TATLONG buwan muna ang dumaan bago nagkalakas ng loob si Lani na bumalik sa Cagayan de Oro City. Tinawagan niya si Manong Susing. Ito ang sumundo sa kanya sa Laguindingan International Airport. Nagbilin siya sa lalaki na huwag munang ipaaalam kay Valtus na umuwi siya.
“Kumusta na po si Valtus, Manong Susing?” kausap niya sa driver habang papalabas sila ng paliparan.
“Hindi mabuti, Ma’am. Kay lagi siyang malungkot. Lagi nag-iisip. Hindi nagsasalita. Nag-alala kami ni Brieta ba kay tahimik man lang siya. Araw-araw man siya nasa terrace. Hinihintay ka. Minsan nga, naisip namin ng asawa ko, nabuang na ba yata yan si Sir Valtus, uy? Mabuti na lang matiyaga din ‘yan si Sir Fitch sa kanya. Sa kanya lang man nagsasalita si Sir Valtus.”
Naawa siya sa asawa. Pero kailangan niya ang mahabang panahon para maka-recover sa heartbreak niya kay Xaniel. Hindi rin naging madali sa kanya ang lahat.
Nagtaka si Lani kung bakit ibang daan ang tinutumbok ng kotseng sinasakyan. “Saan po tayo pupunta, Manong Susing?”
“Doon sa bago ninyong bahay ni Sir Valtus, Ma’am. Nabili lang din yata niya ‘yon sa asawa ng foreigner. Binibinta na ba niya ‘yang dati ninyo sa Grand Europa. Di ko lang alam kung nabinta na.”
Wala siyang alam sa mga nangyayari doon. Kasalanan din niya. Kumontak si Valtus sa kanya sa pamamagitan ni Robbie kinagabihan pagkaalis niya noon sa Cagayan de Oro. Pero pinagbilinan niya ang asawa na huwag munang makipag-communicate sa kanya. Iginalang ni Valtus ang disisyon niya.
Mas maliit kaysa dati ang bahay na tinapatan ng kotse. Pero nasa gated village. At napansin niya na may swimming pool sa gilid. Nakita agad ni Lani si Valtus na nakaupo sa pasamano at nakasandal sa poste ng terrace. Nakatingin ito sa kawalan. Parang piniga ang puso niya pagkakita sa hitsura nito at kung gaano ito kapayat.
“Ganyan ‘yan siya lagi, Ma’am. Parang sobrang laki ng problema.”
Hindi niya sinagot si Manong Susing. Bumaba siya agad sa kotse at nilapitan ito. “Valtus.”
Daig pa ni Valtus ang natuklaw ng ahas pagkakita sa kanya. Kinusot pa nito ang mga mata at tila hindi makapaniwala. “Bumalik ka…?”
“Bakit nagkaganyan ka?” Humpak ang mga pisngi nito at nanlalalim ang mga mata.
Nagkibit ito ng balikat.
Gusto niyang yakapin si Valtus dahil sa awa niya sa hitsura nito. Pero hindi ito kumilos sa pagkakasandal sa poste. “Kumusta ka na?”
Nagkibit lang uli ito ng balikat. “I’ve consulted a lawyer about the annulment. You can now file it anytime you want.”
Windang si Lani. Iyon ang pinakahuling statement na inaasahan niyang maririnig sa asawa pagkaraan ng huling namagitan sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/128631552-288-k349184.jpg)
BINABASA MO ANG
Alias (COMPLETED)
RomanceAbout a woman who needed to escape from the sex-starved man she loved with all her heart. (Submitted July 2017) Unedited Rated R-18