“KUYA, ang dami naman yata ng binili mong apples. Sigurado mahal mga ‘to. Di ba May pa lang? Hindi pa panahon ng apples.”
Hindi pinansin ni Xaniel ang komento ni Ayeth. Pinili niya ang pinakamagaganda sa sampung mansanas na binili niya sa supermarket. Siya na mismo ang nagbalot ng mga napili niya sa cellophane sheets na kulay pula. Tinalian niya iyon ng puting ribbon.
“Ah, pangregalo pala.” Naging mapanukso ang hilatsa ng mukha ng kapatid niya. “Kanino mo ba ireregalo ‘yan, Kuya. Kay Ate Roma ba?”
“Huwag ka ngang madaming tanong d’yan.”
“Huu, si Kuya, ayaw pang umamin. Halata namang kay Ate Roma mo ‘yan ibibigay, eh.” Lumigid pa ito sa mesa para mapaharap sa kanya. “Alam mo, Kuya, bet ko din siya for you. Kaya galingan mo pagligaw, ha? Kailangan mapasagot mo siya. Pero confident naman ako na mapapasagot mo siya. Sinong chick ba ang nakatanggi sa kuya kong gorgeous na, hottie pa? Well, aside from Ate Nollet wala na, di ba?”
Napasulyap siya sa kapatid. Parang hinaplos ang puso niya sa excitement at tuwa na nasa mga mata nito. Gusto na talaga nitong magka-girlfriend siya uli. Ito ang unang nanghinayang nang mag-break sila ni Libby. “’Palagay mo hindi ako mababasted ni Roma?”
“Oo naman, Kuya. One hundred and one percent sure.” Pinagdaop nito ang mga kamay at kinikilig na ikinalang sa baba ang likod ng palad.
Inayos niya ang suot na damit. Inamoy pa ang sarili bago siya umakyat sa second floor. Naramdaman niyang sumunod ang kapatid. “Oy, teka, bakit ka nakabuntot?”
“Promise, hindi ako eepal sa moment n’yo ni Ate Roma. Doon lang ako sa landing ng hagdan, Kuya. Tatanawin ko lang kayo,” ngingisi-ngisi nitong sabi.
“Sabi mo nga moment namin ‘to. Huwag ka nang sumunod. Baka mausog pa.”
“Sisilip lang ako. Hindi ako magpapakita. Promise, hindi ako papahalata.”
Alam ni Xaniel na hindi uubra ang pagbabawal niya sa kakulitan ng kapatid kaya hinayaan na lang niya. Pagtapat sa pinto ng silid ni Roma ay sumagap muna siya at nagbuga ng hangin. Nabuhayan siya ng loob nang makitang nakangiti ito nang pagbuksan siya. “Good evening, Roma.”
“Ikaw pala, Xaniel. Magandang gabi din sa ‘yo. May kailangan ka?”
“Ahm, gusto ko lang ibigay ‘to sa iyo.” Iniabot niya rito ang naka-wrap na mansanas.
Nabura ang pagkakangiti ni Roma. “A-apples?”
“Oo.”
Hindi nito kinuha ang iniaabot niya. “Salamat, Xaniel. Pero pasensiya ka na, hindi ko tatanggapin ‘yan. Hindi ako kumakain ng apples.”
Laglag ang panga niya. Unang pagtatangka niya ng pagpapaalam na liligawan si Roma ay palpak na kaagad. Malay ba niya na may tao palang hindi gusto ang mansanas.
“Bakit kasi fruits ang ibibigay mo para lang ipa-feel sa kanya na liligawan mo siya? Dapat roses and chocolates,” sabi tuloy ni Ayeth pagbaba niya. “Walang girl na makaka-resist sa isang suitor na nagbibigay ng roses at imported chocolates.”
“’Dami mong alam. Siguro nagpapaligaw ka na, ‘no?”
“Oo naman, Kuya. Welcome sila na ligawan ako. Pero faithful ako sa promise ko sa iyo na hindi ako makikipag-commit hangga’t hindi ako natatapos ng pag-aaral.”
“Huu, baka meron na pero tinatago mo lang sa akin.”
“Kelan ba ako nagtago ng sikreto sa ‘yo?”
“Huwag kang magsalita ng tapos. There’s always a first time.”
“Kuya, hindi ko gagawin ‘yon. Parang hindi mo ‘ko kilala. Kung ‘yong ngang pagsakay ko sa kotse ni Yedda na nahuli kami ng pulis for overspeeding sinabi ko sa ‘yo, eh. Saka ‘yong no’ng kinupit ko ang sobra sa binigay mong pang-tuition ko, sinabi ko din sa ‘yo. Basta, Kuya, pag dumating ako do’n sa point na na-in love ako nang sobra at na-break ko ang rule mo na “no-boyfriend-until-I-finish-college,” sasabihin ko pa din sa ‘yo. Why? Kasi alam ko naman na labs mo ‘ko at hindi mo ‘ko magagawa na patayin.” Nakangisi ito, halata na sobrang confident.
“Pero puwede kitang parusahan,” hindi ngumingiting sagot niya.
Nawala ang ngisi ng kapatid niya.
Nang sumunod na gabi, bitbit na niya ang isang bouquet ng red roses at isang malaking bar ng Toblerone. Umaapaw ang confidence na kinatok niya ang kuwarto ni Roma. Pero iilang segundo pa lang siyang nakatayo sa harap nito matapos siyang pagbuksan ng pinto ay bumagsak na iyon.
