DANIELLE'S POV
It's our day off!
Worried na talaga ako sa Boyfriend For Rent Magazine namin kasi ilang weeks na lang ang natitira oh...
Pero hindi ko naman masisisi si Channelle eh... she's in so much pain right now... buti na lang at nandiyan si Benjamin para damayan siya...
"Oy! Bakit ganyan ang mukha mo?!" kinuskos ni Vonz yung dirty hands niya sa artistahin kong mukha "Ang pangit mo na nga ganyan pa itsura mo!"
>>__<<
pinaghahampas ko yung braso at kamay niya!
PAK! PAK! BOOOM! POW! WOOOSH!
"Ano ba, ilayo mo nga yang kamay mo sa mukha kO!" sigaw ko "Seryoso na nga yung syota mong maganda diba?!"
Napanganga siya na abot lupa "GANDA?!" nanlaki yung mata niya "Saan banda? Ituro mo nga!"
Bumunot ako ng damo at binuhos sa mukha niya!
Nandito nga pala kami sa Tagaytay para mag-relax, and enjoy!
Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno habang tanaw ang Taal volcano...
"Bakit ka nga seryoso?" tanong niya
Napakamot ako sa ulo "Eh kasi naman... napaka lungkot ng pinagdadaanan ng kaibigan ko kaya pati ako nalulungkot..." nag pout ako at tinignan ko siya "Patawanin mo nga ako Vonz!"
Nag belat siya "ANO KA CHIX?!" pak "ARAY KO NAMAN!"
"Eh kasi patawanin mo nga ako eh, hindi ka nakikinig! Patawanin mo na ako bilisan mo!" tinulak ko siya at hinigit yung damit niya ng pabalik balik
"Oh sige na nga sige na!" umupo siya ng diretso "Ano ang hayop n--"
"ANG CORNY NG JOKE! Promise, sumayaw ka na lang para maaliw ako!" tinulak ko siya pataas...
"Eh hindi mo pa nga naririnig yung best punchline ko eh!" tumayo siya habang napakamot sa ulo
Nag cross arms ako "PASASAYAHIN MO KO or ikaw ang magiging MALUNGKOT kapag nag-break tayo!"
Sumayaw siya na parang baliw na sira ulo at may kiti kiti sa pwet "OH ETO NANGA OH! SUMASAYAW NA!"
PPPPPPPFFFFFFFT! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"Ang pangit mo sumayaw! Mukha kang uod na binuhusan ng rock salt!" sigaw ko habang tumatawa
"Yehey tumawa na siya!" tumigil siya
"HINDI PA!" sigaw ko "Practice lang yun... ISA PA BILIS!" naging seryoso yung mukha ko
Pinigilan ko ulit yung tawa ko pero seryoso ang pangit niya diyan!
HAHAHAHAHAHAHA!
"AYAW KO NA ANG PANGIT EH!" napakamot siya sa ulo niya
Binato ko siya ng sapatos "Hindi pa nga ako tumatawa oh!" tinuro ko yung mukha ko "Sige na, sayaw pa!"
>>.<<
PPPFFFT! WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! ^^____^^
Mahal na mahal ko talaga itong uto-uto na 'to!
BENJAMIN'S POV
*TIKTOCK!TICKTOCK!TICKTOCK!
Nakahiga lang ako sa tabi ni Channelle...
*TIKTOCK!TICKTOCK!TICKTOCK!
Napakatahimik sa loob ng kwarto niya... Nakapatong yung ulo niya sa dibdib ko at hindi umiimik...
Tinignan ko siya na nakapikit at mukhang malungkot...
Ibang iba sa Channelle na nakikita ko na masayahin... yung Channelle na may Teddy Bear smile palagi...
Narinig ko yung paghinga niya...
Dahan dahan kong inalis yung ulo niya sa dibdib ko at ipinatong sa unan... umupo ako sa kama para tumayo at umalis nang bigla niya ako hinawakan sa braso...
"Please don't leave me..." bulong niya
Napatingin ako sa matamlay niyang mukha at ngumiti... "We promised remember?"
Humiga ulit ako at niyakap siya...
"Bakit ba sobrang sakit nito?" tumulo yung luha niya
Pinunasan ko ito at inayos ang buhok niya "Hindi ko din alam eh... kung pwede ko nga lang ilipat yan sakin matagal ko na ginawa eh"
Paano ko ba pasasayahin ang taong sobrang wasak na?
"Why do you still love me?" tanong niya "Kahit hindi kita minamahal pabalik at kahit sinaktan na kita?"
"It's because I choose to love you, kahit nasasaktan ako... kasi hindi ko din maisip ang buhay ko kapag wala ka..." I smiled "Gusto mo ipagluto kita?"
"No..." mahina niya na sinagot "wala akong gana..."
Napatingin ako sa kisame...
"Will you sing for me?" pakiusap niya
Napabugtong hininga ako at nag-isip ng kanta...
"Patatawanin kita,
Pag hndi ka masaya,
Bubuhatin kita pag may rayuma ka na,
Oh kay sarap isipin... kasama kang tumanda..."
Tinignan ko siya na nakatulog...
I will bring back your smile Channelle...
Hinalikan ko siya sa noo at pumikit kasama si Bennie Bear...
BINABASA MO ANG
"BOYFRIEND FOR RENT book2"-Our Own Version [SLOW UPDATE]
RomanceAlam niyo yung pakiramdam na masaya ka na sa buhay mo pero pilit na bumabalik yung gusto mong kalimutan? Halina't subaybayan ang pagpapatuloy ng istorya ni Channelle at Benjamin sa bago nilang mga buhay!