[a/n: Magbasa basa at magcomment comment at magvote vote at magshare share nga kayo ng istorya na ito! Hi to all my friends na nagbabasa nito!]
CHANNELLE'S POV
AGH!
>>>_____<<<
ANG INIT NG ULO KO NGAYON!
BAKIT NGAYON KO LANG NAISIP 'TO!
MALI MALI MALI!
Nagpabalik balik ako sa office...
"Ma'm, nandyan na po sila" sabi nung secretary ko
"Okay, tell them we will start in five minutes" lumabas ako ng office at pumunta sa meeting room, nandun lahat ng mga members ko...
Binuksan ko yung curtain ng malaking bintana sa room "What do you see?"
"Uhm... buildings po!" sigaw ni Goerge
"Sky?" singit ni Micha
"Tanga! Yung billboard nina Benj at Shaina!" sigaw ni Danielle
"Yes! Exactly!" nilabas ko yung box at pinapasa sa kanila "Lahat ng laman ng box na yan ay puro SHAINJAMIN! Mapa, pelikula, diyaryo at nag cover na din sila ng iba't ibang magazines!"
"This means?" tanong nung isa
"This means luma pa din yung magazine natin!" hinagis ko yung magazine
"Nagtatanong lang po... wag po magalit..." sabi nung nagtanong
Nagpabalik balik ako sa harapan "Kung ito pa din ang gagawin natin edi malamang, BAGSAK na talaga tayo! Hindi niyo ba nakikita? Sawang sawa na yung ibang tao sa SHAINJAMIN! We need to start from scratch and create something fresh! New at yung mahuhumalik yung mga teenagers na magbasa at bumili ng magazines natin!"
"But we only have three weeks before the launch and present it to the board!" singit ni Micha
"We still have three weeks, tama pa yung time na 'yun... we have the best publishers kaya mabilis lang ipublish... all we need is another idea... walang uuwi ngayon hanggang wala tayong naiisip okay?!" lumabas ako ng room to get some air
Nang bigla ko nakita si Benj na palapit sa akin...
"Here" binigay niya yung dalawang nakatiklop na papel
"What's this?" tanong ko
"Resignation, yung isa napirmahan ko na at yung isa pirmahan mo na lang para sa amin ni Shaina" umalis na siya
Well I don't need them anyway...
silence....
AGH! HINABOL KO SIYA...
"Benj!" sigaw ko "Benj may problema ba?" hindi siya sumasagot "If this is about sa double date the other night, wala lang yun... kalimutan mo na yun..."
Nagpindot siya ng lahat ng elevators pero ang tagal bumukas kaya pumunta siya sa stairs...
Hinabol ko pa din siya "Benjamin!" hinawakan ko siya sa braso at hinila paharap "Ano ba problema mo?! Hindi ka naman ganyan dati ah!"
"Oo! Hindi ako ganito dati, alam ko!" sigaw niya "At ikaw ang dapat sisihin kung bakit nag-iba ang ugali ko!"
Napatingin ako sa kaniya...
"Bakit ba ako na lang palagi sinisisi mo huh? Kung makapagsalita ka akala mo wala kang kasalanan ah!" napahinga ako ng malalim "Akala mo ba hindi ko alam na binabayaran ka ni daddy dati just so ma-inlove ako sayo?! Eh p*tcha naman Benjamin, pakiramdam ko niloko mo ko nun! Pakiramdam ko pinaglaruan lang ang damdamin ko!"
"Pinaglaruan ko ang damdamin mo?" lumapit siya "Pinaglaruan ko?! Ilang bese ko sinabi sa'yo na mahal kita Channelle! Ilang beses ako nagmaka-awa na totoo yung sinasabi ko, na bigyan mo 'ko ng chance pero ni-isang beses HINDI KA NAKINIG!"
Biglang tumulo yung tubig sa mga mata ko...
"Pakiramdam mo pina-asa ka ni Joven?!" pinipigilan niya yung iyak niya "Eh hindi lang naman siya nagpaasa eh... pati ako umasa at nasaktan ng DAHIL SA'YO!"
Hindi na niya napigilan ang luha niya...