“Xaniel, pasensiya ka na. Hindi na ako kumakain ng chocolates at ayaw ko ding nakakakita ng roses.”
Hindi makapaniwala si Xaniel. Semplang na naman siya. Two in a row. Sobra-sobrang disappointment ang naramdaman niya.PAGBUKAS pa lang ng hotel room na tutuluyan nila ay napansin kaagad ni Lani ang mga nakakalat na rose petals sa sahig. Ang karamihan noon ay nakita niyang nakasaboy sa ibabaw ng king-sized bed. Sa isang panig ng bedside table ay may isang plato ng malalapad na imported chocolates. Iyon ang kanilang first night ni Valtus pero kahapon pa sila ikinasal. Hindi muna sila nagsiping. Sa labis na kapaguran sa wedding preparations, sa seremonya ng kasal at sa reception ay natulog lang sila ni Valtus. Ito, sa rented cottage sa beach resort at siya, sa kuwarto ng mama niya. Kinaumagahan kanina ay lumipad na silang mag-asawa sa Cagayan de Oro.
Napasinghap siya nang pangkuin siya ni Valtus. Lumapad ang ngiti niya nang makita ang paghanga sa mga mata nito habang nakatitig sa kaya.
“You’re happy. I could see it in your eyes…” anas nito na ikiniskis pa ang ilong sa tuktok ng ilong niya.
“Sobra, Valtus. You made me so very happy.”
“Oh, no, babe, hindi pa ito ‘yon. I have yet to make you so very happy.” Nangangako ang misteryosong mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Tumikim at dumampi ang mga labi nito sa kanyang bibig, marahang-marahan. Napasunod siya nang mag-angat ito ng ulo.
“Kiss me more,” sabik na pakiusap niya.
Dinampi-dampian nito ng halik ang mga labi niya. Habang nagtatagal ay dumidiin ang mga halik nito ngunit kaagad ding nag-aangat ng ulo. Nang hindi na siya makatagal sa pananabik ay ibinuka niya ang mga labi at ikinapit sa batok nito ang kanyang mga kamay. She wanted to give him greater access.
Saka pa lang lumalim ang halik. He then kissed her without reservation. Matagal. Puno ng suyo. Para siyang idinuduyan sa kaligayahan nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi. “You’re so lovely, babe…” bulong ni Valtus sa kanyang tainga na naghatid ng libo-libong kilabot sa kanyang balat. “And you are mine now…”
Isang masuyong halik pa ang ibinigay ni Valtus bago siya nito inihiga sa ibabaw ng kama. Dumako kaagad ang mga kamay nito sa butones ng suot niyang blouse at isa-isang kinalag iyon sa ohales. “Let me look at my wife…” sabi nito nang lumitaw ang kanyang bra at takpan niya ng mga kamay ang sarili.
Napakaliwanag ng silid at ngayon siya nakakaramdam ng hiya sa asawa. “Patayin mo muna ang ilaw.”
“But how can I see you with the lights closed?” he said in a teasing tone. “And I want to look at my lovely wife. I want to see your eyes when I make love to you…”
Nag-alsahan ang mga balahibo ni Lani sa katawan. Lalo na siyang nahiya nang kalagin nito ang hook ng kanyang bra at walang kahirap-hirap na ihiwalay iyon ni Valtus sa katawan niya.
Kitang-kita niya ang kislap ng pananabik sa mga mata ng asawa lalo na nang matanggal nitong lahat ng takip sa kanyang katawan.
Napapikit na lang si Lani. Napupuno na siya ng antisipasyon. Nararamdaman niya ang mainit na pagguhit ng pagnanasa sa kanyang gulugod patungo sa lahat na yata ng parte ng katawan niya. Pero bigla siyang napadilat nang may maramdamang maliliit na bagay na bumagsak sa kanyang katawan. Hinuhulugan ni Valtus ng pira-pirasong chocolate ang kanyang leeg, ang gitna ng kanyang dibdib, ang kanyang pusod at ang nipples niya.
Napasinghap siya nang bumaba ang mukha nito sa kanyang pusod at maramdaman na humagod ang dila nito roon. Napapikit na naman siya. Libo-libong sensasyon na ang umalipin kay Lani ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung saan susuling. Her nerve endings were so sensitized. Ang init-init ng pakiramdam niya kahit malamig ang buga ng aircon. Hindi siya tinigilan ni Valtus hangga’t hindi nito nauubos ang chocolate bits na ikinalat sa kanyang katawan.
Mayamaya ay naramdaman niyang pinaghiwalay nito ang kanyang mga hita. Pagdilat niya, pulang-pula ang mukha ni Valtus sa pagnanasa. Dilated ang mga mata nito. Parang ano mang sandali ay sasabog ito.
Sa isang kisap-mata ay napunta ito sa ibabaw niya. Biglang napahiyaw si Lani nang basta na lang siyang angkinin ni Valtus nang walang ano mang babala.
Magmula noon, gabi-gabi na siyang dinadalaw ng mga alaala at bangungot, mga bangungot na totoo at hindi, gising man siya o tulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/128631552-288-k349184.jpg)
BINABASA MO ANG
Alias (COMPLETED)
RomanceAbout a woman who needed to escape from the sex-starved man she loved with all her heart. (Submitted July 2017) Unedited Rated R-18