CHAPTER 22: throwback

30 3 0
                                    

CHANNELLE'S POV

Nakadapa lang ako sa kama ko at walang ginagawa....

(_ _) zzzZZ

KRRRRIIIIIIK!!!

Nabukas yung pinto ng sobrang lakas!

"HOY! CHANNELLE MANUBAG!" sigaw ni Danielle

"Ilang araw ka na diyan nagmumukmok sa kama mo ah!" nakapamewang si Michaela

"NAKAKALOKA! Two weeks na lang deadline na natin sistah tapos nagvi-vilma santos ka pa diyan!" bungangerang Goerge

Hinila nila ako patayo sa kama ko...

"Tumayo ka na at maligo! Kailangan natin mag photo shoot ngayon bilis!" sigaw ni Micha

"Na-send mo nanaman yung story niyo eh... photo shoot na lang, publish, tapos launch and let's see kung tataas yung ratings!" sunod ni Danielle

"Kuskos ng maigi ha? Ayos na din yung mga location, isang bonggang make-over na lang ang kailangan niyo!" tinulak nila ako papasok ng banyo

Pagkatapos ko maligo at magbihis... kinaladkad ako ng mga alang kwenta na mga kaibigan ko sa kotse!

-___-

***

Pagkadating namin sa first location... nagulat ako sa nakita ko...

O__O

Yung lumang bahay nina Benj...

"CHENENE!" sigaw nung pamilya ni Benj na nakasuot na mga damit nila dati....

Oh my!

Naaalala ko ulit yung mga memories...

"Nakakamiss din yung ganitong buhay ah!" sigaw nung nanay ni Benj

"Kailangan ba talaga may saklay ako dito?" napakamot sa ulo yung kuya niya

"Sira ka ano ka ba, naaksidente ka nng mga panahon na yan noh!" singit nung ate "Kawawa nga yung mag-ama ko hindi kasama sa picture! Hindi makikita ang face nila sa buong Pilipinas!"

"Hay naku magsitigil na nga kayo!" sigaw nung tatay "Nasaan na ba si Benjo?"

"Nandito na ko pamilyang SANTOS!" 

Napalingon ako kay Benj na nakasuot ng dati niyang maluluwag na damit... dati niyang buhok... basta, bumalik yung dating Benj na nakita ko nung una...

"WAAAAH! PAMILYANG YAKAP!" nag group hug sila habang nagtatawanan at tumatalon talon

"OKie! Everybodey! Listen, carefully sa mga sinasabi ko, ibang photos lang ang napili naming ishoshoot na galing sa kwento nila kasi hindi naman pwede bawat detalye may picture diba? So let's start kung saan lahat ito nagsimula!" sigaw ni Goerge

Umupo na ako sa tent habang nagpipictorial sila...

Tumingin ako kay Micha "Ibig sabihin ba niyan kasama si--"

"No! Kukuha na lang kami ng pictures niyo ni Joven at picture namin dalawa dati tapos yun na lang siguro yung gagamitin" sagot ni Micha

Napahinga ako ng maluwag...

"Bakit hindi na lang ganun yung gawin natin sa lahat?" tanong ko

"Gaga! Ano sa tingin mo yung magazine natin SCRAP BOOK?!" sigaw ni Danielle

Hindi na lang ako umimik, wala ako sa mood makipaglokohan eh...

Pagkatapos nila mag shoot, biglang nagsilapitan yung mga tao at sa loob ng bahay...

"BOYFRIEND FOR RENT book2"-Our Own Version [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon