TATLUMPONG minuto bago lumubog ang araw ay naglalangoy na si Valtus sa dagat. Ngayong lubog na ang araw at iilang silahis na lang ang nagsisilbing liwanag ay naglalangoy pa rin ito. Nag-aalala na si Lani. Alam niyang pagod na ito. Sa loob ng limang araw na nasa resort sila ay ganoon lagi ang ginagawa nito. May dalawang oras na naglalangoy ito sa umaga, na sinasabayan niya. Pagkaligo ay tatanungin siya nito kung saan niya gustong pumasyal. Kapag wala siyang masabing lugar, binibigyan siya nito ng options ng mga posibleng magustuhan niyang pasyalan o gawin. Siya ang pinapipili. Pero sa hapon ay mag-isa na lang itong lumalangoy. Siya naman ay naglalakad-lakad lang sa aplaya para mamulot ng magagandang sea shells.
May isa pang ginagawa si Valtus mula nang tumungtong sila sa resort. Pagkakain ng lunch ay niyayaya siya nitong maglakad-lakad sa lilim ng mga coconut trees na saganang nakatanim sa beachfront. Nagkukuwento ito sa kanya. Minsan, experiences nito noong bata at kasama pa ang mga magulang. Ikinuwento rin nito sa kanya ang unang experience nito sa sky diving at bungee jumping. May mga anecdotes din noong bata ito na kapag naalala ay animated nitong ikinukuwento sa kanya. Gaya na lang ng kung paano ito natutong maglangoy. Nalunod daw ang papa nito habang naliligo ang mag-ama sa dagat. Sa takot daw ni Valtus na tuluyang malunod ang ama ay nagsikap ito na languyin ang kinaroroonan nito. Para lang madiskubre na umaarte lang pala ang ama nito para magpilit si Valtus na sagipin ito.
Parang ngayon pa lang nagpapakilala ng sarili ang kanyang asawa. Nadiskubre niya na marami pa pala siyang hindi alam tungkol dito. Mula sa pananaw nito sa politics, travel experiences, paboritong basketball team, pinakagustong NBA player, gourmet food, hanggang sa mga nilalaro nito noong bata. Parang naghahabol ito sa mga nasayang nilang sandali. Na sa palagay nito ay kailangang ikuwento at ibahagi sa kanya. At kapag nasa gitna na ito ng pagkukuwento, nakakalimutan na niya ang masasakit na pangyayari sa pagitan nila.
Kaya lang, kapag naglalangoy na si Valtus, langing nakasiksik sa isip niya na ginagawa iyon ng asawa para makaiwas na sipingan siya. He needed the exercise para hindi siya mapagbalingan, sabi nga nito. Tuloy, ang takot dito na unti-unti nang nawawala sa kanya ay muli na namang nagpaparamdam. Nagdudumilat pa rin ang katotohanan. Naroon pa rin ang natural impulse nitong sipingan siya.
Mabuti na lang at sa gabi, matapos nilang manood ng show ng poi dancers sa beach o makinig sa featured singer ng hotel habang nagkakape, nagyayaya lang itong bumalik sa kanilang hotel room kapag namumungay na ang mga mata sa antok. Ito ang laging nauunang matulog sa kanilang dalawa.
"Lani!"
Napakislot siya pagkarinig sa kanyang pangalan. Tumingin agad siya sa nilalanguyan ni Valtus. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang lumubog-lumitaw ito sa dagat. Hindi na niya naalalang humingi ng tulong sa lifeguard ng beach resort. Tumakbo siya agad at nilusong sa dagat si Valtus. Nilangoy niya ang kinaroroonan nito sa pinakamabilis na speed na makakaya niya. Sa muling paglubog nito ay mabilis na hinawakan niya sa buhok at itinaas ang ulo. Pagkatapos ay ang baba nito ang iniangat niya. Saka lang ito kumalma at naisip na palutangin ang katawan.
"Nagka-leg cramps ako..." sabi ni Valtus. Hingal na hingal ito. Makikita sa mga mata nito ang labis na takot.
Noon lumapit sa kanila ang lifeguard na may dalang life bouy. Pinakapit nito roon si Valtus. Ang lifeguard na ang nag-ahon kay Valtus patungo sa pampang. Mabuti na lang at hindi ito nakainom ng tubig kahit sandaling lumubog kanina. Ang lifeguard na rin ang naglapat ng first aid sa asawa niya para mawala ang leg cramps nito.
Nakamata lang si Lani sa mga ito. Shocked pa rin siya hanggang ngayon. Posibeng nalunod si Valtus kung hindi agad nila nadaluhan ng lifeguard. Posibleng mamatay ito. At takot na takot siya sa posibilidad.
Ang bigat ng dibdib niya. Ngayon lang niya na-realize na parang hindi niya matatanggap ang posibilidad na mawala si Valtus. Natatakot at naiiyak siya. Ayaw niyang mawala ito. Iyon ang pakiramdam niya."YOU don't look okay, Lani. May problema ba? Tell me."
Napailing si Lani. Siya pa ang tinatanong ni Valtus samantalang ito ang muntik nang malunod kanina. "Okay lang ako."
"Dahil ba sa nabasa ang cell phone mo no'ng sagipin mo ako? Don't worry. Ako na ang bahala. Bibilhan kita ng kapalit. Tumawag na ako kay Manong Susing na pumunta agad sa Centrio. Siguro bago magsara ang mall mamaya nakabili na siya."
"Hindi ko pinoproblema ang nabasang cell phone." Baka nga makabuti pa iyon sa kanya. Hindi siya matatawagan ni Xaniel at may dahilan siya para hindi mag-text dito. Mas mababawasan ang guilt niya.
"Kilala kita. Isang tingin ko pa lang sa iyo alam ko kung worried ka, kung nasasaktan o nalulungkot. Bakit, may problema ba kayo ng boyfriend mo?"
Nagulat siya. Ang weird pala na pinag-uusapan ng mag-asawa ang boyfriend ng asawang babae. "Wala."
"Bakit ka pala ganyan?"
Iba ang isinagot niya kay Valtus. "I think hindi ka na dapat lumalangoy sa hapon. Baka kaya ka pinulikat kanina kasi pagod ka na. Okay na 'yong langoy mong two hours sa umaga."
"Okay."
"Ikaw, okay ka na ba talaga? Muntik ka nang malunod at traumatic ang experience na 'yon.
"I'm alright. Hindi na ako takot mamatay, Lani. Kung nalunod ako kanina at namatay, magiging masaya na rin ako. At least, namatay ako na ikaw ang nasa tabi ko."
"Huwag mong sabihin 'yan!" hintakot na saway niya kay Valtus. Nakalakihan niya na sinasaway ng mama niya ang mga katulad ng ganoong pronouncement para daw hindi magkatotoo.
"Nagpapakatotoo lang ako, Lani. Mas maluwag sa dibdib na matatanggap ko ang gano'ng kamatayan. Kesa mamatay ako na wala ka sa tabi ko... Nang wala ka na sa buhay ko."
Napaiyak na siya sa puntong iyon. "Stop it, Valtus!"
Ito naman yata ang naalarma sa bigla niyang pag-iyak. Nilapitan siya nito kaagad. "Hey, what's wrong?" Sa unang pagkakataon, pagkaraan ng kalahating taon mula nang takasan niya ito, ngayon lang nito hinawakan ang mga braso niya.
Hikbi at sigok ang naging sagot ni Lani. Hinatak niya ang kanyang mga braso mula sa pagkakahawak nito at bigla niya itong niyapos nang mahigpit. Sa dibdib nito siya umiyak nang umiyak.
"I'm sorry. It's alright... Shh... It's okay. Don't cry, please... Hush now, babe..."
Naramdaman ni Lani ang marahang paghagod ni Valtus sa kanyang ulo at likod habang pinapatahan siya. Pero lalo siyang napaiyak nang marinig ang endearment sa kanya na matagal na nitong hindi ginagamit. Gusto niyang sumigaw. Iyak siya nang iyak. Nanginginig ang kanyang katawan. Parang nilulunod siya ng lahat ng mga damdaming sabay-sabay na nararamdaman niya ngayon. Takot, galit, pagkalito, guilt, pananabik, pangangailangan ng makakapitan. At sa gitna ng lahat ng iyon, iisa lang ang nais niya - huwag siyang iwan ni Valtus.
Mahabang sandali muna ang dumaan bago siya nahimasmasan. Inakay siya ni Valtus sa sofa at pinainom ng tubig.
"I think you need some rest. Take a nap. We'll have dinner when you wake up." Inihatid siya ni Valtus sa kuwarto at pinahiga sa kama. Kinumutan pa siya nito. Marahang-marahan, hinalikan nito ang noo niya. "There you go. Nasa labas lang ako pag gising mo. Just call me when you need anything, okay?"
Napaluha na naman siya. First time iyon na hinalikan siya nito sa noo. Nasa pinto na ito nang tawagin niya. "Valtus, wait."
Pumihit ito at binalikan siya. Lumitaw ang pag-aalala sa mga mata nito nang makitang umiiyak uli siya. "What is it?" Dumampi ang mga daliri nito sa ibaba ng mga mata niya para pahirin ang mga luha. "Gusto mo bang mag-usap tayo? Gusto mong magkuwento para gumaan ang pakiramdam mo? Ano ba talagang problema? Tell me, babe."
