang?" tinapik ako ni Micha

Napatingin ako sa kanila at huminga ng malalim "Si... Joven kasi eh... he's been acting weird lately... parang may nag-iba mula nung..." inalog ko yung ulo ko "Never mind!"

"Alam mo..." binaba ni Goerge yung files "May na fe-feel ako mga sistah eh, kasi diba... iba ang feeling kapag yung kapwa mo babae may problem?"

Nasusuka si Danielle "Babae ka?!"

Nanlisik yung mata ni Goerge "Hoy! Hindi porket ang lakas mo maka disney princess kay fafa Vonz, ina-alipin mo na ako!"

Tumawa kami...

"Pwede ka na magpahinga Best... kaunti na lang naman ang aayusin at yung photoshoot niyo ni Benj and story, pwede na tayo mag launch and publish" sabi ni Danielle

TING!

"Eh ganun naman pala eh, halika samahan niyo 'ko puntahan natin si JOVEN!" tumayo ako at binuhat yung bag ko

"Uy!"

sumunod sila...

"Hindi ka nga sure kung nasaan siya eh!" singit ni Micha

"Hindi, nag-paalam siya sa akin at sabi niya may practice siya ng basketball!" lumabas kami ng company at sumakay kami sa kotse ko

Tinawagan ko yung kaibigan ni Joven...

"Hello?"

(Oh, Channelle napatawag ka?)

"Nandiyan pa ba sa practice niyo si Joven?"

(Practice? Uhmm... wala naman kami practice ngayon eh!)

"AY! *CLAP* Alam ko yung mga ganitong eksena bakla eh! Naku NO OTHER BATMAN!" nagwala si Goerge

Pinalupot nina Danielle si Goerge at tinakpan yung bibig...

"Ahh... ganun ba, eh s-saan daw siya pumunta?" kinabahan ako bigla

(Hmmm... ang pagkakaalam ko sa mall, akala ko nga kasama ka eh! Baka gugulatin ka ni Joven?!)

"Sige, salamat. Pasensya na sa abala ha?"

Binaba ko yung telepono...

"Oh, saan daw?" tanong ni Danielle

"Pupunta tayo sa mall..." sabi ko

***

Pagdating namin sa mall... nilibot  namin ang buong paligid at hinanap si Joven pero hindi namin siya nakita...

"Channelle wala na talaga eh!" hingal na hingal na sinabi ni Micha

"Baka naman gugulatin ka talaga ni Joven?" sunod ni Danielle

Lumapit din si Goerge "Sistah, wala talaga... kahit sa restroom ng boys hinanap ko pero iba ang nakita ko!" kinilig siya

Baka naman wala talaga?

Baka kutob ko lang ang lahat?

At baka nga may surprise sa akin si Joven Baby my labs ko?

-3-

"Sige na nga, uwi na tayo!" umikot kami at naglakad...

O__O

Napatigil kami lahat at nagulat sa nakita namin...

Si Joven na lumabas ng arcade at may kasamang babae na akbay niya habang may stuff toys at mukha silang masaya...

Napatago agad kami sa gilid...

"BOYFRIEND FOR RENT book2"-Our Own Version [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon