CHANNELLE'S POV
Nakahiga ako sa kama habang umiiyak...
*SNIFF**SNIFF*
Teka, bakit ba 'ko umiiyak ng ganito?!
Pinunasan ko yung luha ko "Hindi ko naman alam na ganito na pala kita nasaktan eh..." napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Bennie Bear na nakatalikod sa akin
"Pati ba naman ikaw galit?" tanong ko kay Bennie Bear "Eeeeh! Nakakainis naman eh, bakit ba hindi kita pinaniwalaan dati?"
Hindi pa din humaharap si Bennie Bear...
=.=
Narinig ko yung pinto na nagbukas...
"Hindi sasagot yan sa problema mo..." napatingin ako kay Mommy "Pero ang mommy mo makikinig at sasagot sa'yo" pumasok siya at tumabi sa kama ko habang nakangiti...
Napaupo ako...
"What's wrong? Si Joven ba?" inayos ni mommy yung buhok ko
Umiling ako "S-si Benj po..."
Nanlaki yung mata niya "Si Benj, Ano nangyari?"
Pinunasan ko yung luha ko at napayakap sa unan "N-nasaktan ko pala siya ng sobra... tapos hindi ko man lang alam kasi nagpapakasaya ako dito" tumulo nanaman yung luha ko "Ganun ba 'ko kasamang tao mommy? Masaya ako kahit ako yung dahilan kung bakit nasasaktan yung isa..."
She hushed me "Minsan talaga yung taong pinaka mahal mo ang makakasakit sa'yo ng sobra... but you can fix it, kaya mo pa maayos ang lahat ng sakit na nabigay mo..."
Napatingin ako kay mommy "Paano po?"
Tinignan niya din ako "By saying sorry..."
"Eh ilang beses na po ako humingi ng sorry mukhang hindi naman po tumatalab!" sigaw ko "Pinaglololoko niyo ko mommy eh"
She just smile "Ang sorry kasi hindi lang sinasabi yan... pinaparamdam yan at ipinapakita na talagang sorry ka sa ginawa mo..."
Napa-isip ako....
Alam mo, tama si mommy... kailangan ko mag-sorry ng sincere kay Benj...
Tumayo ako at pumunta ng banyo para maligo at magbihis...
Pagbaba ko, nakita ko si Mommy na nakatingin sa akin... pinuntahan ko siya at niyakap ng mahigpit sabay alis...
Selfish na kung selfish pero hindi ko lang talaga kaya mawala si Benjamin ulit... hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ko siya kalimutan ako...
Sumakay ako sa kotse at nag drive...
Bigla na lang nag ring yung phone ko...
Tumatawag si Joven...
"Hello?"
(Are you okay? Sabi kahapon ka pa hindi pumapasok, may sakit ka ba baby?)
"Ah... wala, I just need to fix something tungkol kay... tungkol kay Benj"
(Siya na naman?! Pfft! Ano ba meron sa kaniya, do you love him?!)
Natahimik ako ng sandali...
"It's not just about me, kailangan ko din siya sa trabaho... please, kailangan ko lang ng understanding mo"
(Then choose... me, or your stupid work and Benjamin?!)
"What? Joven ano ba pinagsasasabi mo?!"
(Choose...)
"Joven wag mo naman gawin 'to, wag mo naman ako papiliin!"
Bigla niya na lang binaba yung tawag...
BINABASA MO ANG
"BOYFRIEND FOR RENT book2"-Our Own Version [SLOW UPDATE]
RomanceAlam niyo yung pakiramdam na masaya ka na sa buhay mo pero pilit na bumabalik yung gusto mong kalimutan? Halina't subaybayan ang pagpapatuloy ng istorya ni Channelle at Benjamin sa bago nilang mga buhay!