"H-huwag mo akong iwan. Samahan mo ako dito."
Umawang ang mga labi nito. Mukhang nalito.
Tinapik niya ang katabing espasyo sa kama. "Samahan mo 'ko dito," ulit niya.
Mukha pa rin itong naguguluhan pero sinunod siya. Nahiga ito sa tabi niya, at gaya ng dati ay nag-iwan ng puwang sa pagitan nila.
She closed the gap between them. Iniyakap niya ang kanyang braso sa katawan nito at isiniksik ang sarili dito. Pumalibot naman ang braso nito sa likod niya. Pinagsalikop nito ang mga braso sa katawan niya. Naramdaman niya ang pag-alon ng dibdib nito. "Tell me I'm not dreaming..." anas nito.
"No, you're not," ganting bulong niya nang tingalain ito. Parang hinaplos ang puso niya nang makitang naluluha ito pero nakangiti. Dinampian nito ng halik ang kanyang noo. Hinapit naman niya ito. Sa puntong iyon, hindi muna mag-iisip si Lani. Hahayaan niyang mangyari na lang ang mga puwedeng mangyari sa kanila ni Valtus. Susugal siya sa ikatatahimik ng puso at isip niya.
"My heart is about to burst any moment now..." anas uli nito. "How can it contain this kind of happiness...?"
Tumingala ulit siya. Nangahas ang isang palad niya na haplusin ang pisngi nito, ang baba nito. At nang hindi na siya makatiis, itinaas niya ang sarili hanggang sa magkatapat ang kanilang mga labi. She tasted his lips. At nanumbalik ang napakasarap na pakiramdam nang una nilang pagsaluhan ang halik sa araw ng kanilang engagement ni Valtus.
Naramdaman ni Lani na bahagyang nanginig ang mga labi nito. Muli niyang inilapat ang bibig sa mga labi nito. Noon pa lang ito gumanti ng halik. Marahan. Maingat. Pero hindi maikakaila ang pinipigilang pananabik. Matagal silang nagsalo sa halik. Tumitigil lang sila sandali kapag kinakapos na ng hininga. Libo-libong kilabot ang bumabalot kay Lani nang mga sandaling iyon. Napakasarap. Napakatamis. Para siyang idinuduyan habang nilulukuban ng luwalhati.
Dumausdos ang mga labi ni Lani sa baba nito, sa leeg. Dinig niya ang mga pagsinghap ni Valtus. Siya naman ang pinaulanan nito ng halik sa leeg. Wherever she led him, he followed. Naramdaman niya ang tensiyon ni Valtus nang halikan niya ang umbok sa dibdib nito.
"Oh, babe... what are you doing to me?" daing nito. Nang hindi na yata nakatiis ay pinagpalit nito ang posisyon nila. Siya na ang napapadaing sa bawat pagtatagpo ng labi nito at ng balat niya.
Ang init-init ng pakiramdam niya. Hindi siya matatahimik hangga't hindi nagkakaroon ng kaganapan ang sinimulan nila. Kinalimutan muna niya ang mga takot. She needed this moment not only to prove something but to teach herself to learn trust again.
Nang sa wakas ay kumilos si Valtus para pag-isahin ang kanilang mga katawan, saka lang namalayan ni Lani na pinipigilan pala niya ang paghinga. Naluluha siya habang sabay silang sumasayaw sa ritmo na singtanda na ng panahon. Hindi siya iniwan ng asawa. Sabay silang nagpasasa sa luwalhati na kaloob ng kanilang pag-iisa.
"Thank you..." humihingal na bulong ni Valtus habang yakap siya at hinihintay ang paghupa ng luwalhating pinagsaluhan. Maluha-luha pa ito. "This is the first... I mean, the only true lovemaking I've ever had."
"First time din sa akin 'to," sabi niya, pagod na pagod ngunit maligaya. Dahil lahat ng pagniniig na nangyari sa kanila noon ay sex lang talaga at pang-aabuso. Ngayon lang nagkaroon ng elemento ng damdamin, suyuan at pagmamahalan ang kanilang coital experience.
"I know this is too much to ask..." Marahan nitong hinahagod ang kanyang braso habang nagsasalita. "But I was hoping, no, I was praying... that what we just had would erase the ugly memories of the past."
"I hope so, too..."
Yumuko ito at dinampian ng halik ang kanyang mga labi bago siya muling niyakap. Sa ganoong ayos siya nakatulog.Dumadami ang kampi kay Valtus. Pero ang writer na to, ayaw pa ding i-let go si Xaniel. Kanino nga ba mapupunta si Lani sa ending?
BINABASA MO ANG
Alias (COMPLETED)
RomanceAbout a woman who needed to escape from the sex-starved man she loved with all her heart. (Submitted July 2017) Unedited Rated R-18