Provocation

7.7K 229 111
                                    


NAKATITIG lang si Lani sa hawak niyang cell phone. Naroon na sila ni Valtus sa Opulent Palm Beach Hotel and Resort na sakop ng Misamis Oriental. Limang minuto lang ang layo nito sa Cagayan de Oro City. Isang hotel room na may magandang view ng dagat ang nirentahan ni Valtus. Tinanong siya kanina nito kung natawagan na niya ang kanyang ina. Kung naipaalam na ba raw niya na naroon na uli siya sa Cagayan de Oro.
Hindi pa niya nasasabi sa mama niya. Hindi rin siya nag-text kay Robbie na nakabalik na siya sa poder ni Valtus. Si Ivony lang ang sinabihan niya sa text. Tinawagan siya nito agad. Nag-aalala raw ito sa kanya. Sinabi lang niya na okay na si Valtus. Na nagpagamot na ito at umasa na lang sila at magdasal na sana nga ay magaling na wala nang gawing masama sa kanya. Worried ang kaibigan sa kanya ngayong magkasama na uli sila ni Valtus. Nangako na lang siya kay Ivony na araw-araw na tatawag dito para ipaalam ang kalagayan niya.
Ayaw ni Lani na mag-alala ang mama niya. At ayaw din niyang ma-trace ng asawa ang kinaroroonan nito at ni Robbie. Pero kailangan niya ng kakampi. Kailangan niya ng masasandigan ngayon na napakagulo ng isip niya.
“You looked worried.”
Pagpihit ni Lani ay nasa likuran lang pala niya si Valtus. Nakaupo ito sa pasamano ng terrace. Naka-muscle shirt lang ito at board shorts. Napakaguwapo nito at kung titingnan ay katiwa-tiwala. Mula nang magkita sila uli, ni dulo ng daliri niya ay hindi ito nagtangka man lang na hawakan. Pinangangatawanan nito ang sinabi.
“Dinala kita dito para pumayapa ang isip mo. Alam ko, hanggang ngayon hindi pa din nawawala ang takot mo sa ‘kin. Pero Lani, ipanatag mo ang isip mo. Hinding-hindi na kita sasaktan. Maniwala ka sana sa akin.”
Hindi siya umimik. Kung ang magiging basihan lang niya ay ang sinseridad sa mga mata nito, maniniwala nga siya. Pero hindi pa nawawala sa isip niya ang mga nangyari sa nakaraan. Hindi pa niya kayang ibigay muli sa asawa ang tiwala.
“Halika, maglakad-lakad tayo sa tabing dagat. Makakatulong sa iyo ‘yon para ma-relax ka.”
Sumunod nga siya kay Valtus. 
“Have you ever heard of the saying, ‘Hurt people, hurt people?’” tanong ni Valtus nang naglalakad na sila sa basang buhangin.
Umiling siya. “Bakit mo naitanong?”
“Kadalasan, ‘yong mga tao na nakaranas ng pananakit ng ibang tao, nade-develop sa kanila ang aggression. ‘Yong mga bully, bago sila naging gano’n, na-bully din sila dati. At gusto nilang gumanti sa isang taong mahina, at maiparamdam dito na sila ang malakas at mas superior.”
“Ano ba ang punto mo? Bakit mo ‘to sinasabi sa akin?”
Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. “Gusto ko lang maunawaan mo kung bakit nagawa kitang abusuhin at saktan noon. I was twelve when I was raped by my sex addict step mother.”
