“ALAM mo ba, kung sakali na magkaroon ako ng sariling pamilya, hindi pa rin ako papayag na mawala sa poder ko si Ayeth.” Pinagmamasdan ni Xaniel si Roma habang sinasabi iyon. Gusto niyang subukin ito. Gusto niyang alamin kung ano ang stand nito sa sinabi niya. Parang hindi na niya makakaya ang isa na namang heartbreak kung ang babaeng susunod na mamahalin niya ay tutol sa ideya. Si Ayeth ang nag-iisa niyang pamilya.
“Tama ka naman. Bata pa siya. Saka kayong dalawa na lang sa pamilya.”
“Kung mag-aasawa ka ba, at namalan mo na kasama pala ninyong titira sa bahay ang ibang members ng family niya, okay lang sa iyo?” Pinakaswal lang ni Xaniel ang tono pero napakahalaga para sa kanya ng magiging sagot ni Roma.
“Oo naman. Pamilya ko na din sila, if ever. Parte ng asawa ko. May mga instances na mas mabuting may kasamang kapamilya kaysa kung dalawa lang kayong magsasama sa iisang bubong. Para hindi umaabuso ang isa sa inyo. Para lang may pangingilagan dahil hindi lang kayong dalawa ang tao sa bahay.”
Napangiti siya. Ibang-iba ang pananaw nito kaysa kay Libby.
“Isipin mo nga, kung mag-aasawa ka at iiwan mo rito si Ayeth on her own, mapapalagay ba ang loob mo? Di ba hindi?”
“Actually… kaya kami naghiwalay ng naging girlfriend ko, ayaw niyang makasama namin si Ayeth. Ayaw niya na titira sa amin ang kapatid ko.”
“Ah?” sabi nitong parang hindi makapaniwala.
“Oo. Last year, no’ng mag-propose ako sa kanya, sinabi niya agad sa akin na kapag mag-asawa na kami, gusto niyang kaming dalawa lang sa bahay. Ayaw niya na may ibang tao, kahit pa ang kapatid ko. Mas gusto niya raw na tumira sa isang bahay na kami lang ang tao.” Nang sabihin iyon sa kanya ni Libby ay nadismaya siya. Tumutol agad siya. Sinabi niya na hindi niya maaaring pabayaang mag-isa sa bahay ang kapatid. Pero hindi niya natinag ang stand ni Libby. Nagmatigas ito sa gustong mangyari. Dumating pa sa punto na tinanong siya nito kung sino ang pipiliin niya—ito o si Ayeth. Masakit sa kanya ang magdisisyon. Pero sa kahit anong punto o panahon ng buhay niya, hindi niya puwedeng pabayaang mag-isa ang kapatid niya. Hirap na hirap ang kalooban niya nang makita kung gaano iniyakan ni Libby ang kanyang pasya. Mahal niya ito at ayaw niyang saktan. Pero labag sa loob niya ang gusto nitong mangyari. At mas pipiliin niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan kaysa pabayaan ang sarili niyang kapatid. Kaya naghiwalay sila ng landas ni Libby.
“Mahal mo pa ba siya?”
Umiling siya at ngumiti sa tanong ni Roma. Parang gusto niyang kiligin. Inaalam nito kung mahal pa niya ang kanyang ex. Interesado itong malaman. He should not read too much from it but he cannot help it. “Ikaw na ang mahal ko, di ba?”
Namula ito at nag-iwas ng tingin. Pero nakita na niya ang nahihiyang ngiti na itinago nito. Pinigilan lang niya ang sariling mapatalon sa tuwa.ITINULOY pa rin ni Valtus ang pagtungga sa hawak na wine glass sa kabila ng pagtapik ni Fitch sa balikat niya. Kanina pa siya nito pinipigilan sa pag-inom. Baka raw makasama na sa kanya. Dalawang buwan na mula nang mawala si Lani. Dalawang buwan na rin niyang pinagbabalingan ang alak. Hindi niya matanggap na nilayasan siya ng asawa. Ito na nga lang ang mayroon siya at nawala pa. Mahal na mahal niya ito. Ano pa ang silbi ng buhay niya ngayong wala na ito? “Tell me, Fitch, saan ko pa siya puwedeng makita? Kahit ilang PI ang idagdag mo na maghahanap sa kanya, gawin mo. Magbabayad ako kahit ilan pa sila. Mahanap lang ang asawa ko.”
“Sabihin mo nga sa akin, Valtus. Kapag ba nahanap natin ngayon si Lani, anong guarantee na hindi na niya uulitin ang ginawa niyang pagtakas sa iyo?”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan. There was an undertone of censure in Fitch’s voice.
“At kung mahanap nga natin siya, paano mo siya pipilitin na bumalik sa iyo? Will you use force?”
Tuluyan na siyang nainis sa kaibigan. “What are you talking about? She is my wife! If and when we find her, she will come with me whether she likes it or not!”
“Whether she likes it or not. ’Yon ba ang gusto mo? Na makisama ulit siya sa iyo kahit napipilitan na lang? Mahal ka pa kaya niya para magtiis na naman? For all we know baka gawin niya ang lahat makalayo lang sa iyo.”
Napamura siya sabay tayo at duro kay Fitch. “What are you driving at? May gusto ka ba sa asawa ko?”
“Hindi ako. Pero sa ngayon, baka lang,” sabi niya sabay guhit ng mga daliri sa ere ng invisible na panipi, “baka ang ibang lalaki nagkakagusto na sa kanya at nagsisimula na rin niyang magustuhan.”
Hindi na niya pinigilan ang sarili. Sinunggaban niya si Fitch at kinuwelyuhan. “Don’t ever say that again! I won’t let it to happen!”
Walang anumang pinagpag nito ang kamay niya. “Mag-relax ka nga. Hindi mo nakukuha ang punto ko.”
Hindi man lang nabawasan ang pagkainis niya kay Fitch. “Ano ba kasing punto mo?!”
“Valtus, kahit hindi ko nakausap ang asawa mo bago ka niya layasan, alam ko ang dahilan ng pag-alis niya. Pinagsabihan na kita noon. Pero hindi ka nakinig sa akin…”
Natigilan siya. Natatandaan niya ang sinasabi nito. Dalawang buwan pa lang yata silang naikakasal noon ni Lani. Minsan dumating sa kanila si Fitch para ihatid ang burglary incident report na kailangan niya. Nadatnan nito na umiiyak si Lani sa sofa habang yakap ang sarili. Katatapos pa lang nilang magtalik doon sa mismong sofa na kinauupuan ng asawa. Napanggigilan niya si Lani kaya nagkagalos ang dibdib. Walang sinabi noon si Fitch, pero kinabukasan, nang magkita sila sa opisina ay pinagsabihan siya nito. Mukha raw may epekto pa sa kanya ang ginawa ng stepmother niyang si Zita. Pinayuhan siya ni Fitch na sumangguni sa isang psychiatrist. Tinawanan lang niya at ipinagwalambahala ang sinabi nito.
“Kung babalikan mo si Lani, if ever na makita pa natin siya, mas malaki ang chance na mapatawad ka niya at pumayag na makipagbalikan kung naayos na ang problema sa iyo. Dahil kung ngayon kayo magkikita, isang monster pa rin ang magiging tingin niya sa iyo. Hindi pa rin mawawala sa kanya ang matinding takot sa iyo at posibleng dalhin na niya sa legal court ang pakikipaghiwalay nang tuluyan.”
“Kung magsalita ka parang ang dami mong alam tungkol sa pagsasama namin ni Lani. Bakit, nagko-confide ba siya sa iyo? Malapit ka ba sa kanya? Kailan pa kayo naging mag-bestfriend?”
“Cut the sarcasm, Valtus! I’m your friend and I only want what’s best for you. That’s why I’m telling you this. You are sick. You needed professional help. And the sooner you accept that to yourself, the better.”
BINABASA MO ANG
Alias (COMPLETED)
RomansAbout a woman who needed to escape from the sex-starved man she loved with all her heart. (Submitted July 2017) Unedited Rated R-18