"Pero wag mo sabihin na parehas lang tayo ng naramdaman dahil sobrang sakit ng naramdaman ko sa'yo..." Sabi niya between sobs "When you left me, I almost died... Channelle, nung sabihan ka ng mga masasakit na salita mula sa taong mahal mo, yung umasa ka na kahit sandali lang makita kita sa airport at pigilan ako, kasi akala ko mahal mo din ako... hindi mo alam yung ganun na pakiramdam!"
Bigla akong humagulgol sa iyak "Sorry.. sorry Benjamin..."
"No, don't say sorry... dahil kasalanan ko na araw araw magigising ako at mararamdaman ang sakit na ginawa mo... na ang mas masakit ay alam mo na masaya siya sa piling ng iba habang halos mamatay ako sa sakit..." pinunasan niya yung luha niya "Kasi kasalanan ko naman talaga eh... kasalanan ko na mahalin ka, eh una pa lang alam ko na bawal na... kasalanan ko na masaktan ako, at kasalanan ko na hanggang ngayon nasasaktan pa din ako kapag nkikita kayo kasi MAHAL PA DIN KITA!"
Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya...
Hindi ko alam na ganito pala katindi ang pinagdaanan niya... hindi ko alam na ganito niya pala ako kamahal at ang tanga ko na hindi maniwala sa kaniya dati...
"Kaya..." huminga siya ng malalim "kaya tama na... ayoko na makita ka, gusto ko na mawala ang nararamdaman ko sa'yo..." lumapit siya at hinawakan yung mukha ko "Gusto na kita kalimutan..."
Patuloy ang pag-iyak ko...
Pinunasan niya yung luha ko "Napapagod na 'ko mahalin ka..." nilapit niya yung mukha niya "Napapagod na ko masaktan..."
Tumayo lahat ng balahibo ko...
Gusto ko sabihin na wag niya ko iwan pero hindi ko magawa...
I just closed my eyes...
at naramdaman ko na hinalikan niya ako sa noo...
"I'm sorry..." bulong ko
Peo wala na siya nung minulat ko yung mga mata ko...
Pinunasan ko yung mga luha ko at bumalik sa meeting room...
"Best okay ka lang ba?" tanong ni Danielle
I just nodded...
"Rest ka lang diyan at may naisip na ang power taft gurls!" pina-upo ako ni Goerge
"Okay! So since this is a teenage girls magazine!" sabi ni Michaela "We had come uo an idea na pwedeng palitan ng pangaln ng magazine!"
"And that name is..." sabi ni Danielle
"Boyfriend for rent!" sabay sabay nilang sinabi
NAALALA KO BIGLA YUNG MGA PINAGDAANAN NAMIN NI BENJ...
"Eh kasi naman, madaming girls ang single at naghahanap ng love, at yung iba naghahanap ng advice, qoutes at kanta with slam books pa and all the girlie stuff!" paliwanag ni Danielle
"So this magazine has it all! bawat pages may little bit of everything! at hindi natin sasayangin yung bayad sa photoshoot kasi nandito na din sila! Pero hindi nga lang SHAINJAMIN ang main story!" sabi ni Goerge
"May isa tayong part dito kung saan may short but cute love story that teens will surely enjoy! And since boyfriend for rent ang bago at fresh na name ng magazine... yun yung unang title ng story natin na base sa story ni Channelle" paliwanag ni Micha
"We just need some photos at story ng both side niyo ni Benj kasi kailangan eh!" sabi ni Danielle
"We like it!" sigaw nung iba
Napangiti ako ng pilit "So... let's do it! Let's make the boyfriend for rent magazine!"
"But, we need Benj pa... kasi siya ang cover at yung story niyo pa... okay na naman kayoo diba?" tanong ni Goerge
*SIGH*
I DO NOT KNOW....
BINABASA MO ANG
"BOYFRIEND FOR RENT book2"-Our Own Version [SLOW UPDATE]
RomanceAlam niyo yung pakiramdam na masaya ka na sa buhay mo pero pilit na bumabalik yung gusto mong kalimutan? Halina't subaybayan ang pagpapatuloy ng istorya ni Channelle at Benjamin sa bago nilang mga buhay!