Hindi nagawang magsalita ni Lani. Gulat na gulat siya.
“Hindi ko ito sinasabi sa iyo para kuhanin ang simpathy mo. Dahil mag-asawa pa rin tayo, gusto ko lang na malaman mo. Gusto ko na maintindihan mo kung bakit naging masama ako sa iyo. I’m sorry na hindi ko agad naipaalam sa iyo noon. And I’m so sorry na hindi agad ako nagpagamot…” Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. Ang hitsura nito ay nasa pagitan ng pagsuko at pag-asam. “Hinintay ko pa na abusuhin at saktan ang nag-iisang tao na mahal ko at nagmahal sa akin… Hinintay ko pa na kasuklaman mo ako… But I’m still hoping, Lani. I’m hoping that you will treat my case with an open mind.”
Pareho lang pala sila. Parehong biktima ng pangit na nakaraan. Ang pagkakaiba lang nila, malalim ang naging epekto kay Valtus ng pangit na nakaraan.
“Nagkamali ako na hindi kita agad sinunod noon nang sabihin mo na kailangan ko ng professional help… I should have listened to you. It should have rectify the damage sooner. So now, as a consequence… It had cost our marriage.”
Tama ito. Nasira ang pagsasama nila dahil sa pagkakamali nito. Dama ni Lani ang lungkot na bumalot kay Valtus. Umabot pati sa kanya pati ang kawalan ng pag-asa sa tinig nito. Pero nangyari na ang mga nangyari. Hindi na maibabalik ang dati. “Valtus, hindi pa rin naman huli ang lahat. Dadating ang araw na magmamahal ka ulit. At may isang tao na mamahalin ka din. Ngayon na maayos ka na, kung sino man siya, mas magiging maayos na ang pagsasama ninyo kesa sa noong tayo. Hindi na kayo magkakaproblema na gaya ng nangyari sa atin.”
“Tell me, Lani. Paano ako magmamahal uli kung mahal ko pa rin ang dati?”
Hindi siya nakakibo. Nakikita niya sa mga mata ni Valtus ang desperasyon.
“Ang laki kong gago. Mahal na mahal kita pero nagawa kong saktan ka. Alam ko, hindi ako deserving na patawarin man lang. But I’m still hoping for a second chance with you.”
“V-Valtus, kasi… alam mong iba na ang mahal ko.”
“Yeah, I know… And you have no idea how painful it is to know. Pag-asa na lang ang meron ako ngayon. Ayokong bitiwan. Hindi ko bibitiwan hanggang sa huling hininga na meron ako…Huwag kang mag-alala. Wala akong balak na pagbawalan ka na mahalin siya. Kailangan ko nang tanggapin na bilang na ang mga araw na nasa akin ka. Na dadating ang oras na kahit ayoko, hindi na kita dapat pigilan. Oras na nagdisisyon ang korte na paboran ang annulment natin, wala akong magagawa kundi sumuko. Hindi ko lang alam kung kakayanin ko ang sakit kapag nawala na ang karapatan ko sa iyo.”
Awang-awa rito si Lani pero alam niya, wala siyang puwedeng sabihin na makakagaan sa bigat na pinapasan nito. 

I MISSED you, babe…
Galing kay Xaniel ang text. Sa buong araw ay nakakadalawampung text messages yata ito kay Lani bukod pa sa mga tawag. Hindi niya ito sinasagot kung minsan. Lalo na kung nasa malapit lang ang kanyang asawa. Naiilang siya. Nirerespeto niya ang katotohanan na mag-asawa pa rin sila ni Valtus. Ang totoo, ayaw muna sana niyang ipagpatuloy ang relasyon nila ni Xaniel ngayong nasa poder pa siya ni Valtus. Gusto niyang matapos muna ang proseso ng annulment. Gusto niyang lumaya muna sa kanilang kasal ni Valtus bago magpatuloy sa relasyon nila ni Xaniel. Naiilang kasi talaga siya. Nagi-guilty. Technically, nagtataksil siya sa asawa kahit wala pang namamagitang sexual relationship sa kanila ni Xaniel. Dahil nag-commit siya sa binata habang hindi pa napapawalang bisa ang kasal nila ni Valtus.
Babe…?
Ang totoo, nahihirapan na rin ang loob niya na sagutin ng I love you, too ang mga I love you ni Xaniel sa kanya. Mas napapangunahan siya ng guilt. Siya ang nagawan ng mali noon ni Valtus. Pero sa ngayon, siya naman ang nagkakasala rito sa pananatili niya sa relasyon nila ni Xaniel. Daig pa niya ang hinihila ng dalawang puwersa sa magkaibang direksiyon. Para siyang mapupunit. Nahahati ang loob niya sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang asawa ni Valtus at sa kanyang damdamin bilang nobya ni Xaniel.
Tumipa si Lani sa kanyang smart phone. I told you not to call me ‘babe.’ Iyon ang tawag sa kanya ni Valtus noon. Nakakaasiwa na tawagin siya sa iisang endearment ng magkaibang lalaki.
Sorry. Kasi naman I’m not fond of ‘honey.’
Why? Mas gusto pa naman niya ang endearment na ‘honey.’ Mas malambing pakinggan.
‘Yon kasi ang tawag sa akin ni Libby noon.
Napangiti siya nang mapakla. Pareho lang pala sila ng predicament ni Xaniel.
I’ll just call you ‘love.’
Ok. Alam ni Lani na nag-e-expect si Xaniel ng sweet parting words mula sa kanya pero hindi na niya sinundan ang text message. Ibinulsa na niya ang gadget.
Naihinga niya kay Ivony ang saloobin niya kagabi nang tumawag ito. Pinagalitan siya ng kaibigan. Hindi raw siya dapat ma-guilty. Biktima raw siya ng pang-aabuso ng sariling asawa. Kung mayroon man daw dapat ma-guilty, ay si Valtus lang. Magpasalamat daw ito at hindi niya idinemanda. Maghihiwalay din naman daw sila ni Valtus kaya wala daw siyang dapat ika-guilty.
Pero alam niya, nararamdaman niya, na mali na manatili ang relasyon nila ni Xaniel habang mag-asawa pa sila ni Valtus. Iyon ang sinasabi ng kanyang konsensiya. At alam niyang hindi siya ililigaw niyon. Diyos ko, tulungan N’yo po akong mag-decide. Tulungan N’yo po akong gawin ang tama.
Nag-angat si Lani ng tingin. Nakita niyang pabalik na naman sa kabilang dulo ng beach si Valtus. Napakahusay nitong lumangoy. Mabilis ang kilos na parang walang anuman dito ang ginagawa. Lampas pa lang ng alas siyete ng umaga pero nakailang laps na ito ng nalangoy.
Pagsikat pa lang ng araw ay nagyaya na ito na maligo sila sa dagat. Sandali lang siyang nagbabad sa tubig at nagbanlaw na. Pero hanggang ng mga oras na iyon ay nasa tubig pa si Valtus na para bang may malaking kompetisyon na pinaghahandaan.
Medyo nawawala na ang pag-aalala ni Lani na baka pagtangkaan na naman siyang abusuhin ni Valtus. Iisa lang ang kama sa kanilang hotel room. Iisang kama ang kanilang tinulugan. Sa kabilang dulo ng king-sized bed ito nahiga nang patalikod sa kanya. Pero bago siya mahiga roon kagabi ay tiniyak muna niyang nakatulog na ito. Nilagyan pa niya ng mga unan ang pagitan nila na para bang may magagawa iyon kung gusto nitong gawan siya ng masama.
Sa kabila noon, hatinggabi na ay gising na gising pa rin si Lani. Madaling-araw na siyang nakatulog. Paulit-ulit niyang itinatanong sa sarili kung bakit pumapayag siya na matulog sa iisang silid at sa iisang kama kasama si Valtus. Oo at naaawa siya rito. Nakikita niya ang labis na pagsisisi nito sa mga nagawa sa kanya noon. Pero sapat bang dahilan iyon para pagtiwalaan uli ito? Sapat ba iyon para ilagay niya sa peligro ang sarili?
Nang magising siya ay ganoon pa rin ang ayos ni Valtus. Siya ang unang umahon sa kama. Pero gising na rin pala ito at niyaya nga siyang maglangoy.
Humihingal si Valtus nang sa wakas ay umahon ito sa tubig at maupo sa lounge chair na katabi ng kinauupuan niya.
“Ang daming laps no’n, ah,” sabi niya rito. “Hindi ko alam na gano’n ka pala kabilis lumangoy. Pero sobrang pagpapakapagod naman yata ang ginagawa mo.” Noong una silang magsama, iniwasan na niyang maligo sa pool o sa dagat na mag-e-expose ng kanyang balat at body curves. Takot siyang ma-trigger noon ang sexual appetite ng asawa. Ngayon din lang niya napansin na mas naging trim and fit ang pangangatawan nito kaysa dati.
“I needed the exercise. Kailangang-kailangan ko ‘yon ngayong nandito ka na uli.”
Nalito siya sa isinagot nito. “Ano naman ang kinalaman ko sa pagpapakapagod mo?”
“To stop myself from ravishing you. If I am tired already, I won’t think of something that would provoke me to make love to you.”
Nanlaki ang mga mata ni Lani at umawang ang bibig niya sa magkahalong takot at gulat.

Saang side ba kayo mga bes? Team Valtus o Team Xaniel?

Alias (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon