CHAPTER 10: the deal

40 4 0
                                    

Umaga na pero nakahiga pa din ako sa kama at nakatingin sa kisame, siguro na-miss ko lang ang kama ko...

"Do you really love me?"

Haist, ano nanaman ba naiisip mo Channelle?!

"Then I want you to quit your job as Benjamin's Personal Assistant and go back to your parents company."

Pero paano si Benj? Sino ang magiging P.A niya?

Wait, bakit ba nag-aalala ako kay Benjamin ngayon?

Napa-upo ako at napatingin kay Bennie Bear na nakadamit na bago...

kinuha ko siya at tinignan sa mata "Ikaw, kasalanan mo 'to eh! Kung hindi ka sumulpot ulit na parang kabute sa buhay ko edi sana hindi nanaman ako maguguluhan!"

Walang reaksyon si Bennie Bear...

"Alam mo dapat sumasang-ayon ako sa gusto ni Joven eh, kasi siya naman yung boyfriend ko..." sinakal ko si Bennie Bear "Pero bakit ba kasi palagi ka na lang umeeksana ha? Sagutin mo 'ko! Tapos ikaw pa ang nagpapagising sa drummer boy na nag-iingay ng kakaibang beat sa puso ko! >.<" gigil na gigil ko sinabi

Nahiga ulit ako at inangat si Bennie Bear...

"Wala naman ako gusto sa'yo diba? Kahit isang beses wala naman diba?" tanong ko

Nang bigla ko siyang nabitawan at nahulug kaya natamaan yung ilong ko!

"ARAY KO BAKIT MO GINAWA YUN?!" napahawak ako sa ilong ko at naiiyak s sobrang sakit...

Bwisit na Bennie Bear hindi nakakatulong!

Bumaba ako at nakita ko sina mommy at daddy na nagbe-breakfast sa dining table...

"Good morning!" bati ko sa kanila at hinalikan sa cheeks tapos umupo na din at kumain

"So kamusta na ba yung bago mong trabaho sa Paris?" tanong ni Daddy

Napalunok ako at napahigop ng hot choco...

"Wel... it turns out na naging P.A ako ng isang artista..." sagot ko

Napa-ubo silang dalawa "WHAT?!"

Syempre naman, kung ako din sila malamang ganiyan din ang reaction ko... akalain niyo isa sa pinaka-sikat na company tapos ang dami pa namin business and stuff tapos yung anak mo nauwi lang sa pagiging personal assistant! Saya diba?

Inayos ni mommy yung boses niya "Well... since naging P.A ka lang, wich is not a bad thing hija, but... yung isa namin company is kinda losing at kailangan ka namin doon dahil para saamin mas may talino ka pa para maging P.A"

"At tiyaka natatandaan mo naman kung paano magpatakbo diba? Dapat lang kasi buong college mo tinuruan ata kita!" kumain si Daddy "Our magazine company is losing... specifically yung magazines for teenage girls that we called "Teenz Club" magazine... bigla na lang bumaba yung sales and, unfortunately ipa shut down na lang namin yung company na yun..."

O__O

The Teez Club Magazine?! Shut down?! NO!

HINDI PWEDE!

I spend my entire teenage life reading that magazine at kahit hanggang ngayon na 21 na ako I still feel young and nakakakuha din ako ng mga tips dahil sa magazine namin!

"Hindi siya pwede mag shut down!" napatigil ako sa pagkain "I mean, what are teenage girls like this generation?! Hindi na ba sila maka-appreciate ng all good and fab magz?!"

Napangiti si Daddy "That's so nice to hear it from you hija ...Wait, sino ba muna yung artista na ginagawa kang alalay para makapag quit ka na agad?"

&quot;BOYFRIEND FOR RENT book2&quot;-Our Own Version [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon