12PARANG sinikaran sa dibdib si Valtus pagkakita kay Lani na nakaabrisete sa lalaking kasama nito. Tumatawa ang kanyang asawa. Tawa na ngayon lang niya nakita rito mula nang magsama sila. Ibang lalaki na ang nagpapasaya kay Lani. Ang sakit lang makita ng dalawang mata niya.
Fitch did warn him. Hindi niya magugustuhan ang makikita. Na malapit na sa lalaking iyon ang asawa niya. Na sa iisang bubong nakatira ang mga ito. And only God knew what they were doing inside that damned house. Limang buwan. Ganoon katagal na magkasama ang asawa niya at ang lalaking iyon. Ganoon katagal bago natunton ng mga tauhan ni Fitch ang kinaroroonan nito.
Kung napaaga-aga sana, tiyak na sa unang pagkakataon ay kinaladkad na niyang pabalik sa Cagayan de Oro si Lani. Tiyak na dobleng pagguguwardiya ang gagawin niya matiyak lang na hindi na ito makakaalis sa piling niya.
Pero ngayon, pagkaraan ng tatlong buwan na pagsailalim niya sa counselling at gamutan ng isang psychiatrist, hindi na siya ang dating Valtus. Hindi naging madali para sa kanya. Pero sa ngayon, kaya na niyang hawakan ang kanyang mga emosyon. He can now tame the beast in him. Ang halimaw na nilikha ng stepmother niyang si Zita matapos mailibing ang kanyang ama…
“Maiiksi na ang mga pantalon mo, Valtus. Ang bilis mo kasing lumaki,” sabi ng lampas-kuwarenta nang stepmother niyang si Zita na sumalubong sa kanya sa front steps ng bahay. Kalalabas lang niya galing sa Xavier University-Ateneo de Cagayan, ang pinapasukan niyang exclusive school for boys. Mula sa pinasukan niyang bakal na gate hanggang sa front steps ay walang kurap na nakatitig ang madrasta sa kanya. Dalawang linggo pa lang na naililibing noon ang papa niyang si Valentino matapos itong magkaroon ng freak accident sa flatform ng shipyard na iniikspeksiyon nito.
“Good afternoon po, Tita Zita.” Sampung taong gulang pa lang siya nang maging asawa ito ng papa niya. Hindi siya naging malapit sa kanyang madrasta pero sinikap niyang maging magalang dito.
Tumango lang ito. “Magpahinga ka na. May merienda na hinanda si Brieta. Kumain ka. Sasamahan kita mamaya sa Gaisano para bumili ng mga bago mong pants.”
Sa tingin ni Valtus ay tama lang ang sukat ng mga school pants niya. Binili nila iyon ni Manang Brieta bago magpasukan. At ngayon ay nangangalahati pa lang ang school year. Tumangkad nga siya pero hindi naman bumitin ang mga pantalon niya. Malabo na yata ang mga mata ng stepmother niya. Pero sinunod niya ito. Bandang alas singko ay nasa Gaisano City Mall na sila. Limang bagong mga pantalon, lima rin na mga kamisetang panloob, anim na pares ng medyas, tatlong sportshirts at tatlong pantalong maong ang ibinili sa kanya ng madrasta. Sa loob ng mahigit dalawang taon mula nang mapangasawa ito ng papa niya, ngayon lang ito umubos sa pagsa-shopping ng ganoon kalaking halaga para sa kanya.
“Hindi ko pala nasabi sa iyo. May binili akong imported chocolates. Pero mamaya mo na kainin pagkatapos mag-dinner.”
Napangiti si Valtus. Paborito niya ang imported chocolates. Kung kailan nawala ang papa niya, mukhang mas bumait ngayon sa kanya ang madrasta. “Thank you po.”
Pero pagkahapunan nila ay hindi na niya makita sa ref ang imported chocolates na sinasabi ni Tita Zita. Hindi rin daw nakita ni Manang Brieta. Hindi naman niya matanong ang madrasta dahil pumasok na ito at nagkulong sa kuwarto. Natulog tuloy siya na medyo disappointed.
Himbing na siya sa pagtulog nang magising siya dahil sa liwanag. Isinara niya ang mga ilaw kanina pagkahiga niya. Ngayon ay nakabukas lahat. Pagpihit niya sa kabila ay nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama si Tita Zita. Nakasuot ito ng manipis na nightie at hawak sa kamay ang bar ng imported chocolate.
“Gusto mo ng tsokolate, di ba?” sabi nitong nakangiti.
Nananaginip lang ba siya dahil sa disappointment niya sa chocolate na hindi niya nakita sa ref kanina? Kinusot niya ang mga mata. Nasa silid talaga niya si Tita Zita. “Pero naka-toothbrush na po ako.”
“Mag-toothbrush ka na lang ulit.” Tinalupan nito ang tsokolate. Pumiraso ito ng maliit at inilagay sa bibig niya.
Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari pero kinain niya ang isinubo nito.
“You like it?”
“Opo.”
Pumiraso pa ito pero sa halip na isubo uli sa kanya ay inilagay lang nito sa opening ng suot niyang pajama top. Nagulat siya nang yumuko ito at dilaan ang tsokolate pati na ang dibdib niya. Umatras siya pero nahawakan agad nito ang kanyang mga kamay. Ilang sandali pa at pinaliliguan na nito ng halik ang buong katawan niya.
Sa murang isip niya ay alam niyang mali. Pero nagustuhan ng kanyang katawan ang ginagawa nito, na laging intense, passionate at kung minsan ay marahas. Bata pa siya ay naturuan na siya nito ng iba’t ibang posisyon para mas maging satisfying ang laro sa kama. Kalaunan, ang ginagawa sa kanya ng madrasta ay ginagawa na rin niya rito. Hanggang sa magbinata siya ay hindi na siya nakawala sa kasalanang iyon. At nang mamatay ito sa sakit na ovarian cancer tatlong taon na ang nakakaraan ay hinanap-hanap na ng katawan niya ang dati nilang ginagawa. Hanggang sa makilala niya si Lani, ma-in love dito, at maging asawa ito.
Minahal niya si Lani sa paraang alam niya. Ang akala niya masaya na ito na nabibigyan niya ng lahat ng materyal na pangangailangan. Akala niya ay makakasanayan nito ang paraan niya ng pakikipagtalik. If not for Fitch who had pushed him to seek professional help, he would still be a monster and he would not know it. Kung hindi sa kanyang kaibigan, hindi niya malalaman na napakarami pala niyang kamalian at paglabag na ginagawa.
At ngayong nalaman na niya ang kinaroroonan ni Lani, ngayong handa na siyang humingi ng tawad dito at ituwid ang mga pagkakamali niya noon, paano pa niya ito mapapapayag na bumalik sa kanya?
![](https://img.wattpad.com/cover/128631552-288-k349184.jpg)
BINABASA MO ANG
Alias (COMPLETED)
RomanceAbout a woman who needed to escape from the sex-starved man she loved with all her heart. (Submitted July 2017) Unedited Rated R-18